Event Name: Twisted Guessing Game

278 17 69
                                    

Ang larong ito ay nilikha upang masukat ang inyong talino, kakayahan, bilis at pagkatuso upang manalo laban sa ibang team. Nangangailan ng cooperation ng bawat isa upang maisagawa ang challenge na ito. Ang tanong handa ba kayo? 

GAME MECHANICS:

1. Magbibigay ang Event's Master ng isang tanong na sasagutin ng lahat. Ito ay maaaring isang bugtong, puzzle, palaisipan, current event, history etc. Ang inyong sagot ay hindi ninyo pwede sabihin sa ibang team. Tandaan magkalaban kayo, pautakan, patusuhan, pagalingan ang labanan padadaig ba kayo sa ibang team? Maaari kayong maghanap sa google ng isasagot nyo, pero siguraduhin nyong tama ang sagot nyo, dahil minus points kapag mali ang sagot nyo.

2. Mula sa inyong sagot, maaaring sabihin ng game planner na: gawan ng short story, tula, poster, banner, etc ang sagot na nakuha nyo. Kaya ngayon palang sinasabi ko na siguraduhin nyong tama ang sagot nyo.

3. Sa Linggo ibibigay ang tanong, pagkatapos ng final judging of presentations and announcement of the winner/s.

4. Sa sabado naman ipapasa ang PROJECT TWIST. Ito po ay ipopost na walang nakalagay na pangalan ng team ng kung sino ang may gawa.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Sample ng game:

Q: Ayan na si kaka pabukabukaka

A: Gunting (Obvious naman di ba? pero wag nyo sasabihin sa ibang team yung sagot nyo, dahil baka kopyahin sayang pinaghirapan nyo. Example lang ito na pwede ganito ang tanong).

Project Twist: Gamit ang sagot sa tanong, gumawa ng short comedy story.

(Again example lang ito na pwede ipagawa sa inyo ng Event's Master.)

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

JUDGING OF ENTRIES

- Ang pagcomcompute po ng winner ay hindi voting scheme kundi by judging, kaya po walang pangalan para walang idea ang judge kung kaninong team yung nakapresent.

- Sino sino po ba ang itatalagang judge? Sila po ang butihing mga TL natin, kaya po walang name ang mga presentation para no clue sila kung kanino ang mga pinipresent. Magbibigay po si Event's Master ng criteria sa kanila kung pano magbibigay ng score except sa presentation ng team nila.

- Opo ang ijujudge nila ay ung gawa ng ibang team at hindi sa kanila. Kaya paalala po sa ating mga member wag po ipaalam kung ano yung sa inyo, kasi ano pa purpose ng secrecy kung malalaman lang rin ng iba di ba? Basta ang alam nyo lang yung gawa ng team nyo.

PRIZES FOR THE VICTORIOUS ONE

1. Ang winner team ay kukuha ng isang member sa isang team.

- Kahit anong team pa yan basta natalo, doon kayo pwedeng kumuha.

- Duration: 1 week. Pagkatapos ng duration period ay pwede na siyang bumalik sa dati niyang team. Tip: Kunin nyo na ung masipag at laging ol diba?

- Ano ang pwedeng ipagawa: Basahin ang updates ng team within that week. Tutulong siya sa pag gawa ng Project Twist. Pag-monitorin sa team monitoring book.

- ABSOLUTELY NO SPYING. Bawal kang magsabi or mag-hint sa pagsisilbihan mong group ng kung anong gagawin ng original team mo and vice versa. Meaning, bawal na bawal rin na mag-spy ka sa sariling group mo for the benefit of the other team. 

2. Ang winner team ay mamimili ng team na bibigyan ng BURDEN.

- Ano ang burden? Kapag kayo ang team na napiling bigyan ng burden, ang team nyo ay dapat makapagsubmit ng presentation ng Friday (isang araw na maaga sa tunay na schedule).

- Syempre kung sino ang naunang mag-pass, sila ang unang maipo-post ang gawa kaya hint na yun para kay TL kung kano ang presentation na iyon. ADVANTAGE.

- Tip: Maging tuso, lagyan nyo ng burden ung alam nyong magaling na team.

3. Tatlong member sa winning team ang magiging featured story of the team.

- Tig 10 Chapter lang bawat isa ang babasahin katulad ng ginawa natin sa mga new babies. Ito ay upang hindi matabunan o matambak ang mga dapat basahin sa week na iyon.

- Ito ay magsisilbing gantimpala para sa mga most active at dedicated member sa team. 

SPECIAL RULE:

1. Ang PRIZES ay available lang sa isang linggong duration. 

2. Sa magkaibang team dapat galing ang mga mabibigyan ng parusa. Iba ang team na mabibigyan ng burden, iba rin ang team na kukuhanan/hihiraman niyo ng member. Meaning, dalawang team ang makakatikim ng parusa.

3. Ang dalawang team na nakatikim ng parusa ay SAFE sa parusa sa kasunod na week.

4. Sa pagsagot ng question natin mas makakabuti po na ilihim ang tamang sagot nyo, pwede nyong i-distract ang kalaban na team para maligaw ang sagot nila pero ung tunay na sagot nyo ay wag nyo ipapaalam.

5. Kung mali ang sagot niyo, meaning mali rin yung buong Project Twist mo. In that case, dito papasok ang deduction of certain points base na rin sa ibibigay na pataw ni Event's Master.

6. No need to gather votes. 

GAME STARTS ON: March 16, 2014

Disclaimer: Rules may vary and can be changed depending on serious situations and incidents following the misbehaviours of the members in general.

RTsians Team PresentationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon