Chapter 7: Canor

55 3 0
                                    

(Desiree's POV)

I AM A DE JESUS. I WILL FOREVER BE A DE JESUS!

*Flashback*

I heard mom talking with someone on her phone at the garden. She was so mad. And because of curiosity, I listen to their conversation.

"A-akala ko patay ka na!" Sigaw ni mommy. Naka loud speaker yung phone niya so I can hear the person she was talking with.

"Na-stressed ka ba Emma? Akala mo ba napatumba mo na ako noon?" Sabi nung lalaki sa kabilang linya.

"What are you saying?! H-hindi kita pinatumba! Wala akong alam sa sinasabi mo!"

Pinatumba? Ibig sabihin pinapatay siya noon ni mommy? No. Hindi ganun ang mommy ko!

"Wag ka ng tumanggi Emma! Ginamit mo lang ako! Ginamit mo ako para mabuntis ka!"

What? Mabuntis? Naguguluhan ako! May kapatid ba akong iba? My god! May anak na nga si daddy sa iba, tapos si mommy din? This can't be! What the f*ck is happening in my life?! (>.<)

"Tumigil ka Canor! S-saan mo naman nalaman yan?!"

"Hindi na importante kung kanino ko nalaman. Ang mahalaga ngayon, makukuha ko na ang ANAK ko."

ANAK? So it's real? Nabuntis noon si mommy?! WTF. Hindi kaya may tinatagong anak si mommy? (O_O)

"WALA KANG ANAK SA AKIN CANOR! KUNG SINO MANG DAHUDAS ANG NAGSABI SAYO NYAN, SIGURADO AKONG SINISIRAAN NIYA LANG AKO. TUMIGIL KA NA CANOR. WAG MO NA AKONG GULUHIN, TAHIMIK NA ANG BUHAY KO AT MASAYA. PARANG AWA MO NA, TIGILAN MO NA AKO!"

"Hindi mo na ako mapipigilan pa Emma! Ngayong alam ko na ang LAHAT, Humanda ka sa mga pasabog ko." Sabi nung f*cktard na lalaki.

"Kung may binabalak ka man Canor, Please, wag mo ng ituloy! Hindi kita pinapatay at wala ka ring anak sa akin! Wag mo ng guluhin ang tahimik kong buhay!"

"Ayaw mong guluhin ko ang buhay mo? Pagkatapos mong guluhin ang buhay ko noon? Hindi naman yata fair yun Emma. Kahit anong sabihin mo, lalabas at lalabas ako para gumanti sa lahat ng kasalanan mo sa akin. Just be ready for my wild revenge Emma. Sisiguraduhin kong mai-stress ka." Said the man and laugh like a demon. He's really a demon!

"Canor ano ba?! Tigilan mo na ako! Sino bang nagsabi nyan sayo ha? Bakit naniwala ka naman agad?! Niloloko ka lang nyan!"
sigaw ni mommy.

"Hindi niya ako niloloko Emma, ikaw ang manloloko! Gusto mo bang ikwento ko lahat ng napagtagpi-tagpi kong kwento? Well sige."

Hindi nakapagsalita si mommy. Nakinig lang siya sa mga sinabi ng kausap niya.

"Hindi ba nanligaw ako sayo noon? Pero hindi mo ako sinagot dahil si Arnolfo ang gusto mo." Sabi nung lalaki. Si Dad ang tinutukoy niya.

"Pero hindi ikaw ang gusto ni Arnolfo kundi isang katulong." Tumawa pa sa kabilang linya yung lalaki.

Si daddy may nagustuhang katulong? Si GOLDDIGGER bang nanay ni Amanda ang tinutukoy niya? (O_O)

"Dahil hibang ka na, ginawa mo lahat para magustuhan ka rin ni Arnolfo. Ayon pa sa aking source, nakasama mo si Arnolfo sa isang inuman. Masyado mong nilasing si Arnolfo at dinala mo siya sa isang kwarto. May ginawa ka sa kanya, may nangyari sa inyo. Gusto mong mabuntis para maitali mo na siya sayo." Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ng taong ito. Totoo ba ang mga sinasabi niya? >_<

Don't UsWhere stories live. Discover now