Chapter 6

11 3 0
                                    

Enjoyyyy! Dont forget to vote and comment your reaction.


-Maximaaa
•••••••

"Anaaak! Gising na, may suprise ako sayo!" Nagising na ang diwa ko sa ginawang pagsigaw at kalampag ni Mama sa pinto ng kwarto ko. Ano naman kaya problema ngayon ni Mama? Huhu ganda pa ng tulog ko ey.

"Opo Ma! Liligo lang ako!" Sigaw ko pabalik para marinig ni Mama.

"O sige anak! Bilisan mo lang."

•••

Pagkatapos kong mag-ayos ay agad na akong bumaba. Hindi ko maiwasang kabahan sa suprise na sinasabi ni mama dahil baka mamaya pakulo na naman niya ito. Pero siguro hindi, dahil mukhang sobrang saya ni Mama at excited na excited. Ganyan lang naman si Mama kapag umuuwi si---

PAPA?!

Wahhh baka nga umuwi na ang pinakamamahal kong ama!

Dali dali kong tinungo ang dining area kung saan dadaan muna sala tapos liliko sa kaliwa para makarating agad ako.

Nung tuluyan na akong makarating ay may nakita akong isang pamilyar na likod. Agad kong tinakbo ang pagitan ko mula dito hanggang sa mayakap ko ang likuran ng tatay ko.

"Papa! Namiss kita."

Hindi ko napigilan ang pag-iyak. After 2 years na pagtatrabaho sa Korea finally andito na ulit si Papa. Pero bakit parang biglaan naman yata?

Inalis ni Papa ang pagkakayakap sa akin at bigla na lang humarap.

dO_Ob <---- Ako

d-,-b <---- Siya

"IKAW?!" Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. At... At i-ibang tao ang nayakap ko! Hindi si papa! Walang bakas ni anino ng tatay ko ang naroroon.

'Ohmygawd!'

Gusto kong magpapadyak sa inis. Pero bago yun pinunasan ko muna ang mga luhang pumatak sa mata ko gamit ang likod ng palad ko.

"Bakit ka andito? Anong ginagawa mo dito? May nagpapunta ba sayo dito? Sagutin mo akooo!" Inis na inis kong wika sa kanya. Hindi siya sumagot kaya lalong sumama ang titig ko sa kanya. Habang siya? Ayun pretending that his cool. Cool cool. Cool coolin ko yang mukha niya e.

Maya-maya biglang lumabas si mama mula sa kusina habang may dala-dalang tray ng cupcakes. Nagbake na naman si mama.

"Oh anak, andiyan ka na pala? Kilala mo na ba ang bisita natin? Siya yung sinasabi kong suprise sayo. Nasuprise ka ba Nak?" Sabi ni Mama habang pangiti-ngiti pa at parang kinikilig.

"Opo, Ma. Nasuprise po ako. Katunayan parang aatakihin ako sa puso dahil sa pagkagulat." Sarkastiko kong saad. Nginiwian lang naman ako ni Mama.

Tinignan ko naman ang reaksyon ng bampirang ito ay nakahalf-smile lang siya kay Mama.

'Abugh? At talagang nakakangiti ka pang bampira ka? '

Lalo akong nainis. Kukuha sana ako ng cupcake na binake ni mama pero agad niyang tinapik ang kamay ko.

"Hind para sayo 'yan Breanna. Nandoon sa kusina ang sayo. Kuhanin mo nadoon." Sinimangutan ko si Mama atsaka lumakad patungong kusina at doon inilabas ang inis ko.

"Aish! Bakit ba kasi nandito ang bampirang yun? Ano namang gagawin niya dito? Ay teka. Siguro may gusto siya sa Nanay ko at... at nandito siya para---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa gulat na aking naramdaman ng may magsalita sa likuran ko.

"Wala akong gusto sa Nanay mo."

d0o0b

'Oh my...'

Napaharap ako sa kanya na may nanlalaking mga mata.

"A-anong ginagawa mo dito?" Hindi ko naiwasang mautal dahil nakakaintimidate ang dating niya. Isama mo pa na narinig niya ang pagiging-OA ko.

"You're mom asked me to told you to get some tupperware for my cupcakes. So can I have it now?" Ayan na naman ang pagiging cold at masungit niya. Grrr~

"Tsk." Lumapit ako sa drawer kung saan nakasalansan ang mga tupperware namin but unfortunately... Hindi ko pala abot.

Oo na. Ako na ang maliit.

Tinignan ko siya sa mata na parang sinasabi na 'hindi ko abot' at mukha namang naintindihan niya. Lumapit siya at hindi ko na nakuhang umalis. Sa bilis ng pangyayari ay nakita ko na lang ang sarili kong buhat-buhat ng bampirang to sa pamamagitan ng paghawak sa bewang ko tsaka ako itinaas.

Ako naman ay nanlalaki ang matang tinignan ang mga kamay niyang nakalapat sa maliit kong bewang.

"You're heavy. Kunin mo na yung tupperware, Breanne."

Tama ba ang rinig ko? Tinawag niya ako sa pangalan ko? Pero narealize ko ang sinabi... Matagal na rin niya akong buhat kaya minadali ko na ang pagkuha sa tupperware at agad din naman niya akong ibinaba. Kinuha niya yun tsaka umalis.

'You're heavy...'

'You're heavy...'

'You're heavy...'

What the...?

Tinapunan ko siya ng masamang tingin...

"Hindi ako mabigat!"

Bago ako bumalik sa gagawin nakita ko pa siyang ngumiti ng bahagya. Pero siguro namamalikamata lang ako.

•••

Gabi na. Nakahiga na ako at hanggang ngayon hindi parin maalis sa isipan ko yung ngiti niya. Kahit hindi malaki. Ang ganda. Bagay pala sa kanyang ngumiti eh bakit---- Aishhh. Bakit mo ba iniisip yan Breanne? Nagha-hallucinate ka lang, okay? Tsaka bakit naman siya ngingiti? Aish, nababaliw ka na, Breanne.

Itinaklob ko ang kumot ko sa mukha ko na hanggang dibdib ko lang kanina. Pinilit kong matulog pero hindi ko talaga magawa. Kaya naman tumayo na ako sa pagkakahiga at pumunta sa study table ko kung saan naroroon ang aking DLSR.

Tahimik ko lang na tinitignan ang mga larawang nakuha ko sa South Wings pero maya-maya'y may nakakuha ng attention ko mula sa mga larawan.

Kuha yun ng bike ko. Ito yung araw na niregalo sa akin ni papa ang bike na ito, limang taon na ang nakakalipas. Pero hindi yun ang nakaagaw ng pansin ko. Mula sa picture na yun ay makikita ang hile-hilerang Pine trees at sa gitnang bahahi ng karawan ang may silhouette na makikita.

Tinignan ko yun ng maiigi at hindi ko maiwasang matakot. Kahit nangangamba ay pinagpatuloy ko ang pagtingin sa iba pang mga larawan. Hindi ko maiwasang makaramdam ng takot nung hindi lang iisa ang may ganoong kuha.

Napuno ng tanong ang isip ko pero mula roon ay nagkaroon ako ng hinala kung sino iyon. Pero hindi pa rin ako makapaniwala.

Paano kung hindi siya yun?

Paano kung hindi tao yun?

Paano kung kapre or engkanto pala yun?

Wahhhh! Napatakbo ako pabalik sa higaan ko atsaka nagtalukbong ng buong katawan habang nakatagilid ako. Nagdasal muna ako tsaka ko pinilit ang sarili na makatulog.











StitchesHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin