Part 3

767 32 0
                                    

Pagkatapos ng klase ay nagpunta agad ako sa SSG Office kung saan pinapapunta ako ni Mr. Fake President. Naiinis akong naglakad papunta sa kanilang opisina.

Hindi na ako kumatok at agad binuksan ang pinto.

"Ang kapal talaga ng mukha mong utusan ako na pumun-- hehe" Agad agad kong sinara ang pinto. Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sa sobrang hiya.

Nagulat ako dahil hindi ko inaasahang nag memeeting pala sila sa loob. Akala ko kasi si Adrian lang eh. Napaupo ako sa isang semento at tinakpan ang mukha ko dahil feeling ko namumula na ito sa hiya. Tatakbo na sana ako kaso may nagbukas ng pinto.

"Keisha." Tawag sa akin ni Marco. Siya ang representative ng department namin kaya magkakilala kami.

"Oh Marco." Nakangiti kong sabi. Medyo nawala yong hiya ko. Close ko kasi kaming dalawa.

"Pumasok ka na raw sa loob sabi ni President. Tapos na rin ang meeting namin." Sabi nya.

"Ah sige." Pagsang-ayon ko at nakitang paalis na rin ang ibang officers.

Pumasok na ako sa loob. Tatlo na lang silang natitira kasama si Marco.

"Sit down." Utos sa'kin ni Adrian pagkapasok ko. Umupo naman ako agad kahit naiinis na ko lalo.

"So bakit nyo po ako pinapapunta rito Mr. President?" Nakangiti kong sabi kahit halatang pilit.

"Ms. Keisha Flores right?" Sabi nya.

"Tss. Dami pang sinasabi." Bulong ko sa sarili ko. Tumango na lang ako sa sinabi nya.

"Ms. Flores, marami kang rules na nalabag sa University natin." Seryoso nyang sabi.

"Anong rules?" Nakakunot ang noo kong tanong.

"First, hindi paggawa sa punishment na binigay ko sa'yo." -siya

"Eh hindi naman kasi makatarungan yung binigay mong parusa eh." -ako

"Second, pagtatapon ng basura kung saan-saan dito sa loob ng campus." -siya

"Balak ko pa nga kasing itapon yun sa basurahan." -ako

"Lastly, pag-iingay sa loob ng library." -siya

"Di naman yun sinasadya eh." -ako

"Kaya bilang consequence sa mga rules na nalabag mo--" hindi ko pinatapos yung sasabihin nya.

"WAIT! Pakinggan mo kasi yung paliwanag ko." Pasigaw kong sabi.

"I didn't ask for your explanation. And by the way, are you yelling at me?" Naiirita nyang sabi.

Mas lalong uminit ang ulo ko. Gusto ko pa sanang magsisisigaw pero may iba pa kaming kasama rito. Baka makagawa pa ako ng kahihiyan. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

"So anong gusto mong gawin ko?" Medyo kalma na ngayon ang boses ko. Magsasalita na sana si Adrian nang magpaalam ang mga kasamahan nyang officer na uuwi na.

"Alis na po kami President." Sabi ng Vice President na si Marielle.

"Bye Keisha." Paalam naman ni Marco sa akin. Nginitian ko lang siya at tumango. Nakita ko namang kumunot ang noo ni Adrian kaya inirapan ko sya.

"So ano na nga yung ipapagawa mo sa'kin?" Tanong ko ulit.

"So I was saying that as a punishment for breaking the rules, you need to work for us." Sabi nya.

"What do you mean?" Tanong ko.

"Before and after your class, morning and afternoon. You need to come here and clean our office." -siya

"Wait. What? Gagawin nyo akong alalay?" -ako

"Ikaw na ang bahala kung ano ang gusto mong isipin." -siya

"Okay fine. Ilang araw ba? Two days? 3 days?" -ako

"Two months." Tipid nyang sabi.

"WHAT?" Nanlalaki ang mga mata kong sabi. "Di naman yata makatarunagn yan." Patuloy ko.

"That's it. You may go now." -siya

"Hoy! Alam mo irereklamo na talaga kita." -ako

"Magreklamo ka dun. Baka gusto mong ihatid pa kita." -siya

"UGH!" Sigaw ko at nagmartsa palabas ng kanilang opisina.

Nakakainis talaga ang Mr. Fake President na yun!

----

Please feel free to click the star to vote if you love this chapter 😉🙏

CRUSH KO SI MR. PRESIDENT (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now