Part 12

577 24 0
                                    

Nanginginig ang katawan ko habang sinusundan si Adrian papuntang clinic. Hinimatay sya habang yakap yakap ako kaya pareho kaming natumba kanina.

Naghihintay kami ngayon ng mga kaibigan ko at ibang SSG officers sa labas ng clinic habang chinicheck ng Doctor ang kalagayan ni Adrian. Nang matapos icheck si Adrian ay pumasok na ako sa loob para tanungin ang doctor kung ano ang nangyari sa kanya. Sabi nya na nalipasan lang daw ng gutom si Adrian. Medyo nakahinga ako sa sinabi ng doctor pero medyo naiinis din dahil bakit nagpalipas sya ng gutom. Naalala ko na hindi pa rin pala ako nag lunch.

Pinuntahan ko si Adrian. Pinauna ko ng umalis ang mga kaibigan ko at ang ibang officers. Sinabi ko sa kanila na ako na muna ang magbabantay kay Adrian. Umupo na ako sa tabi ng kanyang kama. Hinawakan ko ang kanyang kamay.

"Akala ko kung ano na nangyari sa'yo." Naiiyak kong sabi. "Bakit ka naman nagpalipas ng gutom? Hindi mo naman kailangan maghanda ng ganun eh. Sasagutin pa rin naman kita ng 'Oo' kahit hindi mo pa yun ginawa. Ginamit mo pa pagiging President mo para gawin yun. Mahal din kaya kita." Patuloy ko habang naluluha pa rin. Masyado kasi akong kinabahan noong bigla syang nahimatay.

Napayuko ako sa kama habang tumutulo ang luha nang bigla syang bumangon. Hinila nya ang balikat ko at nilapit ang kanyang mukha para halikan ako.

Napadilat ng malaki ang aking mga mata nang biglang magdikit ang aming mga labi. Pero sya nakapikit pa rin. Bigla nyang ginalaw ang kanyang labi, hindi ko alam kung paano suklian ang halik nya dahil first time ko to kaya mas hinigpitan ko na lang ang pagkakahawak sa kamay nya at pumikit na rin.

Feeling ko 30seconds din bago niya iminulat ang kanyang mga mata at tinapos ang halik. Natulala ako sa nangyari. Nagsalita naman bigla si Adrian dahilan para mabalik ako sa sarili ko.

"Pwede mo bang sabihin ulit ang huli mong sinabi." Nakangiti nyang sabi.

"A-anong huli kong sinabi?" Tanong ko. Na mental block ako sa ginawa nyang paghalik, paano ko pa matatandaan yung huli kong sinabi?

"Ipapa-alala ko sa'yo." Sabi ni Adrian at akmang hahalikan ako ulit. Buti nalang at napaatras ako agad.

"Wait." Sabi ko at tinakpan ang bibig ko. Napangiti na lang si Adrian sa reaksyon ko.

"You are mine now. So expect a lot from me." Panunukso nyang sabi. Feeling ko may something green sa sinabi nya kaya sinapak ko sya.

"Hoy! Tumigil ka nga. Kung hindi ka lang nakahiga dyan, mas malakas pa sana ang matatanggap mong sapak." Sabi ko at inirapan sya.

Umupo naman sya ng maayos at hinila ako para yakapin.

"I love you, Ms. Flores." Masaya nyang sabi.

"I-I love you too, Mr. President." Medyo nahihiya ko pang sabi.

"Let's eat." Sabi nya.

"Anong kakainin natin?" Natutuwa kong tanong dahil pareho kaming hindi naglunch. Siguro gutom na gutom na sya kaya nahimatay.

"Eat me and I'll eat you." Bulong nya sa tenga ko. Bigla ko naman syang tinulak dahil biglang tumayo ang balahibo ko sa leeg.

"Tumahimik ka nga! Baliw talaga to." Naiinis kong sabi.

Ang saya-saya ng araw ko ngayon. Ako na yata ang pinakamaswerteng babae sa boung mundo. Sana walang mangyaring masama sa amin ni Adrian. Sana palagi lang masaya. I know that there's no perfect relationship but I'm not yet ready to face those imperfections. Marami kasi ang nagsasabi sa'kin na once na maging kayo, darating ang mga problema na susubok sa relasyon nyo. Takot akong mawala si Adrian. Alam kong madami pa kaming hindi alam sa isa't-isa at hindi pa kami masyadong matagal na magkakilala pero parang ang laki na ng parte nya sa buhay ko.

----
Please vote and comment 😘😘

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 26, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CRUSH KO SI MR. PRESIDENT (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now