Kinabukasan pagkaalis ni Drake sa para pumasok ay pinuntahan ko rin ang anak ko at mahapon lang din ako nakipagbond sa kanya sa unit namin ni Chelle.
"Kelan po ulit kayo babalik dito?." Zeke asked while coloring his book.
Hinaplos haplos ko naman ang buhok niya.
"I don't know. Surprise na lang ulit kita hmm?." Lambing ko sa kanya.
Tumango tango naman siya.
"Aalis na ulit si mama kapag nandito na si tita Chelle mo huh."
"Opo. Sana matagalan pa si tita Chelle." Humagikgik ito ng naloko. Natawa naman ako sa inasal niya.
"Ang cute talaga ng baby! Pakiss nga!." Pinugpog ko ng halik ang anak ko habang tawa lang din siya ng tawa.
Dininig ata ang hiling ni Zeke dahil mag-aalas otso na nang makabalik si Chelle sa condo. Nagover time daw kase sa work.
Kaya naman habang nasa byahe pa ako pabalik sa bahay ay nagiisip na ako ng palusot kay Drake.
Madilim ang buong sala ng makarating na ako aa bahay. Mas lalo ako natakot ng pagbukas ko ng ilaw sa sala ay si Drake ang naabutan ko. Mukhang kanina pa siya umiinom base na rin sa mga nagkalat na can beer sa paligid ng lamesa.
"Drake." Tawag ko sa kanya.
"nakauwi ka na pala? Buti may balak ka pa?." Ngimisi siya ng nakakaasar.
"Galing ako kay Chelle." Rason ko. Pero inilingan niya lang ako.
"Nagsasabi ako ng totoo."
"STOP LYING!!." Natigalgal ako ng basagin niya ang shot glass niya. Durog-durog ito sa paanan niya.
"D-drake?." I'm confused.
"F*ck this!!." Tinaob niya ang glass table namin at nagkabasag-basag.
"F*cking explain this!!." Hinagis niya sa akin ang mga litrato.
Nagsimulang tumulo ang luha ko ng makita ang mga kuha namin ni Kevin na magkasama. Merong litrato na magkasama kami sa resto at sa event noong nakaraang araw.
"I thought you were in the house that day! Paanong kasama mo yang tarantadong yan?! Ginagago mo ba ako Therese!!." He screamed na nagpanginig pa lalo sa akin. Di ko alam ang sasabihin ko umiiyak lang ako sa harap niya habang lukit na lukot na ang isang litrato na mahigpit na hawak ko.
"Therese?! Ano?! Sumagot ka! Hindi ko sinabing umiyak-iyak ka dyan!." Dagdag niya pa.
"Hindi ko alam. Hindi ko alam." Humagulgol na ako. Paano ito? Pakana rin ba ni Kevin ito?!
"Anong hindi mo alam?! Are you cheating with him behind my back huh?!." Umiling iling ako.
"Bina-blackmail niya ako!." Sagot ko. Kumunot naman ang noo niya.
"Paano?."
"Kase alam niyang may---." Naitikom ko agad ang bibig ko bago ko pa maibunyag ang lahat.
"Kase ano?!."
"Hindi pa ito ang t-tamang panahon. Sasabihin ko rin sayo pangako."
"Tangina! Sabihin mo na! Bago pa magdilim ang paningin ko sa Therese!." Pabagsak siyang naupo sa sofa at tinitigan ako ng masama.
"I can't. Please. I can't." Pagsusumamo ko sa kanya pero disappointed lang siyang tumingin sa akin.
"You are a cheater." Puno ng gigil ang sabi niya sa akin bago niya ako talikuran.
Kung pwede ko lang sanang sabihin sa kanya. Kung pwede lang, pero dahil sa kondisyon niya ay baka makasama pa ito. Hindi ko alam kung pano ipapaliwanag sa kanya gayong kulang kulang ang ala-ala niya.
...
"Drake?." Yumakap ako sa likod niya. Di kase siya nakahiga ng paharap sa akin tulad ng lagi niyang ginagawa kapag matutulog na kami.
Hubad baro ito at bagong shower din. Sinubsob ko ang mukha ko sa malapad niyang likod para mapigilan ang pag-iyak ko. Pero kahit anong gawin ko aysunod-sunod ang pagtulo nito.
"Drake please? Kausapin mo ako."
He pushed me away at tumihaya lang siya ng nakapikit. Mas lalo lang akong napaiyak dahil binabalewala na niya ako.Pero di ako nagpatalo. Umupo ako sa tiyan niya at yumuko para umoisahang halikan ang leeg niya habang panay ang haplos na mga kamay ko sa dibdib niya.
"C'mon baby, wala kaming relasyon ni Kevin." I licked his neck then I sucked it after. Nanatili lang siya tahimik parang di nga siya naapektuhan ng pangaakit ko sa kanya.
"Binablackmail niya lang ako." Bulong ko sa tenga niya saka marahang kinagat iyon.
"But for what reason?." Hinawakan niya ang dalawa kong braso para matitigan ako.
"I can't tell you...yet. Promise I'll tell you when the right t-time comes." Punas ko sa mga luha ko.
"Why?."
"Magtiwala ka lang sa akin, please?." Tumango tango naman siya sabay buntong hininga.
"May nangyari ba sa inyo? Kissing?."
"Wala po, promise. Walang ganon na nangyari." Todo iling naman ako. Tumango tango lang ulit siya.
"Sayo lang ako. Sayong sayo lang ako." Sumubsob ako sa leeg niya. Naramdaman ko naman ang pagpatong niya ng kamay sa likod ko, yumakap na siya sa akin. Nakahinga naman ako ng maluwag.
"Alright. I trust you. I love you, so stop crying." Hinaplos haplos niya ang buhok ko habang hinahalik halikan niya ang sentido ko.
"I love you po." Tumango siya.
...
A/N ; may mga dinagdag po akong scene and characters hanggang sa pinakaunang chapters.
BINABASA MO ANG
ABS 1: My Ex Husband, Drake Olivares
RomanceHuminga muna ako ng malalim bago pumasok ng kwarto. Ng magtama ang mga mata namin ay mabilis siyang tumayo at sinalubong ako ng yakap. "God, where have you been? Bakit mo ako iniwan kasama nila? Ayoko dito, umalis na tayo Therese." Mas lalo pang hum...