Chapter 13

81.1K 1.8K 216
                                    

"Condolence hija." Pilit akong ngumiti sa isa sa nga kasosyo ni dad na dumalo sa lamay nila.

Nagtataka nga ako dahil nagagawa ko pang makatayo sa sobrang panghihina. Hindi ko na magawang makakain, makatulog at lagi na lang akong umiiyak. Pakiramdam ko ano mang oras ay susunduin na rin ako nila dad.

Miss na ako ng mga iyon panigurado. Lalo na si mom nagiisa niya lang akong prinsesa kaya paniguradong mamimiss ako noon. Miss ko na rin agad siya.

Sana sunduin na lang din niya ako. Sana sa panaginip ko siya ang laman non, aabutin ko siya. Sasama na ako sa kanya dahil di ko na ata kakayanin na lumipas pa ang ilang araw na wala siya sa tabi ko. Hindi ko kaya.

"Maupo ka muna Therese. Para ka ng mawawalan ng malay." Inalalayan ako ni Chelle na nakaupo ng inabutan ako ng kape. Kahit paano nakaramdam ng konting ginhawa ang buo kong katawan dahil sa pag upo. Di ko na nga alam kung kelan ang huli kong pahinga dahil di ko naman magawang magpahinga dahil walang magaasikaso sa mga bisita.

"Ayos ka pa ba Therese?." Tumango lang ako.

"Kung bakit ba naman kase mag-isa ka dito. San ba kase ang magaling mong asawa?! "Puno ng gigil ang pagbigkas niya ng mga katagang iyon.

Pilit akong ngumiti.
"Baka nasa mahal niya. Hayaan mo na lang siya baka kase di ko na siya maalagaan. Kukunin na kase ako ni mom at dad... siguradong namimiss na non ang kakulitan ko." I laughed. Pero naglaglagan ang mga luha ko.

"Ano bang pinagsasabi mo Therese! Wag ka namang ganyan oh! Kaya mo ito. Andito ako Therese." Chelle sobbed.

"Gusto mo pagplanuhan na natin ang paglayas mo? Tutulungan kita kapag nailibing na sila tita." Chelle hugged me. I hugged back kailangan ko ng lakas kahit konti lang.

"Di nga pwede. Hahanapin ako nila mom. Nakakatakot pa naman magalit si dad. Baka itakwil ako non." Nabigla ako ng sampalin ako ni Chelle. Napatungo lang ako habang umiiyak.

"Di ko na kaya Chelle."

"Kakayanin mo Therese, please. Wag naman ganyan. Andito pa ako."

Ngumiti ako.
"Salamat Chelle."

..

Ilang minuto palang ata akong nakakaidlip ng marinig ko ang sunod-sunod na katok sa kwarto ko. Pinaakyat muna kase ako ni Chelle sa kwarto para makapagpahinga at siya na muna daw bahala na magbantay.

Nanghihina akong lumakad papuntang pinto.

"Drake? Umuwi ka na pala."

"Get down. Bumisita si mom at dad." Iyon lang at tumalikod na siya sa akin.

Hindi man lang ba niya ako kakamustahin? Ngayon ko lang siya nakita ulit. Ni hindi ko magawang makapagtanong kung saan siya nanggaling baka kase magalit at tuluyan na akong layasan. Kahit na gusto kong humiling ng kahit ilang segundong yakap ay di ko magawa.

Nagsuklay lang ako ng buhok at nagpalit ng damit bago bumaba ng kwarto.

Sinalubong agad ako ng yakap ni mama.

"Pakatatag ka hija. Kaya mo ito." She smiled genuinely. Tumango ako sa kanya.

"Condolence hija." Sabi naman ni papa.

"Kaya niyo itong mag-asawa, right?." Bigla na lang umakbay sa akin si Drake na nasa likod ko lang pala.

"Oo naman. Lagi kaming magkasangga ng asawa ko. I'm just here to comfort her." Hinalikan niya ako sa sentido.

"Pagpapahingain ko siya dad, napuyat sa pagbabantay kagabi eh." Paalam nito.

"Yes. Kami na munang bahala dito." Sabi ni mama.

ABS 1: My Ex Husband, Drake OlivaresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon