Roommate

328 5 0
                                    

"Roommate"

May bago akong roomate. Sanay naman ako may mga bagong kasama sa kwarto dahil every year may grumagaduate at may bagong pumapasok. Pero parang may iba sa kaniya. Unang kita ko palang parang ang bigat bigat na agad pero never ko naman siyang pinag-isipan ng masama. Itago nalang natin siya sa pangalan na Sharmaine.

Linggo nung dumating sila nang nanay nya. Galing daw kasi silang probinsya. Yung nanay ya naman parang ang bait-bait. Nakiusap pa nga na pakitignan-tignan ko daw anak niya kasi di daw ito sanay sa Manila. Nangako naman ako na magtutulungan kaming dalawa. Pero umuwi na rin si Tita bago mag tanghalian kasi yung mga kapatid niya ay naghihintay sa bahay. Nung kami nalang naiwan ay naging tahimik na. Mahiyain siguro, sa isip ko lang kaya nagtanong-tanong ako tungkol sa kanya. Nursing yung kinuha niya pero gusto nya daw sana magculinary kasi mahilig siyang magluto. Sabi ko naman sa susunod paglutuan niya naman ako.

Yung kwarto kasi namin malawak parang pwede nga pang apat kaya. Tapos yung matutulog na kami sinabihan nya ako na nagsesleep talk daw siya baka daw magulat ako. Pero inassure ko siya okay lang dahil mahimbing naman ako matulog.

Nung gabing yung , hindi ko alam pero nagising ako kasi parang may umiiyak. Pagmuklat ko nakita ko siya nakaupo tapos may sinasabing hindi ko maintindihan. Tinawag ko nga siya di naman siya sumagot pero tumigil din siya sa pag-iyak tsaka nahiga. Kinabukasan kinausap ko siya kung okay lang ba sia sabi niya oo naman. Kaya di ko na siya kinausap tungkol sa nangyari kagabi. Lumipas yung ilan pang gabi wala naman akong kakaibang naramdaman.

Hanggang isang gabi nagising ako, naaninag ko siyang tumayo pero di ako umimik. Sa isip ko baka mag-ccr lang nakita ko siyang nakatayo sa ilalim ng paa ko pero parang sinasabi nga utak ko na magtulogtulugan ako. Kinakabahan narin ako nung oras na yun . Naramdaman ko rin nahinawakan niya yung paa ko. Pinapakaramdaman narin siguro kung gising ako. Maya-maya naglakad siya papunta sa uluhan ko tapos nakatayo lang dun ng matagal. Pero nagpatuloy parin ako sa pagtulog-tulugan. Narinig ko nalang nagsalita siya. " Alam kong gising ka. Di mo ako maloloko" Pagmulat ng mga mata ko laking gulat ko kasi nakita ko na nakapikit siya ang parang natutulog kaya tinawag ko yung pangalan niya. Tapos nagising siya. Nagulat din siya na nakatayo na siya. Kaya binuksan ko yung ilaw at kumuha nung tubig. Tinanong ko siya kung may alam ba siya sa ginawa nya pero sabi nya sakin wala daw. Sabi ko di lang siya basta nagsleep talk pero naglalakad rin siya. Di narin kami nakatulog kasi 4:30 am narin.

Dumating rin na nagpaalam ako sa kanya kung okay lang ba magpatulog ako ng classmate ko kasi kalangan namin gumawa ng report at pumawag naman siya . Mga 1:00 am nakaramdan ako ng antok. Yung partner ko naman busy parin sa pagtatype at nung nilingun ko si Sharmaine ay mahimbing natutulog kaya nagpaalam ako na maliligo muna para mawala yung antok.

Di nagtagal narinig kong may kumakatok kaya nataranta ako at nagtampis. Binuksan ko ang pinto at nakita ko yung classmate ko na natatakot sabi niya ang weird daw ng roomate ko kaya nagmadali kaming bumalik sa kwarto at nakita siya nakaupo na nakangiti . Yung parang tuwang tuwa. Tinawag ko yung pangalan niya para gisingin siya pero mas nagulat ako sa sinabi nya, " May kutsilyo sa ilalim ng unan ko at matagal na kitang gustong saksakin." At nung kinuha ko yung unan nya laking gulat ko dahil may cutter nga.

SPOOKIFY STORIESWhere stories live. Discover now