Mata

1K 21 0
                                    

Year 2013, si kuya ko at ako lang sa bahay nun, everytime na malapit na ang undas na yung kuya ko, hindi na mapakali yan.. iiyak siya ng malakas, aligaga at hindi ko malaman kung anong gusto niya.. until now (Si Kuya ko ay special child, cerebral palsy yung condition niya) naiwan kami sa bahay, yung parents ko nag punta sa sementeryo. Habang nag lalaba ako sa labas yung kuya ko naiwan sa loob ng bahay pero malapit naman ako sa kanya. Naririnig ko siyang umiiyak nanaman so pumunta ako para alamin yun. Tinatanong ko pa kung gutom na ba siya or kung ano ang gusto niya, so bumalik nanaman ako sa pag lalaba ko. Then umiyak nanaman ang kuya ko, mas malakas siya kumpara nung una, dun na yung napasigaw siya na kinagukat ko. Napatigil at napatingala ako sa pag lalaba nang may nakatayo na nakatingin sa akin matandang lalaki na makaluma ang suot, sobrang nangangatog ang tuhod ko, feeling ko babagsak ako sa panghihina.. galing siya sa kung saan andoon ang kuya ko. Dali dali akong pumunta sa kuya ko, pati siya nagulat sa pag dating ko. Tinawag ko pangalan ng kuya ko at niyakap ko siya. Doon lang siya tumigil sa kaka iyak pero hindi pa rin siya nahinto sa kakalinga. Nung tumigil na siya sabi ko sa kanya babalik na ako sa pag lalaba. Bigla nanaman siyang naging aligaga at umiyak ng mas malakas. Tiningnan ko mismo yung mata niya nagulat ako kasi may nag rreflect, may babaeng nakatayo sa likod ko nakatingin sa kuya ko. Sa sobrang takot ko, nabuhat ko kuya ko sa labas ng bahay at doon na lang kami ng stay hanggang sa dumating ang nga magulang ko. Sa labas ng bahay, nag pray ako at nakatulog na ang kuya ko.

Hindi ko alam kung nakakatakot pero salamat sa pag babasa 🙂 marami pa akong experience na ganyan 🙂

Teachercha
Muntinlupa

SPOOKIFY STORIESWhere stories live. Discover now