Part 2

900 31 0
                                    

Naglalakad kami kasama ang mga kaibigan ko sa hallway nang biglang makatagpo namin si Mr. President. Kasama ko sina Yveth, Clarice, at Namie.

"Ang gwapo talaga ni Adrian girls." bulalas ni Yveth.

"Ang amo ng mukha ang sarap halikan." Sabi ni Clarice. Yuck seriously?

"Tapos ang laki pa ng ngiti, nakaka inlove talaga." Sabi naman ni Namie.

Parehong kinikilig ang tatlo. Pero kung alam lang nila ang ugali ng lalaking yan.

Halatang narinig ni Adrian ang pinagsasabi ng tatlo kong kaibigan kaya mas lalo pang lumaki ang ngiti nya. Ngiti na nakakainsulto. Ugh!

"Ang laki nga ng ngiti pero ang sama naman ng ugali!" Sabi ko nang malakas para marinig talaga nya. Siniko naman ako ng mga kaibigan ko.

"Hoy Keish, baka marinig ka ni Mr. President." Bulong ni Clarice sa akin.

"Mabuti ngang marinig niya para malaman niya ang totoo," sabi ko ulit ng malakas at tiningnan si Adrian. Nakita ko siyang napahinto, ngunit agad rin siyang nagpatuloy sa paglalakad at palingo-lingo ang kanyang ulo.

"Baliw ka talaga girl. Pano kung narinig ka nun." Nag-aalalang sabi ni Namie.

"Narinig nya talaga yun. Baliw." Sabi naman ni Yveth.

Pake ko kung marinig nya. Sinadya ko naman talaga yun para hindi lumaki ang ulo. Di porket maraming estudyante ang naloloko nya sa pagbabait-baitan nya ay tataas na ang tingin nya sa sarili.

Samantala, nagpunta kami ng mga kaibigan ko sa canteen para bumili ng pagkain.

"Puno na yung tables girls, sa labas nalang natin to kainin." Sabi ni Namie.

"Sure. Sige." Pagsang-ayon naman naming tatlo.

Umupo kami sa isang couch at doon kumain.

Biglang tumunog ang aking cellphone kaya't tinabi ko muna ang balat ng pagkain sa gilid. Dumaan sa harap namin si Adrian kasama ang dalawa pang officer at napatingin sa akin habang nagbabasa ng text message. Tinignan ko sya ng masama. Napatingin naman sya sa balat ng pinagkainan na nasa gilid ko. Nilapitan nya kami, specifically me. Hinarap nya ko at tinuro ang balat ng pagkain sa gilid ko.

"Ms. Flores?" Sabi nya.

"Yes. Why?" Mataray ko namang sabi.

"Hindi mo ba alam na bawal magtapon ng basura kung saan-saan dito sa loob ng campus?" Strikto nyang sabi.

"Itatapon ko naman po to sa basurahan eh. Tinabi ko lang po saglit." Paliwanag ko.

"I don't need your explanation. This is your warning." Sabi nya.

"Teka lang naman. At saka, warning talaga agad?" Naiinis kong tanong.

"Baka akala mo hindi ko alam na hindi mo ginagawa yong binigay kong punishment sa'yo." Naku po! Paano nya nalaman na hindi ako naglilinis ng CR? Akala ko ba maayos yung naging usapan namin ni Manong Janitor.

Hindi ako nakaimik sa sinabi nya. Lagot ka talaga Keisha. Kainis naman eh.

Nang umalis si Adrian at ng dalawa nyang kasama ay binato agad ako ng mga katanungan ng tatlo kong kaibigan. Kaya kinuwento ko naman sa kanila ang mga nangyari. Hindi ko kasi naikwento sa kanila noong una ang tungkol sa punishment dahil mas minabuti ko na yong walang nakakaalam. Para safe sana yung secret namin ni manong Janitor. Kaso hindi ko naman ineexpect na malalaman pa rin pala ito ni Mr. President.

Pagkatapos ng lunch break ay pinapunta kami ng aming Professor sa research sa main library.

"Doon tayo umupo." Turo ni Clarice sa table na may kaunti lamang na estudyante.

"Tara." Sabi ko. Hindi ko napansin na andun pala si Adrian sa isang sulok malapit doon na nakaupo at nagbabasa ng libro.

Ano bang problema sa araw ko ngayon at palagi kaming nagtatagpo ng Adrian na to?

Naupo na ang mga kaibigan ko kaya umupo na lang din ako. Nagkacalculate kami ng mga data sa research namin.

"Nakakalito naman nito." Mahina kong sabi at kinamot ang ulo ko.

Inikot-ikot ko ang ballpen ko habang ina-analyze ang data kaso...

"UGH! ANG HIRAP TALAGA!" Hindi ko napansin na napalakas pala yung boses ko kaya napalingon ang mga estudyante sa akin. Pinindot rin ng librarian ang bell at sinabihan ako ng Silence please.

Napayuko nalang ako sa hiya at nakita ko sa peripheral vision ko ang nanlilisik na mga mata ni Adrian kaya hindi ka maiwasang mapatingin.

"Ms. Flores?" Sabi nya habang tinitiklop ang librong binabasa.

"Bakit na naman ba?" Mahina kung sabi pero halatang naiinis.

"Go to the SSG office later after your class." Mabilis nyang sabi at naglakad palabas ng Library.

"Bakit naman kaya?" Nalilito kung sabi sa sarili.

Tinignan naman ako ng tatlo kong kaibigan sabay sabing "Lagot ka!"

Hindi talaga ako nagkamali. True friends ko nga talaga sila. Notice the sarcasm po. Tsk.

----

Please feel free to click the star to vote if you love this chapter 😉

CRUSH KO SI MR. PRESIDENT (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now