Chapter 1: Alicia

71 6 0
                                    

Maria Alicia Coresez

"Alicia! Yung sinaing mo!"
"Alicia! Yung twalya ko asan na?!"
"Alicia! Yung damit ko plinantsa mo na?!"
"Alicia! Ang mga labada!"
"Alicia! si chuchu pinaliguan mo na ba?!"

"ALICIAAAAAAAAAAA!"

~~~~~~~~ homog

Alam niyo ba na ang pangalan kong "ALICIA" ay nakapasok na sa gueness book of record bilang nag iisang pangalan na palaging nababanggit every 1 second?
dahil ang tiyahin ko at mga pinsan ko ay laging bukam-bibig ang pangalan na iyan sa dami ng utos nila.

Utos dito, utos doon.
wala pang isang segundo,
utos na naman dito, utos naman doon.

WALANG KATAPUSANG UTOS.

Buti pa nga si God, 10 lang ang utos eh.
Eh ang mga yan? hindi naman diyos pero kung maka-utos dinaig pa si miss minchin. (-.-)

Iniisip siguro ninyo kung bakit hindi na lang ako umalis at magpakalayo para makaiwas na ako sa pang-aalila nila..

HINDI KO YAN MAGAGAWA.

Si tita ang nagpapaaral sa akin..
at titiisin ko ang mga pang aalila nila wag lang akong matigil sa pag-aaral.
EDUKASYON lang ang susi para makaalis ako sa empyernong ito.

Balang araw pagsisisihan rin nila ang ginagawa nila sa akin.

"Hoy Alicia, hugasan mo nga si Chuchu tumae na naman eh."

Utos ng pinsan kong si Franchesca. Heto na naman siya, uutusan ako ng mga bagay na hindi naman talaga dapat ginagawa. Gusto lang talaga niya akong inisin eh. Pero hindi ko yun pinapahalata, pinapakita ko lagi sa kanila na masaya ako sa ginagawa ko. I always wear a smile :D

"Ah sige!" nakangiti kong sabi.
At kumunot lang ang noo niya dahil nakangiti pa rin ako.

"Naku Chuchu ang baho naman ng pwet mo, hugasan natin ahh.." wika ko habang hinuhugasan si Chuchu. Binibaby ko si Chuchu dahil tuwing ginagawa ko yun ay mas lalo siyang umaamo sa akin. Mas close nga siya sa akin kesa sa amo niyang butiki eh. XD
dinilaan ako ni Chuchu sa pisngi pagkatapos ko siyang hugasan. At nakipaglaro pa sa akin.

"Chuchu! COME HERE!" mukhang nainis ang donya dahil mas nagbobonding kami ni Chuchu.

"Raff! raff!" Tinahulan lang siya ni Chuchu. At nagpatuloy na makipaglaro sa akin.

"I said CHUCHU COME HERE!!" sigaw pa niya. inismidan lang siya ng aso niya.

"Chuchu catch!" binato ko kay chuchu yung maliit na pingpong ball at mabilis niya itong sinalo at binigay ulit sa akin.
umapoy na naman ang donya ng makita yun. Hindi niya yun nagagawa kay chuchu eh. Haha.

"Alicia ano ba?! tinatawag ko yung Aso nilalaro mo pa! Chuchu! come here baby daliii.."
halos ginawa na niya ang pinakaamo niyang mukha pero wa epek yun kay Chuchu. Lalapit lang naman yun sa kanya kapag sinabi ko.

"Chuchu, sige na lapitan mo na yang butiki na yan. Pero wag mong pansinin ah. kaaway natin yun." Bulong ko kay Chuchu. Sinunod naman ako ni Chuchu at walang buhay niyang nilapitan ang amo niyang butiki.

"Goodboy Chuchu.. come here.." wika naman ni Franchesca habang nakaabang ang mga braso niya para yakapin si Chuchu.. pero nilampasan lang siya ni Chuchu at natulog sa ilalim ng upuan niya. sobrang pigil ko ang tawa ko nun. hahaha. Goodboy Chuchu, GOODBOY. hakhakhak.

"ARGGGGHHHH!" napasigaw siya sa inis. XD kawawang amo. hahaha.

"ALICIAAAAAA!" sigaw naman ng isa ko pang pinsan na si Kuya Francis. Ano naman kaya ang iuutos nito?

Don't UsWhere stories live. Discover now