Sanggol sa Bulaklak

536 6 0
                                    

Hi po. Magandang gabi po sa mga readers ng page na ito. Hindi ko na patatagalin pa. Eto na.

Share ko lang po. Nangyari ito sa kapitbahay nameng lalake (Tawagin nalang nating si kuya bob). Matagal na itong nangyari. Dito sa lugar namen (di ko na imemention) ay may isang malawak na lupa pero puno sya ng mga halaman tapos mga malalaking dahon ng gabi at matataas na mga talahib. Dati daw itong pabrika pero nasunog daw. Ang lupaing ito ay katabi lang ng bahay namen kaya kita ko ang tanawin nito. Halos marameng gumagapang na mga hayop dito pero bawal hulihin kasi sabi nila baka daw alaga ito ng mga engkanto. Sabi kasi nila marame na raw namumugad dito since abandonadong lupain na ito at marameng halaman. Tinatawag nameng pelikan ang lugar na ito.

So ito na nga. Si kuya bob ay pumunta sa pelikan para manghuli daw kasama ang mga kaibigan nya. Then may nakita daw syang napakagandang bulaklak at sobrang bango tapos pinitas nya ito. Dahil sa sobrang bango ng bulaklak halos madurog na nya ito sa kamay nya kakapisil. Kinabukasan nakita nilang naninilaw daw si kuya bob tapos may iniindang sakit ito, naisip nila na baka hepa ang sakit kaya pinacheck up nila sa doktor pero walang makitang anumang sakit sa kanya. Lumipas ang ilang araw at lumala ang sakit nya, lalo syang nanilaw at nangayayat, at may iniinda pa syang sakit sa atay. Kaya naman dinala nila sa albularyo si kuya bob. Nalaman nila sa albularyo na naengkanto si kuya bob. Ayon daw sa albularyo, may napatay daw na sanggol si kuya bob sa loob ng bulaklak at nagalit ang ina ng sanggol kaya pinaruhasan sya. Lahat ng ritwal ay ginawa na nila para lang patawarin si kuya bob ng engkanto ngunit sobra daw ang galit ng engkanto kaya lalong lumala lang ang sakit ni kuya bob. Si kuya bob ay hindi na tumagal pa at namatay na. Pero ayon sa pamilya nya, bago daw sya mamatay, may sinabi daw si kuya bob sa kanila na sinusundo daw sya ng engkanto na yon dahil nagkakagusto daw sa kanya at ayaw na syang pakawalan. Kaya naman bumigay na sya dahil ayaw na raw nyang mahirapan pa sya lalo na ang kanyang pamilya.

Meron pang nangyari habang nakaburol pa sya pero masyado nang mahaba. Ikukwento ko nalang kapag napost ito. Marameng salamat po.

Erza Scarlet

SPOOKIFY STORIESWhere stories live. Discover now