Part 11

597 23 0
                                    

Bukas na ang huling araw ng pagpunta ko sa SSG office para gawin ang punishment or consequence ng paglabag ko daw sa mga rules ng school. Hanggang ngayon di ko pa rin ma imagine na naging rule breaker ako ng school. Pero anyways, hindi ko namalayan na dalawang buwan na pala akong nagpabalik-balik doon. Sinabihan ako ni Adrian na huwag muna daw akong magpunta doon kaya naisipan kong yayain ang mga kaibigan ko na mamasyal after our class.

"Girls, manuod tayo ng sine. Hindi kasi ako pupunta ng SSG office ngayon." Natutuwa kong sabi sa tatlo kong kaibigan.

"Sorry girl, pinapauwi ako ng maaga ni mama." Sabi ni Yveth.

"Ako rin, magkikita kami ng boyfriend ko ngayon." Sabi naman ni Namie.

"Boyfriend? Kailan ka pa nagkaboyfriend?" Tanong ko.

"Naku joke! Friend lang pala, walang boy." Naka peace sign na sabi ni Namie. Tss, amfeeling hahaha.

"Eh ikaw Clarice? May lakad ka rin?" Tanong ko.

"Yes din girl. May kailangan lang akong puntahan." Sagot ni Clarice.

"Ganun ba? Namiss ko pa naman mamasyal after class kasama kayo." Malungkot kong sabi. "Sige girls, uuwi na lang din ako ng maaga." Patuloy ko.

Nag sorry sila sa'kin at nagkanya-kanya na kami ng pupuntahan.

Kinabukasan, naiinis ako na nagtungo sa school dahil hindi nagparamdam si Adrian sa'kin simula kahapon. Hindi sya nagtext ng 'Goodnight', tsaka wala ring 'Goodmorning'. Tsk galit kaya siya dahil hindi ko pa rin sinasagot ang sinabi niya?

After three hours of listening to our professor's lecture, finally lunchtime na. Hindi ko namalayan ang biglang pagkawala ng tatlo kung kaibigan. Bigla na lang akong nakatanggap ng text na nasa canteen na raw sila.

"Walangya tong mga babaeng to, hindi man lang ako hinintay." Sabi ko sa aking sarili habang naglalakad papuntang canteen.

Habang naglalakad ay may biglang humila sa akin at tinakpan ang aking mga mata.

"Aray! Teka! Sino kayo? Anong gagawin nyo sa'kin?" Takot kong sabi.

"Sumunod ka na lang Miss." Sabi ng isang lalaki na hindi ko makilala ang boses. Nakakatakot ang boses nya kaya naiiyak ako.

Sumunod lang ako sa inutos nila. Hinawakan nila ang kamay ko habang naglalakad kami sa hindi ko alam kung saan patungo.

Medyo mahabahaba na ang nilakad namin. Nakarinig ako ng mga boses. Parang andaming tao. Mayroon ding tunog ng musika. Maya-maya'y binitawan nila ang pagkakahawak sa akin at tinanggal ang takip sa aking mga mata. Nagulat ako dahil si Carl, Marco, at Yveth pala ang nakahawak sa akin kanina.

"Anong-- sino yung nagsalita kanina?" Tanong ko. Tinuro naman nila si Carl at biglang umalis sa tabi ko. Kaya pala di ko nakilala kasi sanay ako sa girly na boses ni Carl. Bwesit gusto ko tuloy tumawa habang iniimagine ang boses niya kanina.

Tinignan ko ang nasa paligid. Ano ang mga ito? Nasa activity center kami or ground kung saan ginaganap ang mga event ng school. Andami kong nakikitang mga flowers, hearts, balloons at mga estudyanteng nakapalibot. Anong meron?

Ngayon ko lang napansin na nakatayo pala ako sa gitna at may red carpet na mukhang magsisilbing daan papunta sa stage. Nagulat ako ng makita ko si Adrian na nasa stage. Nakaupo sya doon at may hawak na gitara.

Noong magtagpo ang mga mata namin ay sinimulan nya ang pagkaskas ng gitara. Hindi ko alam pero naiiyak akong naglakad papunta doon. Para akong isang bride na naglalakad sa harap ng altar para puntahan ang kanyang groom.

