Chapter 5

7 3 0
                                    

Andito ako sa bookstore habang tumitingin ng mga libro. One fact tungkol sa akin ay mahilig ako sa libro. Sa katunayan ang isang sulok sa kwarto ko ay punong-puno ng libro habang sa tabi nun ay mga stuff toys. Mahilig kasi ako sa mga iyon.

Natapos ko na kasi yung mga libro kong yun kaya namimili na naman ako ng bago.

Tumitingin-tingin lang ako sa mga hilera nito hanggang sa may isa akong  natipuhan. Nahawakan ko na ang gilid nito ng may kasabay rin pala akong humawak dito. At nakapatong pa sa kamay kooo! GRRR~

Bumuga ako ng hangin bago dahan-dahang tumingin sa nagmamay-ari ng  malakapreng kamay na iyon. OO! OA na kung oa tsk. Magkakaroon pa ako ng kaagaw sa libro na to e.

Napatingala pa ako dahil pagtingin ko ay dib-dib lang ng lalaki ang nakita ko. Sa hindi malamang dahilan agad kong binitawan ang libro at muling ibinalik ang ulo sa pagkakayuko dahil sa hiyang bumabalot ngayon sa katawan ko.

'Sa dinami-daming tao dito sa bookstore bakit siya pa ang kailangang maging kaagaw ko sa libro na yun?'

Nagpapatunay lang iyon na maliit nga lang talaga ang mundo. Tatalikod na sana ako para makaiwas sa bampira na yun pero hinawakan niya ang balikat.

Pakiramdam ko nagyeyelo ang kamay niya dahil nagdulot ito ng kakaibang lamig sa katawan ko. Naiilang ako at hindi ko alam kung bakit. Marahil ay sa hiya pero hindi naman ako ganito kapag nahihiya ako.

"Where're you going?" Ayan na naman ang malamig niyang boses na akala mo ay isa nga talaga siyang bampira.

Humarap ako sa kanya sabay ng pag-alis ko sa mga kamay niya. 'Aba! Masyado na siyang tsansing!'

"Uhm, aalis na? May pupuntahan pa kasi ako. Don't worry. Ipinapaubaya ko na yang libro. Marami pa namang choices." Siguro'y kailangan ko ng bigyan ng award ang sarili dahil hindi ako nautal sa harap niya. Pinatili kong natural ang ekspresyon ko dahil ayokong mahalata na naman niyang naiilang ako. "Ahm sige bye!"

Muli ay tumalikod ako at hindi na muling lumingon kaya pinagpatuloy ko na ang planong pagtakas. Hindi na naman niya ako pinigilan kaya laking pasasalamat ko sa ginawa niyang yun.

Nang masigurado kong nakalayo na ako sa kanya ay tsaka ako nakahinga ng maluwag. Ang lakas kasi ng epekto ng presensya nya sa akin e. At hindi normal to.

Maya-maya'y nakakita ako ng resto kaya naman kumain muna ako. Kumakalam na kasi ang akin tyan. Marahil ay napagod sa pagtakas na ginawa ko kanina. Humanap ako ng mauupuan atsa hindi kalayuan ay may nakita akong napakalapit sa aking tao. Agad ko silang pinuntahan habang tahimik na dinadako ang kanilang kinaroroonan.

Ohmygawd. Namiss ko ang mga babaetang ito.

"Gerlaleysss!"

Nang tuluyan akong makalapit sa pwesto nila ay agad akong napatili sa excitement. Gulat na gulat naman silang napatingin sa akin na kalaunay sumilay rin ang ngiti sa kanilang labi at dinambahan ako ng yakap.

"Oh my gas, Bruha! Hindi inaasahan ng magandang ako na dito pa tayo magkikita-kita,'' Sabi ni Howard A.K.A Honey. Isa sa mga beshpren kong bakla. Yup! Tama ang narinig mo. Mga binabae or should I say bakla ang mga kaibigan ko. Ahaha. Naramdaman ko namang tinampal niya ang pisnge ko pero mahina lang yun. Ganyan niya ako batiin e. Kaya sanay na ako.

