Chapter 8: Van

15 1 0
                                    

(Margarette's POV)

Eto na talaga. Aalis na ako. Magtatrabaho na ako. Gagawa na ako ng sarili kong pera. Pero malalayo naman ako sa kanila...

Huminga ako ng malalim. Lakasan mo ang loob mo Margarette! Para sa kanila din ito. Tumulo ang mga luha ko sa mata. Mahirap pero dapat kayanin ko.

Lumabas na ako sa kwarto bitbit ang mga inimpake kong gamit. Nakita ko si ate na pinapadede si Bunsay. Napatingin siya sa akin, nangilid agad ang mga luha niya sa mata. At hindi ko na rin napigilan.

Kitang kita ko sa mga mata ni ate na nalulungkot siya. Pero pilit niya itong tinatakpan ng mga ngiti niya.

"Naks! Ready na ang kapatid ko ah!" Wika niya. Palihim pa niyang pinunasan ang mga luha niya. Ihiniga niya muna si Bunsay sa tabi ng kakambal nitong si Bunsoy. At tsaka kami nagyakapan ng mahigpit. Doon na bumuhos ang aming emosyon.

"M-magpapakabait ka dun Margarette ha. Mag-iingat ka lagi. G-galingan mo sa trabaho mo ha, para mapromote ka."

"Ate walang promotion doon. Yaya lang ako hindi Employee. Bwisit ka. Haha. Waaaah! mamimiss kita ate! Mamimiss ko kayo! Huhuhu."

So ayun. Nagdramahan muna kami bago ako umalis. Halos mapunit naman ang damit ko dahil sa pagwawala ng mga pamangkin ko. Ayaw nila akong paalisin! (ToT) Waaah. Kung pwede lang, hindi na talaga ako aalis.
Grabe ganun pala ako kamahal ng mga pamangkin ko. Na halos parang ako na yung nanay nila dahil ayaw na ayaw talaga nila akong paalisin. Sobrang na-touch ako dun. Waaaah. Sobrang bigat sa dibdib umalis.

---------

Nasa taxi na ako. Pero hindi pa rin tumitigil ang pagluha ko. Namimiss ko na agad sila ate. Ganito pala yung feeling ng first time mong mahihiwalay sa pamilya mo 'no? sobrang bigat sa dibdib. Basta ang hirap ipaliwanag.

Hindi bale na. Titiisin ko na lang ang bigat na nararamdaman ko dahil para rin naman sa kanila ito. Gusto ko silang mai-alis sa empyernong bahay ni Jepoy. Hindi man sapat ang kikitain ko para mai-alis agad sila sa bahay na yun, atleast mabawasan man lang ang gutom nila. Palagi ko silang papadalahan. Promise yung unang sisweldohin ko, ibibigay ko sa kanila lahat. Gusto ko mamasyal sila. Mag-mall sila, mag-jollibee o mcdo basta gusto ko masaya sila lahat.




........

Nasa tapat na ako ng bahay nila sir Peter. Infairness mansyon na mansyon ang bahay niya. Waaah. Eto na talaga. Eto na ang simula. Hoh! Kaya ko'to!

Pinindot ko na yung doorbell nila.

*Dingdong*

Astig nung doorbell nila touch screen. Buti pa doorbell nila di-touch na, cellphone ko di-pindot pa din.

Maya-maya bumukas na yung gate. Yung maliit na gate lang na pantao talaga. Yung isa kasing gate nilang malaki, pang sasakyan naman yun. "Ano yun? Bakit?" Sumulpot mula doon ang isang matandang babae. Sing-kapal ng kilay ni Mario Maurer ang pulang-pula niyang lipstick.

"Hi po Manang. Ako po si Maria Margarette Perez. Ako po yung magiging yaya nung anak ni Sir Peter." Sabi ko. Tiningnan ako ni Manang mula ulo hanggang paa at nakataas ang kilay. Wow.

"Mali ka siguro ng bahay na napuntahan. Hindi kami naghahanap ng yaya." Sabi naman niya. Feeling naman niya siya ang amo dito. Duhh naka-uniform kaya siya na pang-katulong. At Itong bahay kaya na ito ang nakalagay doon sa binigay na address ni Sir.

"Hindi po, ito po talaga yun. Tingnan niyo po ito oh," pinakita ko sa kanya yung card na binigay ni Sir sa akin na may nakasulat na address nila.

"Manang Sino yan?" Biglang may nagsalita mula sa loob. Waaah si Sir Peter yata yun!

Don't UsWhere stories live. Discover now