Sinimulan na ni Adrian ang kanyang pagkanta.

"🎵Nakaupo siya sa isang madilim ng sulok
Ewan ko ba kung bakit
Sa libo libong babaeng nandoon
Wala pang isang minuto
Nahulog na ang loob ko sa iyo. 🎵"

Tumigil siya sa kanyang pagkanta at nagsalita.

"Kasama mo ang mga kaibigan mo nun, nagkukwentuhan kayo nang mapadaan ako sa harap nyo. Nakangiti sila habang nakatingin sa akin pero ikaw wala lang. Pero noong magtagpo ang mga mata natin, bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa mga tingin mo." Sabi nya.

"🎵Gusto ko sanang marinig ang tinig mo
Umasa na rin na sana’y
Mahawakan ko ang palad mo
Gusto ko sanang lumapit
Kung ‘di lang sa lalaking kayakap mo🎵"

"Ang saya ko noong nagpunta ka sa office dahil first time mo akong kinausap. At noong pinakilala kita sa parents ko, sobrang saya ko nun even if it takes me so much courage para lang mahawakan ang kamay mo. And sorry nga pala kung biglaan kitang pinakilala sa kanila." Napakamot siya sa ulo na parang nahihiya.

Oo nga, naalala ko ang kaba ko that time. Bigla niya lang akong pinakilala sa kanila as a girlfriend.

"🎵Dalhin mo ako sa iyong palasyo
Maglakad tayo
Sa hardin ng ‘yong kaharian
Wala man akong pag-aari
Pangako kong habang buhay
Kitang pagsisilbihan
O aking prinsesa ah
Prinsesa, prinsesa, prinsesa🎵"

"Handa akong ibigay ang lahat para sa'yo. Pagsisilibihan kita ng boung buhay ko dahil ikaw lang ang nag-iisa kong prinsesa."

"🎵Di ako makatulog
Naisip ko ang ningning ng ‘yong mata
Nasa isip kita buong umaga
Buong magdamag
Sana’y parati kang tanaw
O ang sakit isiping
Ito’y isang panaginip
Panaginip lang🎵"

"Palagi kitang naiisip, sa pagtulog ko hanggang sa paggising ikaw lang ang laman ng isip ko. Kaya kung panaginip man ang lahat ng ito, ayoko ng magising."

"🎵Dalhin mo ako sa iyong palasyo
Maglakad tayo
Sa hardin ng ‘yong kaharian
Wala man akong pag-aari
Pangako kong habang buhay
Kitang pagsisilbihan
O aking prinsesa ah
Prinsesa, prinsesa, prinsesa

Prinsesa, prinsesa, prinsesa.🎵"

Huminto ako sa paglalakad pagkatapos kumanta ni Adrian. Tumayo sya at nilagay ang kanyang gitara sa upuan. Lumapit sya sa'kin at hinawakan ang mukha ko.

"I love you Ms. Flores. I love you so much my Princess. Pwede bang sabihin mo na ngayon ang reply mo?" Nakangiting sabi ni Adrian.

Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko inaasahan ang mga pangyayari. Kailan nya plinano ang lahat ng ito? Naiiyak ako sa sobrang saya. Naririnig ko ang sigaw ng mga estudyante pero wala akong maintindihan ni isa.

"The one and only Princess of my life, Keisha Flores. Can you be my girlfriend?" sabi nya habang hinahawakan ang kamay ko. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak.

"Yes." Sabi ko habang pinupunasan ang aking mga luha. "Girlfriend pa naman di ba? Hindi pa asawa? Kung makapagpropose ka naman akala mo ikakasal na tayo." Naiiyak na natatawa kong sabi.

Napatawa na rin si Adrian sa sinabi ko at niyakap ako sa sobrang saya. Bawal pa kasi ang kiss, okay? Hahaha. Nagpalakpakan na rin ang mga estudyante.

"You are mine now, Ms. Flores." Sabi ni Adrian at.....

at bigla syang hinimatay.

----
Please click the star to vote if you love this chapter 😇🙏

CRUSH KO SI MR. PRESIDENT (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now