Deretso sa basurahan ang mga bulaklak na pinapadala araw-araw ni Drake at deretso naman sa bibig ng anak ko ang mga chocolates. Nag-aalala na nga ako sa anak ko at baka masobrahan niya, pero talagang mapilit na uubusin daw nito lahat. Tsaka ayos din manligaw itong si Drake eh, sa pagkakaalam ko kase dapat tatlong roses pero dadalawa lang lagi. Bahala na nga yung lalaking iyon.
Napabuntong hininga na lang ako bago tabihan ang anak ko sa sofa ng living room na nilalantakan ang mamahaling chocolate na binigay ni Drake.
"Baby di mo naman kailangan ubusin ang mga iyan eh." Hinaplos haplos ko ang ulo niya. Tumingala naman siya sa akin at ngumiti ng matamis habang nakakalat ang chocolate sa pisngi at ilong niya.
"Sayang po. And I love chocolate."
"Mas mahal mo kay mimi?."
"Mas mahal ko si mimi." Ngumiti naman ako at hinalikan siya sa noo.
"Nakipaglaro po ako sa friend niyo na nakatira sa labas ng gate natin." Medyo bulol na wika niya.
"Friend?."
"Opo. Yung nagboboy scout po sa labas." Si Drake!
"Ahh ano naman nilaro niyo?." Tumingala ito sa taas at nilagay ang kamay sa baba na tila nagiisip pa.
"Snake and ladder po, minsan po truth or dare. Yun lang po ang nilalato namin kase di daw siya pwede sa loob ng bahay. Sa pagitan po kami ng gate naglalaro." Ngumisi siya sa akin. Muntik na akong mapatapik sa ulo ko. Talagang gumagawa pala talaga siya ng paraann para mapalapit sa bata ng di ko alam.
"Nag-enjoy ka ba na playmate siya?."
Tumango tango naman siya.
"Gusto siya ni Zeke."
"Wala ba siyang iba pang sinasabi sayo?."Malalim ulit itong nag-isip.
"Nag-sorry po siya sa akin tapos po para may iyak siya sa mata.""Ah ganon ba." That's all I can manage to say.
"Tsaka po pogi daw ako." Bumingisngis siya sa akin nanggigigil ko naman siyang kiniliti. Itong mag-ama ko talaga!.
...
Nakakabinging lakas ng ulan pagsapit ng gabi. Halos magdadalawang oras na ata ang ulan. Napatulog ko na si Zeke pero di ko pa rin magawang makatulog sa katunayan ay pabalik balik ako ng lakad sa sala at paminsan minsang sumisilip sa bintana.
Kahit ayaw kong mag-alala ay di ko pa rin maiwasan. Lalo na't nasa labas pa rin ang tent ni Drake at ang kotse nito. Di pa rin ito umaalis. Bumagsak na ang tent nito dahil sa lakas ng ulan kaya natitiyak kong nasa loob siya ng kotse niya.
"Papasukin mo na kase." Sagot ni Chelle sa kabilang linya.
"Malakas ang ulan! Ayaw ko naman mabasa ng dahil lang sa kanya."
"Sus! Ang arte oh. Wag naman masyadong matigas ang puso Therese." Nagsalubong naman ang kilay ko sa narinig.
"Mas wala siyang puso! Tska you put me in this situation! Kasalanan mo." Sisi ko naman sa kanya.
"Pabor pa nga ang ginawa ko eh. Yung pride na yan sabon lang yan, wag gawing ugali Therese." Sermon niya pa sa akin
"Nasaan ka na ba kase? Kaladkarin mo na to paalis tutal magkakampi kayo." Irap ko.
"Ay bahala kayo dyan! Pero talagang magarbo yang si Asawa mo huh, yung kinuha niya pang hotel sa akin eh yung sikat pa kaya labas pasok ang mga koreanong artista dito my gadd! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari naku! Matagal ko na kayong pinamigay na mag-ina."
"Hoy Chelle!."
"Joke lang to naman! Sige byers na! Muah!." Naiiling na binaba ko ang phone ko.
Hawak ang payong na sinugod ko ang ulan at nagmamadaling pumunta sa kotse ni Drake. Binuksan ko na agad iyon, gulat pa siya ng makita ako pero dali dali ko lang din na hinila ang mga kamay niya. Sinugod namin ang ulan pabalik sa bahay kahit na wala ng saysay ang magkapayong dahil di naman kami nagkasya doon.
BINABASA MO ANG
ABS 1: My Ex Husband, Drake Olivares
RomanceHuminga muna ako ng malalim bago pumasok ng kwarto. Ng magtama ang mga mata namin ay mabilis siyang tumayo at sinalubong ako ng yakap. "God, where have you been? Bakit mo ako iniwan kasama nila? Ayoko dito, umalis na tayo Therese." Mas lalo pang hum...