"Kelan ko po ulit kayo makakalaro?." Nakasimangot na tanong ni Zeke kay Drake na nakaluhod sa harapan nito para makapagpaalam ng maayos sa anak.
"Kapag di na ako busy kiddo. May work pa kase ako eh." Lambing naman nito sa anak.
"Promise po yan?."
"Promise! Ikaw pa ba? Lakas mo sa akin eh." Humagikgik naman si Zeke at nakipagfist bump sa ama.
Tuwang tuwa tuloy na pumasok si Zeke sa loob ng unit namin. Halos kakarating lang din namin galing sa mahabang byahe. Si Drake na rin ang naghatid sa amin pauwi kahit pa na ang awkward ng atmosphere at si Zeke lang ang nagiingay non.
"Aalis na ako. Take care of yourself." Di ko siya nilingon dahil kusa na lang namuo ang mga luha sa mata ko. Ayaw kong makita niya na mahina ako at ayaw kong ipakita na sa isang simple at maikling salita ay luluha ako ng ganito.
Ramdam ko pa rin ang presensya niya ngunit di ko siya nililingon. Himinga lang ako ng malalim at pinulot na ang bag ko at sumunod na sa unit.
Halos dalawang linggo na rin ng mangyari iyon at wala ngang Drake na nagparamdam kahit kay Zeke ay di pa rin siya nagpaparamdam. Nakabalik na rin si Chelle galing sa Korea, nung una ay may tampuhan pa rin kaming dalawa dala ng sumbatan namin noon pero nagkaayos din naman agad kami.
Masaya naman ako dahil nakabalik na rin ako sa trabaho bagamat tambak pa rin ako ng gagawin dahil ilang araw din akong nagbakasyon. Ngayon nga ay nirenta ang crew namin para sa proposal na magaganap. Open pa rin naman sa ibang customers ang restaurant ayon na rin sa sinabi ng lalaking magpropropose para daw di mapaghalataan ng girlfriend niya. Kaya naman busyng busy ang buong resto kaya nakitulong na rin ako sa pagaayos.
"Maam may naghahanap po sa inyo." Lumapit sa akin ang isa sa mga tauhan ko habang nagaayos ako ng table.
"Sino?." Tanong ko pero tinuro niya lang ang nasa likod niya at nagpaalam na rin agad.
"Anong kailangan mo?." I asked coldly.
"You're busy?." Sagot naman niya sa tanong ko.
"I'am. Kaya kung mangungulit kalang about sa mga chances na yan w---."
"It's about Zeke." He cut me off. Ako naman ang napatahimik. Napahiya.
"Nasa school siya."
"Ako na susundo sa kanya. Hihiramin ko muna sana siya." I looked into his eyes pero blanko lang ang reaksyon niya.
"You can't take him anywhere. Kung gusto mo siyang makasama dito mo siya dalhin." He scratched his nose before nodding.
Nang lingunin ko ang paligid ay nakahanda ang lahat. Andyan na rin ang couple. It's time!
"Wag ka munang lalabas. May magpropropose." Kapit ko sa braso niya pero ng dumako ang mata niya roon ay mabilis pa sa alas kwatro ko itong tinanggal at tinuon na lang sa couples ang atensyon ko.
Napangiti na lang ako ng sumagot ng 'yes' ang babae. Nakaramdam ako ng inggit, wala kase akong ganyan na moment dahil kasal agad ang naganap sa amin at di pa maganda ang kinalabasan ng kasal namin.
Awtomatikong napalingon ako kay Drake na ngayon ay matiim na nakatitig sa mata ko. Ni hindi man lang siya nagbawi ng tingin kahit na nahuli ko siya, ako pa itong naunang nagbawi ng tingin. Pakiramdam ko namula ang buong mukha ko.
"Tapos na. Aalis na ako." Paalam niya. Ni hindi ko man lang nagawang tumango dahil nakatalikod na agad siya sa akin.
..
"Ma'am celebrate naman po tayo!."
"Oo nga po ma'am. Pambawi sa pagod kanina hehe." Suhestyon pa ng isa kong tauhan.
BINABASA MO ANG
ABS 1: My Ex Husband, Drake Olivares
RomanceHuminga muna ako ng malalim bago pumasok ng kwarto. Ng magtama ang mga mata namin ay mabilis siyang tumayo at sinalubong ako ng yakap. "God, where have you been? Bakit mo ako iniwan kasama nila? Ayoko dito, umalis na tayo Therese." Mas lalo pang hum...