"Gaga! Kung ikaw maganda, ako naman dyosa---" Naputol ang sasabihin ni Zeid A.K.A Zen ng sumingit si Kennedy A.K.A Kelly.

"Baka naman dyosa ng mga frogs!"

"Koreksyon! Dyosa ng kagandahan! Anyways, I miss you gurl!" si Zen. Yayakapin niya sana ako pero naunahan na siya ni Veiron A.K.A Vein.
"Oemjeeee baklita! Akala ko never ka na naming makikita." Sabi niya habang patalon-patalon pang nakayakap sa akin. Pabiro ko naman siyang hinampas at saka nagbiro.

"Asus. Tsansing ka na bakla. Atsaka pwede bang hindi tayo magreunion?"

"NO WAYYY!" Sabay-sabay nilang sigaw. Atsaka kami nagtawanan.

"Order muna ako. Haha." Paalam ko atsaka dumiretso sa counter.

THAT'S MY FOUR BESHIES! Honey, Zen, Kelly and Vein. Namiss ko talaga sila super. Well siguro'y nagtataka na kayo kung bakit mga bakla ang kaibigan ko. Hindi ko kasi feel kapag babae pero may ilan naman akong friends diyan na puro. Masaya kasi silang kasama. Laging laugh trip kapag maga-outing kami. Well, three years na kaming magkakaibigan. Nagkakila-kilala kami sa isang resto at ang resto na yun ay pagmamay-ari ng pamilya ni Zen. Lahat sila mayaman ako naman ay katamtaman lang. Mas matanda rin sila sa akin ng 2 years. 18 years old pa lang kasi ako at sila naman ay 20. Kaya siguro over din sila sa pagkaprotective sa akin dahil bunso nila ako. Yup, hindi sila yung ibang bakla. Kapatid na rin turing ko sa kanila at feel at home kami sa kanya-kanyang bahay. Magkakakilala narin families namin kaya naman malaki ang tiwala ko sa kanila.

Nang makabalik ako ay saka namin sinimulan ang bonding. Nagkwento lang kami sa kung ano naging buhay namin this past two months. Naging busy kami sa sari-sariling buhay kaya hindi kami nagkakasama. Nasa third year na ako ng college habang sila tapos na. Sakto na magkaklase sila kaya naiinggit ako dahil sila lagi kasama ko kapag may free time pero okay lang. Nakakalungkot nga lang ngayon dahil wala na sila sa university. May iba naman akong mga kaibigan na pwedeng samahan.

"Oh gurl! Kamusta naman ang kay Fafa Sawn? Move-on na ba ang babaita?" Tanong ni Vein. Noong kami pa ni Sawn crush niya ito pero matapos ng ginawa ni Sawn sa akin ay inayawan niya/nila. Syempre ako parin ang pipiliin at kakampihan nila.

"Hmm, nagsisimula na ako ngayon. Ngayon ko lang kasi narealize yung katangahan ko. Umaasa ako sa wala. Haha." Sagot ko.

"Buti naman girl! Aba, kulang na lang ay isubsob ka namin diyan sa katangahan mo para matauhan ka." Sabi naman ni Honey.

"I agree! Grabe magpakatanga. Go kung go. Kung ako ginanyan ng Sawn na yun naku jojombagin ko talaga siya. Parang hindi Fafi." pagsang-ayon naman ni Kelly.

"Haha. Easy lang mga bakla! Eto na nga nagmomove-on na."

"Well, mas good yan babae! Pero may bago ka bang papabols? Share naman." Hirit naman ni Zen.

Hindi ko alam pero bigla na lang pumasok sa isip ko yung bampira. Pero agad rin akong umiling at ayun nakantsawan ng mga bakla.

Na meron daw pero dinedeny ko lang. Tinatawanan ko lang sila ay iniilingan habang ipinipilit na 'Move-on First' muna ako. At doon natapos ang araw ko kasama sila.

StitchesWhere stories live. Discover now