Chapter 4: Finding Chuchu

50 3 0
                                    

(Alicia's POV)

*BLAG! BLAM! BOGSH!

Napamulat ako dahil sa ingay na nanggagaling sa kusina. Ang higaan ko kasi nasa ilalim ng hagdan, at yung hagdan malapit sa kusina kaya rinig na rinig ko kung anumang ingay ang mangggagaling doon.

"TANGHALI NA HINDI PA JAN BUMANGON!"

Agad akong bumangon. Nagpaparinig na ang tita kong King kong!

Pero seryoso? Tanghali na raw? eh alas-5 pa lang ng umaga. -__-

Dali-dali kong inayos ang higaan ko at tumungo sa kusina. Walang mumog-mumog binuksan ko agad ang gasul. Binuksan ko ang stove at nilagay doon ang kawali. Magpriprito na ako ng almusal ng mga REYNA dito. -__-

Si tita, ayun nakaupo lang sa may lamesa at tutok na tutok sa Cellphone niya. Ganyan yan si tita Fra, nagpupuyat yan kaka-internet. Mas mabilis naman kasi ang net kapag madaling araw. At dito siya sa kusina tumatambay dahil malakas ang signal dito.

"Alicia pagkatapos mo dyan gisingin mo na ang mga anak ko ha."
Utos niya.

Psh. Lahat naman ng mga gawain dito pati ang gawain mo bilang ina, ako na ang gumagawa eh. Internet lang kasi ng internet. -__- sumabog sana cellphone mo.

Pagkatapos kong magluto ay magmumumog na sana ako sa wakas kaso--

"Alicia! Gisingin mo na ang mga pinsan mo! ANO BA?! Kanina ko pa yan inutos ah!"

Lechugas Bahong-baho na ako sa hininga ko! Wala na ba akong karapatang magmumog?! JUSKO. Kanina pa yan si tita eh, habang nagluluto ako utos pa rin ng utos! kesyo kamutin ko daw ang likod niya, kunin ko daw yung charger niya, kunin ko daw yung extention wire para makapagcharge siya and many moooore!

Nawalan na ako ng time para magmumog! ><

Tumungo na agad ako sa taas upang gisingin ang mga REYNA.

Sa kwarto muna ako ni Franchesca kumatok.

Tok.tok.tok.

"Franchesca, gising na may pasok pa tayo. Nakahanda na rin ang almusal."

Walang sumagot.

Tok.tok.tok.

"Franchescaaa! yuhoooo! gising na!"
medyo nilakasan ko na ang boses ko.

walang sumagot.

TOK.TOK.TOK.TOK.TOK.TOK
"Franchesca gising na!!!!"
Hindi ko na tinigilan ang pagkatok. Ewan ko na lang kung di siya magising.

*BLAAGG!*
Biglang may lumagapak sa pinto. Binato niya yata yung electric fan sa pinto. Siya ang tanga pag nasira yun.

"INAANTOK PA AKOOO!"
sigaw ni Franchesca mula sa loob.

"Pero may pasok ka pa. Di'ba exam week na ngayon? hindi ka ba papasok?"
tanong ko. Biglang bumukas ang pinto.

"Ihanda mo na ang uniform ko. plantsahin mo, i-hanger mo, AYOKO NG MAY GUSOT. Ayusin mo na rin dyan sa kwarto, linisin mo. AYAW KO NG MAKALAT. Yung towel ko isampay mo na rin sa Cr."

Bwisit. Umagang-umaga naka-walong utos na agad ang reyna. Pero keber lang, nginitian ko siya.

"Okey. I'll do it!" sabi ko na labas ang 23 kong ngipin. Inismidan niya lang ako at tumungo na siya sa baba.

Don't UsWhere stories live. Discover now