Hospital

340 7 0
                                    


Sana this time mapost na to. Pls po sana ma post and pls please do hide my Identity thanks.

Hi readers ako nga pla si Jenn (not my real name) Avid reader din ako ng page na to. I just wanna share my creepy experience kanina lang, as in kanina lang na umaga. Ganto kasi nagpasama sakin yung tita ko na magpa check up, sobrang sakit daw kasi nung ulo niya tas yung heart kaya ayun sinamahan ko. Mga around 9 am pumunta na kami dun. Sobra akong excited kasi I never been there before pero nung nandoon na kami parang gusto ko nalang umuwi. Hindi kasi siya yung iniexpect ko. pagbaba plang namin biglang nag iba yung pakiramdam ko, bigla akong kinilabutan. Ang creepy nung hospital alam mo yung luma yung design niya and isa pa ang creepy kasi di siya gaanong nasisikatan ng araw. Gusto ko na sana umuwi nalang kasi natatakot ako. Ang "OA" ko nga daw sabi ni tita. Ang laki ko na daw pero matatakutin pa tsaka almost 2hrs ang byahe papunta dun. Kaya pumayag na akong sumama, so ayun sobrang creepy ng architecture niya yung clinic nasa ibabang parte ng hospital yung parang underground basta ang creepy. Yung pag pasok namin may 2 pasyente and 3 nurse. Pinaupo muna kami tas yun pinapapasok na si tita sa loob hanggang sa ako na lang yung nakaupo dun. Yun kung saan saan nakakapunta yung tingin ko. Maya maya may dumaan na babae, mukhang pasyente siya dahil nakasuot ito ng puting bistida, tiningnan ko siya sa mukha. Yung tumingin din siya sakin pero ibang tingin parang galit kaya ako sabay ilag ng tingin habang papalayo siya. Tumingin ako ulit pero pagtingin ko nakatingin parin pero nakangisi na. Sobrang kinabahan ako tas tuminingin ako sa floor na dinadaanan niya. Guys wala siyang anino. Yung floor sobrang kintab kaya makikita mo yung refleksyon. Sobrang natatakot na talaga ako. Ang tagal ni tita kasi magpapa ECG pa daw siya. Btw wala na pala akong kasama sa labas ng hallway. Nagtataka nga ako kasi bat walang tao. Yung nag c cellphone ako nang may lalaking lumabas sa isang kwarto tas dumaan din siya sakin di na ako tumingin kasi nga natatakot na ako pero yung tumingin na naman ako sa dinadaanan niya tas yun wala na namang anino kaya ako papasok na sana ako sa loob habang naglalakad ako tiningnan ko repleksyon ko andon naman tas may anino naman ako kaya yun patakbo akong pumasok. Nagulat ko ata sila tita at Doktora kaya tinanong nila ako kung bakit tas kinuwento ko tas sabi ni Doktora wag ko na lang daw pansinin tas maya maya may pumasok na nurse may pasyente daw na namatay tas yun tapos na naman yung check up ni tita tas lumabas na kami. Nung papunta na kami para magbayad sa cashier madadaanan yung morgue ee tamang tamang nakabukas ee makikita mo loob. Tas guys yung babae kanina na nakita ko andon siya. Patay na, kaya yun kinuwento ko kay tita na siya yung nakita ko kanina pero di naniniwala si tita sad life nga. Hanggang ngayon nasa isip ko padin.

Ps: Somewhere in Bicol yung Hospital

SPOOKIFY STORIESWhere stories live. Discover now