Staff House

515 3 0
                                    

Hi I'm Hailey 🙂 First time ko pong nagsulat ng kwento ko pero palagi akong nagbabasa ng mga stories dito sa Spookify, I'm an avid reader. Gusto ko lang ikwento ang karanasan ko tungkol sa isang pangyayari. Nagtatrabaho ako sa isang sikat na resort dito sa Bohol. Hindi ko nalang i-mention ang pangalan.

Since hindi kami native na taga dito (Taga kabilang isla kami ng cousin ko) so sa staff house sa loob ng resort kami nakatira. Bago pa lang ako nagtrabaho doon kwento na talaga ng mga old employees na may mga kababalaghan daw talaga dun sa resort. Actually, dalawa ang staff house namin; ang isa bago pa lang natapos (dun kami nakatira) at ang isa luma na. There was a time na nagkaron kami ng misunderstanding sa isa sa mga katrabaho namin. Lahat kami inaway nya so ang nangyari dun kami natulog sa luma.

May dalawa kaming katrabaho (puro kami babae) na dun talaga sila sa luma nakastay kasi wala ng space sa bago. At dahil nga nagkaroon ng misunderstanding, dun kami natulog. Si Ate Kate dun sya talaga sa baba natutulog (2 storey yung staff house) tapos si Ann sa itaas sya. Dun kami tumabi kay Ann sa itaas (dalawa kami ng kaibigan ko). Kaya ayun tatlo kami. Nang matulog na kami nakarinig ako ng mga yabag paakyat sa hagdanan. Lumingon ako kina Ann at Leigh pero andun sila nakatulog na. Kinabahan na ako kasi papalapit na ang mga yabag. Narinig at nafeel ko talaga na umupo sya dun sa tabi ng hinihigaan ko, naginginig na ako sa takot pero nagkaroon pa rin ako ng lakas ng loob na ilabas ang mukha ko dun sa kumot pero wala akong nakita! Walang tao, tinawag ko si Ate Kate pero andun sya sa ibaba. Nanginginig talaga ako sa takot at tumayo mga balahibo ko. Natulog ako ulit, pagdating ng 3am nanaginip ako na meron daw nakatingin sa akin habang natutulog ako. Nagising ako bigla na nakatayo ang mga balahibo ko.

Kinabukasan ikinuwento namin ang nangyari dun sa mga old employees. Nalaman namin meron daw security guard doon na nagpakamatay ilang taon na ang nakalipas. Dun sya sa ibabaw ng compressor room nagpakamatay. Nagbaril sa ulo. Nung time na nangyari yun, di alam ng compressor man na andun sya sa itaas. Nagtaka nalang siya na may something na basa na tumutulo. Pagtingin nya sa itaas ayun nakita nya ang guard na patay na at tumutulo ang dugo. Siguro siya nga yun. Kinikilabutan kami kaya di na ulit kami natulog dun. Marami pang mga kababalaghan na nangyari dun. Next time ulit at sana mapost ito. Salamat Spookify.

Hailey

SPOOKIFY STORIESWhere stories live. Discover now