Chapter 6: Desiree

41 2 0
                                    

(Amanda's POV)

"HAYOP KA!" sigaw niya. Sasampalin niya sana ako pero inunahan ko na siya. *PAK!*

"Anong nangyayari dito?!"

Si Papa. Dumating si papa at ang nakita niya ay ang pagsampal ko kay Desiree.

"Daddy!" Tumakbo patungo sa kanya si Desiree at yumakap habang humahagulhol. Habang ako hindi alam ang gagawin kung paano magpapaliwanag.

"ANONG GINAWA MO AMANDA?!"
sigaw ni papa sa pinakanakakatakot niyang boses.


~~~~~~~

Nasa sala na kami ngayon. Ako nasa maliit na sofa habang sila papa, tita Emma at Desiree ay magkakatabing naka-upo sa mahabang sofa. Magkatapat ang nauupuan namin. Nakayuko lang ako at iyak ng iyak.

"Ano bang nangyari? Bakit nagkakaganito na kayo?" nagsimula ng magtanong si papa. Hindi ako makapagsalita dahil iyak lang ako ng iyak.

"Yang anak mo ang nagsimula!" Wika naman ni tita Emma. Ako? Eh siya itong nananampal na lang bigla.

"Amanda, tumingin ka sa akin. Ano bang ginawa mo?" tanong ni papa. Nakayuko pa rin ako. Argh! Ewan ko ba kung bakit hindi ako nauubusan ng luha. Unti-unti akong tumingala para sana sumagot pero biglang nagsalita si Desiree--

"She called me Walang modo and she called mom a Mang-aagaw." Napatingin ako sa kanya. Hindi totoo yun!

"Sinungaling ka! Wag mo nga akong baliktarin Desiree!" Sigaw ko.

"Totoo naman eh! Bakit mo dinelete yung post mo sa facebook? Para ba hindi mabasa ni daddy kung paano niyo ako pagtulungan ng pinsan mong jejemon?!" Sigaw niya. Gusto kong gumusin ang pagmumukha ng lecheng Desiree na ito dahil sa pambabaliktad niya sa akin! Nakakainis! >_<

"Hindi totoo yan! Wag kang gumawa ng storya! Alam mo ang totoo Desiree! Napakasinungaling mo!" Sigaw ko pa.

"Dapat kasi Hindi mo na lang dinelete yung post mo para may ebidensya! Sabi mo pa sa comment mo, mang-aagaw si mommy dahil inagaw niya si daddy sa mama mo! Di'ba?" Halos gusto ko ng sumabog dahil sa galit! Naiinis ako kay Desiree (><) Si papa parang mas naniniwala pa sa kanya! Argh! ano bang kasalanan ko sa kanya bakit niya ginagawa ito?! (>O<)

"Desiree wala akong sinabing ganyan! kaya ko dinelete yung post ko dahil ayaw ko nang humaba pa yung issue! Kasi nag comment ka ng masama dun sa post ko! Nagalit yung pinsan ko dahil tinawag mong desperate maid at Golddigger si mama! Kaya nasabihan ka niya ng walang modo! Yan ang totoo!"

"What? Sinungaling ka! Binabaliktad mo ako! Don't make fake stories! You might go to hell!" Sigaw naman niya.

"Then tell that to yourself! You are the one who's making fake stories so you're the one MUST go to hell!" Hindi na ako magpapatalo. Ipaglalaban ko ang tama!

"Don't believe that liar Arnolfo. Desiree's the one telling the truth! I tried to talk to Amanda but she just got angry and pushed me." Napatingin naman ako kay tita Emma. Isa pa ito! Gumagawa din ng storya!

"Tita ano bang pinagsasasabi mo? Hindi po kita tinulak! Ikaw po ang biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko at pagbukas ko bigla mo na lang akong sinampal! Dahil naniwala ka kaagad sa kasinungalingan ni Desiree."

Don't UsWhere stories live. Discover now