Bantay

338 3 0
                                    

"Misteryosang Bantay"

I was a third year high school student (2009) when I had my first creepy experience.

I still remember na gumagawa ako ng project ko sa Science at around 7pm sa sarili kong kwarto sa bahay ng tita ko. When I felt tired already, I decided to sleep. So that's what I did. Pero mga bandang 11pm bigla na lang akong naalimpungatan for an unknown reason. Unconsciously, napatingin ako sa pintuan ng room ko at bigla na lang may nagbukas nitong babaeng mahaba ang buhok at nakaputi siyang damit. Binuksan niya rin ang ilaw at tumayo siya sa pinto nang may katagalan. Honestly, I didn't see her face because yung braso ko ay naka-half cover sa mata ko at naka-sideview pa ako sa paghiga at tanging mula sa chest pababa lang ang nakikita ko. Takot talaga ako nung una at sabi ko sa sarili ko, "Sana umalis na siya". Nung oras ding iyon ay hindi ko ipinipikit ang mata ko dahil ang tanging nasa isip ko baka pagdilat ko, nasa harapan ko na siya. Nang unti-unti nang nawala ang takot ko, hinayaan ko na lang siya. Maya-maya, pinatay na niya ulit ang ilaw at isinara kaunti ang pinto. May siwang pa rin siyang iniwan. Akala ko ay aalis na siya pero umupo pa siya sa labas ng pintuan ko. Nakatalikod siya. Hinahaplos niya ang mahaba niyang buhok. So ako, hinayaan ko na lang ulit siya sa ginagawa niya. After a few moments, tumayo na siya. Sinilip niya ulit ako. Muli niyang binuhay ang ilaw sa kwarto (saglit lang). Pagkapatay niya ng ilaw, umalis na siya. Hinihintay kong magbukas ang maingay na pinto ng bahay ng tita ko kaso wala akong narinig. So natanong ko na lang ang sarili ko, sino siya? Pagkatapos nun, natulog na lang ulit ako.

Kinabukasan, tinanong ko yung border ng tita ko kung sumilip ba siya sa kwarto ko kagabi. Ang sabi niya hindi. Tinanong ko rin si tita kung bumaba ba siya para bisitahin ako. Sabi niya hindi rin. Naikwento ko na rin sa kanila ung naranasan ko nung gabing un. Sabi pa nga ni tita, guni-guni ko lang un. Baka raw na malikmata lang ako. Pero sabi ko hindi, nakita ko talaga siya. Sabi ko na lang din, bahala na sila kung maniniwala sila o hindi.

Graduate na ako ng college. Pero hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa akin kung sino ay ang "misteryosang bantay"

SPOOKIFY STORIESWhere stories live. Discover now