Chapter 4

7 2 0
                                    

"Ouch!"

Napahapyaw ako sa sakit dahil sa  biglang pagpitik ni Mama sa tenga ko. Malamang ay namumula na naman ito sa sakit.

"Ayan. Kanina pa kasi ako tanong ng tanong sayo pero mukhang wala kang naririnig. Aba! Kanina ka pa nakatulala diyan at parang baliw na ngingiti na lang bigla." Hindi makapaniwalang napatingin ako kay Mama matapos niyang sabihin iyon.

'Seriously?'

"Eh? Parang hindi naman, Ma. Ikaw Mama ah. Marunong ka na pa lang magbiro-biro ngayon?" Masamang tinitigan ako ni Mama kaya napaiwas ako ng tingin at napatikot-tikot ng higa. Andito kasi ako sa sofa habangnakahiga at andun si Mama nakupo sa single sofa.

"Ako ba ay pinaglololoko mo Breanna? Abay! Umayos ka nga. Tumayo ka diyan hampasin kita ng tsinelas diyan e." Napangiwi naman ako at nakaramdam ng takot kaya umupo na lang ako ng maayos.

"Ma naman. Matanda na ako tapos hahampasin mo pa rin ako ng tsinelas mo? Bad mother!" Sabi ko habang nag-ge-gesture pa na lagot siya.

"Aba talaga namang bata to oo. Jusmiyo. Saan ka ba nagmana huh? Nako lumayas ka na nga muna sa harapan ko at pinapainit mo ang aking ulo. Layasss." Dali-dali na akong tumayo ng makitang may hawak ng tsinelas si Mama. Ayoko na ulit mahampas ng tsinelas. Huhu. Hindi na naman kasi ako bata ey.

"O-opo eto na nga e tatayo na."

•••

Alasais na ng hapon nang magising ako. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dahil sa kakaisip. Dahil sa dalawang tao. Unang-una dahil kay Sawn. Hindi ko kasi alam kung kailan ko dapat sabihin sa kanyang ayoko na. Ayoko siyang masaktan pero kailangan kong gawin yun para sa ikabubuti ng lahat. At ang pangalawa ay ang bampira na yun. Si Edward. Hanggang ngayon kasi iniisip ko kung bakit niya sinabing "Its nice seeing you again."

'Eh nagkita na ba kami? Kung oo, saan? Kailan? Paano? Aishhh.'

Tumayo na lang ako sa pagkakahiga at bumaba para maghanap ng makakain. Pero nasa hagdanan pa lamang ako ay  rinig na rinig ko na ang dalawang taong nag-uusap sa sala.

'A-ano na namang dahilan niya kung bakit siya nandito?'

Ipinagpatuloy ko ang pagbaba hanggang sa malinaw ko ng naririnig ang pinag-uusapan nila.

"Tita, nagsisisi na po talaga ako kung  bakit ko siya iniwan at hindi ipingalaban. Sana po ay mabigyan niyo ako na isa pang pagkakataon para mapatunayan ko po ang sarili ko na karapat-dapat ako para sa anak niyo." Mula sa pwesto ko dito sa likod ng likod ng dibisyon ay narinig ko siyang nagsalita. Pero tanging buntong-hininga lamang ang narininig ko mula kay Mama. Kapag ganyan siya nagtitimpi na lang yan ng pasensiya. Hays.

"Sawn, ilang beses mo na bang pinaiyak at sinaktan ang anak ko? Ilang beses na rin ba kitang pinagbigyan ng pagkakataon? Bilang isang ina, ayokong nakikitang nasasaktan ang anak ko. Kaya kapag binigyan kita ng isa pang pagkakataon parang binigyan na rin kita ng pagkakataon na saktan ang anak ko. Kaya para sa akin tama na ang ilang beses. Sabi mo mahal mo ang anak ko. Kung mahal mo siya hahayaan mo siyang lumayo sayo at bigyan ng pagkakataong mahanap ang kasiyahan niya. Pero na kay Breanna ang desisyon na yan. Tatapatin na kita. Ayaw kita para sa anak ko." Pagkasabi nun ni Mama ay tumayo na siya at saka pumunta sa kusina. Naawa ako kay Sawn dahil para siyang binagsakan ng ilang libong baka pero tama si Mama.

Ayoko na. Sawa na ako sa sakit. Gusto ko lang naman maging masaya. Pero mangyayari lang yun kapag tuluyan na niya akong pinakawalan.

Kasi kung bibigyan ko lang siya ng panibagong pagkakataon, kailangan kong tanggapin na sa kabila noon ay hindi matatapos ang sakit. At nakapagdesisyon na ako. I am choosing may happiness over him. Kung noon ay siya lang ang kasiyahan ko iba na ngayon. I learned to love myself kaya naman I just want to move-on from now on. Dapat ay matagal ko na itong ginawa. Sana noon ko pa ito narealize para ngayon nahanap ko na ang makakapagpasaya sa akin pero alam ko MAGSISIMULA PA LANG ANG LAHAT.

Umalis ako mula sa pagkakatago sa akin ng pader kaya naman ngayon ay kitang-kita na niya ako.

I smiled to him.

"Nakapagdesisyon na ako, Sawn." Lumiwanag ang mukha niya pero mabilis rin iyong napawi atsaka nagsalita.

"Talaga? C-can I hear it?"

"Of course. But first can I hear again whats your question last time?"

"D-do I deserve a second chance?" Tinignan ko siya sa mata at nababasa ko dun ang halo-halong emosyon.

"Yes. You deserve a second chance pero hindi para sa relasyon natin. You deserve a second chance para ayusin muli ang sarili ml. You deserve a second to love yourself first. You deserve to be happy Sawn. Hindi mo na ako mahal. Guilt lang yang nararamdaman mo Sawn. And I want you to be happy. At hindi mo makikita ang kasiyahan na yun kung itatali kita sa  sarili ko. And please do me a favor."
"A-ano yun?"

"Please just let me go and forget everything about me."

Pagkasabi ko nun ay tinalikuran ko na siya. Kailangan kong gawin yun dahil feeling ko mahuhulog na ang mga luha sa mata ko.

Bago ako tuluyang makalayo ay narinig ko pa si Mama na kausapin si Sawn ng kaunti bago tuluyang nagpaalam.

Nang makarating ako sa kwarto ay doon ko ibinuhos lahat. Kailangan kong gawin to. Kasi ipinangako ko sa sarili ko na ito na ang huli.

Pagkatapos nito, pagtutuunan ko na ng pansin ang sarili ko.

Pinatahan ko muna saglit ang aking sarili bago ko nilapitan ang box na iyon.

Kailangan ko ng magmove-on. At pinaka-una ko dapat na gawin ay tanggapin ang lahat. Nagawa ko na kaya pinalaya ko na rin siya. Ngayon kailangan ko na siyang tuluyan na makalimutan.

Binuhat ko iyon at saka dinala sa storage room ng bahay. Hindi ko kayang itapon o sunugin ito dahil kahit papaano naappreciate ko naman ang lahat. Itinabi ko iyon sa pinakasulok ng storage room bago umalis at inilock yun.

And I know, my life is just BEGINNING.

StitchesWhere stories live. Discover now