Part 5

735 31 0
                                    

"Okay class. You're dismissed." Sabi ng Prof namin.

"Mauna na ako sa inyo girls ah." Paalam ko sa aking mga kaibigan. Duty na naman ulit ako sa alam nyo na.

"Goodbye to our busy friend." Panunukso ni Clarice.

"Ikumusta mo na lang kami kay Mr. President." Dagdag naman ni Yveth.

"Ewan ko sa inyo." Sabi ko at naglakad papuntang SSG office. Nakatagpo ko naman si Marco sa daan papunta dun.

"Uy Marco!" Tawag ko.

"Hi Keish. Papunta kang office?" Tanong nya.

"Ah oo. Galing ka ba doon? Sinong nandun?" Tanong ko.

"Si Marielle, si Jhane tsaka si Carl." Sagot nya.

"Eh si Adrian?" -ako

"Hindi ko alam. Baka may klase pa. Sige Keish, mauna na ko. Kailangan ko kasing umuwi ng maaga ngayon." -Marco

"Ah ganun ba. Sige ingat ka." -ako

Nagpunta na ako sa office. Pagdating ko ay abala sa kanilang laptop ang tatlo, si Marielle, Jhane at Carl.

"Hello." Mahinhin kong bati sa kanila. Ngumiti naman sila sa akin. Halatang busy dahil balik agad sa laptop ang attention nila.

Ako naman ay sinimulan ng ayusin ang mga nagulong folders. Asan kaya si Adrian?

"Hello guys. Ang busy natin ah." Nakangiting sabi ni Adrian pagkapasok sa loob ng opisina.

Nagulat ang ibang officers pagkapasok nya at sa kanyang sinabi. Nahinto sila sa kanilang ginagawa at tinignan si Adrian ng nakapagtataka.

"What's the problem?" Tanong ni Adrian.

"Bat ang ganda yata ng araw natin President? May nangyari bang maganda?" Tanong naman ni Carl.

Hindi nagsalita si Adrian at nakangiting umupo sa kanyang mahiwagang upuan. Anong nangyayari sa lalaking to? Tumatayo ang balahibo ko sa ngiti nya.

"Ms. Flores? Halika muna." Tawag nya sa'kin.

"Yes Mr. President." Sabi ko at nagmadaling lumapit sa kanya. "Bakit po?" Tanong ko.

"Anong oras ang lunchtime mo bukas?" -siya

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa para tignan ang aking schedule. "11am to 1pm po, bakit mo natanong?" -ako

"Pumunta ka dito sa office bukas." Sabi nya.

"Po? Bakit po?" -ako

"Ituloy mo na ang ginagawa mo." Sabi nya at may mga ginalaw na folders para tinignan.

Tsk. Hindi man lang sinagot ang tanong ko.

Fast forward. Kinabukasan, lunchtime ay nagpunta na ako sa office. Pagkapasok ko ay si Adrian lang ang nandun.

"May iuutos ka ba?" Agad kong tanong pagkakita sa kanya.

"Naglunch ka na ba?" Tanong nya.

"Hindi pa kaya kung may iuutos ka, bilisan mo na dahil nagugutom na ko." Reklamo ko.

"Let's go." Sabi nya at lumabas ng office.

"Teka, saan tayo pupunta?" Sabi ko habang sinusundan sya. Naglakad naman sya papuntang car park.

"Lunch." Tipid nyang sabi.

"Ha? Bakit kailangan mo pa akong isama kung maglulunch ka lang pala." -ako

Hindi sya umimik hanggang sa makarating kami sa sasakyan nya.

"Get in." Sabi nya nang pagbuksan ako ng pinto.

"Bakit mo ba kasi ako kailangan isama maglunch at saka saan ka ba kakain? Eh pwede namang sa school canteen ka na lang kumain." -ako

Hindi na naman sya sumagot at tinulak ako papasok ng kanyang sasakyan.

"Aray ko! Walangya talaga to." Reklamo ko.

Tinanong ko sya ng tinanong habang nakasakay kami sa kanyang sasakyan pero sya concentrate lang sa pagdadrive at hindi man lang sumagot ng kahit isa sa tanong ko.

Pumasok kami sa isang restaurant. Nagulat ako dahil napakagara ng restaurant na pinasukan namin.

"Hoy Adrian!" First time ko syang tawagin sa pangalan nya kaya napalingon sya. "I mean Mr. President. Hhmm dito ka ba talaga naglulunch araw-araw? Grabe ang yaman mo naman yata talaga. Alam mo ako kasi hindi ako kasing yaman mo kaya aalis na lang ako." Sabi ko at maglalakad na sana paalis pero bigla nyang hinatak ang kamay ko at inakbayan. Pinilit ko namang kunin ang kamay nyang nakaakbay ng bigla syang magsalita.

"Wag ka magreklamo. Niyakap mo nga ako noong isang araw di ba." Sabi nya at nag smirk. Aish. Pinaalala nya pa talaga.

Napayuko na lang ako at sumunod sa paglalakad nya. Nakakahiya, naalala ko na naman.

Patuloy kaming naglakad hanggang sa may nakita akong medyo may edad na babae at lalaki na kumakaway sa amin para lumapit. May kasama rin silang batang babae. Bigla naman akong kinabahan. Anong meron?

----

Please feel free to click the star to vote if you love this chapter 😉🙏

CRUSH KO SI MR. PRESIDENT (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now