Chapter 2

14 3 1
                                    

"Gusto niyang magkabalikan tayo."

Nahigit ko ang paghinga ko sa narinig ko mula sa kanya . Gawd! After one year sasabihin niya sa akin yan? Is he even thinking?

"Alam kong nagtataka ka at pareho lang rin ang reaksyon ko noong hiniling niya sa akin 'yun. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya pinuntahan kita dito. Bago niya sinabi sa akin yun ay tsaka niya nalamang may isang buwan na lang pala siyang natitira para mabuhay. Naawa ako sa kanya kasi kahit kailan hindi ko napalitan yung pagmamahal niya para sa akin." Tumigil siya saglit para punasan ang luha niya. Habang ako ay tahimik na nakikinig at hindi malaman ang irereact. "Dahil hanggang ngayon ikaw parin. Ikaw parin yung mahal ko. Ang makipaghiwalay sayo ang pinakamasakit na ala-ala sa akin. Ginawa ko yun dahil tinakot niya akong magpapakamatay siya. Pati ang mga kaibigan niya ako ang sinisisi kung bakit depress si Haide. Hindi ko kakayanin yun ng konsensya ko. Kaya mapapatawad mo pa ba ako Bree?"

Hindi ko napigilan ang mapahagulhol. Ang sakit. Sobrang sakit. Pero kahit anong sakit yata ang iparamdam niya sa akin hindi parin nun mababago ang nararamdaman ko. I love him so damn much that I can risk everything just for him, even my broken heart.

"Sawn... Kaya pa bang ibalik yung dati? Pwede pa ba ulit tayo? Kasi sobra na yung sakit na nararamdaman ko. Kung magkakabalikan ba tayo, maibabalik ba natin yung dati? Magiging masaya pa ba tayo? May lamat na yung  magiging relasyon natin Sawn. Yes I do love you but I think love isn't enough to mend our broken hearts." Tumayo na ako habang nasa akin ang paningin niya.

"I love you too Bree. I always do. Hindi kita kinalimutan. Diba, sabi nila mas masaya sa pangalawang pagkakataon? Why can't we try it? Let's bring back the old us. Please." Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon. Napapikit ako dahil aaminin ko namiss ko yun. Ang paghalik niya sa likod ng kamay ko ang nagpapasaya sa akin. Pero noon yun e. Mahal na mahal ko siya pero mas matimbang ang sakit na ginawa niya sa akin. Muli akong tumingin sa kanya nung marinig ko siyang magsalita ulit. Nagmamakaawa.

"Please Bree. Paro ko. I deserve a second chance. Do I?"

Hindi ko alam kung anong isasagot. Hindi ko alam kung anong gagawin.

Naawa ako sa kanya. Gusto ko siyang yakapin at hindi na aalis. Gusto kong hawakan ang kamay niya at hindi na bibitawan. Pero makakaya ko ba? Sa tuwing nakikita ko siya nakakaramdam ako ng sakit at pagkamiss. Naguguluhan na ako.

"Sawn. Can you give me some time to think about it? Please, I badly need it now." Binawi ko na ang kamay ko sa kanya. Balak ko na sanag tumalikod pero muli siyang nagsalita.

"I understand Bree and I'm willing to wait whatever it takes."

Hindi ko alam kung ilang buntong hininga na ba ang pinakawalan ko. Pilit kong pinipigilan ang mga luha ko para hindi makatakas pero kahit anong gawin ko kusa pa ring lumalabas.

Inilibot ko ang paningin ko samga pine trees. Oo andito na naman ako. This is my comfort zone. Dahil magagawa ko kung ano mang gustuhin ko. I can cry whenever I want. I can smile whenver I need. Dahil alam kong walang makakakita sa akin dito.

Pero mukhang mali ang hinala ko.

Mula sa pwesto ko ay may nakita akong anino sa ika-apat na puno mula sa kinaroroonan ko. Pinuntahan ko ito pero wala na akong nakita. Sa gilid kasi ng mga pine tree ay kakahuyan na. Binalot ng kaba ang dibdib ko kaya tumakbo na ako pabalik sa aking bisikleta at nagbike na pauwi.

"Oh anyare sayo Anak? Bakit pawis na pawis ka? Mukha ka pang natatae na ewan." Sumama ang mukha ko sa sinabi ni Mama. Kaya naman... "Eto namang anak ko hindi mabiro, joke lang yun diba Manang?" Nilingon ko na naman si Manang na tatawa-tawa lang pero muli ko ting ibinalik kay Mama.

Hindi naman ako galit kay Mama dahil dun sa kahapon, nagtampo lang pero naayos rin naman. Bumuntong hininga ako at nakaramdam na naman ng takot.

'Wala naman sigurong multo doon diba? Pero anino yun e, hala! Baka naman... Wahhh!'

"Anak! Huy Breanna!" Napapitlag ako ng tapikin ni mama ang pisngi ko. "Ano bang nangyayari sayo anak?"

Lumapit ako kay Mama tsaka bumulong.

"Ma? Wala naman po dibang multo or engkanto doon sa South Wings diba? Wala rin naman pong napunta dun." Eversince takot na talaga ako sa mga ganyan. Sabihin pa lang nila yun nagtatakip na agad ako ng tenga para hindi sila marinig. Ewan ko ba, alam ko namang hindi sila totoo pero nangingilabot parin ako.

Nagtatakang tumingin ulit ako kay Mama nung hindi siya nagsalita. Pero ang nanay ko ayun nagpipigil na nang tawa. "Ma naman e."

"Seriously anak? Multo? Sa tingin mo ba ikaw lang pumupunta doon? Hindi ba e nasabi ko naman sayo na hindi pinapagalaw ng anak ng may-ari ng subdivision?" Natatawa pang pagtatanong ni mama. Ako naman ay nagtataka at nag-iisip.

"O-opo. Eh bakit nga po?"

"Kaya hindi pinapagalaw iyon ng anak niya ay dahil ang South Wing ng subdivision na ito ang paboritong lugar ng lalaking yun. Nakakatuwa talaga ang batang yun." Sabi ni mama na parang teenager na kinikilig.

'Seryoso? Mama ko ba 'to? Para siyang bumalik sa pagkadalaga dahil nabanggit lang niya yung anak nung may-ari. Oh no! Baka ipagpalit ni Mama si Papa. Eh ang tanong kanino naman? Doon ba sa may-ari? o doon sa anak nung may-ari? Wahhhh!'

*toink*

"MA NAMAN!" hinilot ko bahagi ng noo na pinitik ni Mama dahil feeling ko papasa na naman ito. Ang sakit!

"Kung ano-ano kasi naiisip mo. Base pa lang itsura mo kung saan saan na nilipad ang utak mo." Naiiling niya sabi.

"E para ka kasing nagdadalaga diyan na nakita ang crush niya. Hays. Anong pangalan ma? Gwapo ba------ARAY!"

Sa pangalawang pagkakataon pinitik na naman  niya ang noo ko. Umalis siya sa harapan ko ng pailing-iling at nangingiti na lang.

'Baliw na ba ang nanay ko?'

Napanguso naman ako dahil iniwan niya na lang ako doon. Aalis na dapat ako pero narinig ko pang sumigaw si Mama.

"EDWARD ANAK! EDWARD CULLEN---ESTE EDWARD CONTEZ! ATSAKA OO GWAPO YAN!"

Now I know kung bakit mukhang kinikilig si Mama. Hays adik.

StitchesWhere stories live. Discover now