Chapter 3

18 3 2
                                    

"Ma? Hanggang ngayon pinapanood mo pa rin yan? Hindi ka ba nagsasawa?" Pagkagising ko ay dumiretso agad ako sa sala para manood ng cartoons muna bago magbike pero mukhang hindi ko pwedeng istorbohin si Mama.

Nanonood na naman kasi siya ng Twilight dahil sa crush niyang si Edward. Yeah~ kaya siya mukhang kinikilig kahapon ay dahil Edward rin ang pangalan nung anak ng may-ari ng sundivision---Ang Sky High subdivision. I know nagtataka ka rin kung bakit yan ang pangalan ng subdivison kahit ako rin naman NOON. Dahil ngayon alam ko na kung  bakit.

"Shh ka muna Anak. Kumain ka na dun, nakapaghanda na ako. Time namin ni Edward to e." Napaface palm na lang ako dahil sa kaadikan ni Mama. Imbis na guluhin siya doon ay sinunod ko na lang siya. Takot ko na lang mabalibag ng remote.

Habang kumakain ay lumukot na naman ang mukha ko. Ayoko talaga kapag nag-iisa ako kung ano-ano pumapasok sa utak ko. Sari-sari rin ang naalala ko.

Muli ay naalala ko ang nangyaring pag-uusap namin noong isang araw. Pero sa ngayon gusto ko munang makalimot. Iniisip ko nga na sana 'Magka-amnesia na lang kaya ako?' pero naisip ko rin huwag na lang babalik din naman yun. Hays. Ayoko munang pag-isipan, ayoko munang pumili. Hindi ko naman dapat madaliin diba? Sana nga lang tama 'tong ginagaw ko.

Ang kailangan kong madaliin ay ang pagkain ko pero naisip ko baka mabulunan naman ako. Ikamatay ko pa. Kaya inenjoy ko na lang.

"Ma! Alis na po ako!" Matapos kong kumain ay agad na akong nag-ayos nagpaalam.

"O sige anak, mag-ingat ka ah. Baka makita mo na naman yung anino. Haha." Natuod ako sa kintatayuan ko at hindi  nakapagsalita. Kahit na feeling ko ay yung Edward Bampira-- este Edward Contez nga yun hindi parin ako mapalagay. Gusto ko tuloy huwag ng pumunta kaso hindi pwede. I need a relaxation. Buti na lang at binawi ni Mama kaya hindi na nagbago ulit ang isip ko. "Joke lang anak. Bumalik ka agad ah. Love you Nak."

Lumabas na ako at sumakay sa bike tsaka binalingan si Mama.

"Eww Ma. Matanda na ako. Joke lang. I love you more, Ma."

"Lalala~"

Habang ini-enjoy ko ang pagbabike ay ine-enjoy ko rin ang magagandang bahay. Hindi naman ganoon karami ang  nakatira dito dahil tago ang subdivision na to kaya naman ang tahimik. Tapos safe pa. Kaya kitang kita ang maliit na burol dito. Hindi man kagaya ng sa Chocolate Hills na tumpok at nag-iiba ng kulay pero maganda paring tignan.

"Wieee~" Pinakawalan ko ang kamay ko sa pagkakahawak ko sa manibela ng bike at ibinuka ang mga ito. Ipinikit ko ang mata ko habang dinadama ang sariwang hanging tumatama sa aking mukha.

"Ahh ang sarap sa feeling---Oh? Woah? Wahhhh tulonggg----"

*Scretchhh~*

Dali-dali kong ibinalik ang mga kamay ko sa manibela ng bike at sinubukang kontrolin pero hindi ko na magawa kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko.

"Arayyyyy! E-eh?"

Gawd. Katapusan ko na ba? Bawal pa akong mamatay, kailangan ko pang magmove-on at matagpuan ang tatahi sa warak kong puso. Huwag muna po please.

Nakapikit ang mga mata ko habang inaabangang mahulog ako ng tuluyan sa bike. I know its kinda sound crazy kasi bakit kailangan ko pang hintayin? Pwede ko namang ibalance ulit. Pero itry mo kayang ikaw ang nasa sitwasyon ko ngayon? Makakaya mo ba. Oh well huwag mo ng sagutin. Wala rin naman akong pake.

Idinilat ko ang isang mata ko para malaman kung ano na bang nangyari sa katawan ko dahil hanggang ngayon hindi parin ako nahuhulog.

"Ayy demo--este Ikaw na ba ang tagapagsundo ko?"

Hindi ko alam ang tamang sasabihin kaya siguro ganyan na lang ang lumabas sa bibig ko.

Ngayon dalawang mata na ang ibinuka ko kaya naman kitang-kita ko na ang tanawin sa harapan ko.

Sa aking harapan ay nakita ko ang isang lalaking medyo matangkad, singkit, kitang-kita ang matalas niyang panga na siguro kapag hinawakan ko ay masusugatan ako, may matangos na ilong na pointed, may manipis na labi na mukhang mas manipis sa akin at nasobrahan yata ito sa kaputian.

"*Ehem*"

Napapikit-pikit ako ng mata dahil matagal na pala akong nakatingin sa kanya at napagmasdan ko na agad ang kabuuan niya. Nakapolo-shirt siya na stripes tapos ang short niya ay plain black na lampas hanggang tuhod at vans  na puti. May headset rin siya sa ulo habang may shade na nakalagay sa taas ng ulo niya.

'Shem, ang gwapo niya.'

Nakatingin sa akin at ganoon rin naman ako pero ako na agad ang unang umiwas dahil randam ko ng tumataas na ang mga dugo ko papunta sa ulo ko.

'Wahhh. Hindi pwede to.'

"Ahh Miss medyo mabigat ka pati yung  bike." Muli akong napatingin sa kanya at alam kong namumula na ako. Hindi sa kilig pero sa kahihiyan.

Doon ko lang napansin na ang dalawa niyang kamay ay nakaalalay sa gitna ng manibela ko.

"Ahh s-sorry."

Ibinaba ko ang mga paa ko para mabalance ko ang bike dahil nakita kong bibitawan na niya ang pagkakawak dito. Whooo.

"A-ahh thank you po." Nakayuko ko ng sabi sa kanya. Nahihiya kasi ako sa kanya. Dapat yata nadisgrasya na lang talaga ako kesa sa may makakita ng katangahan ko. Huhu.

"Its okay Miss...?" Napatingala ako sa kanya dahil mukhang hinihintay niyang sabihin ko ang aking pangalan.

"Ahh ehh. I am Breanne. Breanne Arquino." Iaabot ko sana ang kamay ko pero hindi ko na itinuloy. Baka hindi niya pa tanggapin madadagdagan lang ang kahihiyan ko. Hays.

"Okay. Next time if you'll do the No hands again be sure that there's no humps in your way. Tsk."

Napatunganga ako sa sinabi niya pero agad ring bumawi at hinanap kung nasaan ang humps. Ayun! Andoon sa ilalim ng bike ko. Pinaggigitnaan ng dalawang gulong ko. Poor Breanna.

"O-okay?" Tsaka siya umalis at sumakay sa... Eh? Skateboard? Na nasa gilid ng  bike ko? Wala naman akong nakitang tao kanina ah bago ko ipinikit ang mga mata ko. Hays ewan. Napapraning na naman ako.

Muli naman akong napatingin sa kanya dahil nagsalita siya.

"By the way, I am Edward. Edward Contez. Its nice seeing you again, Breanne." Pagkasabi niya noon ay tsaka siya umalis.







What the heck?

StitchesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon