TGG Round 2 - Entry No. 4

134 13 5
                                    

Answer: Balat/Skin

Title: Forever

“Ako si Fern, ito ang istorya ko..Ang istorya namin.”

10 years ago, may isa akong kaibigan na nagngangalang Arkin. Paborito naming past-time ang magkwentuhan ng kung ano-ano habang kumakain ng BALAT ng manok na nabibili namin kay Mang Tinong sa tapat ng eskwelahan namin.

Sa lahat ng kaibigan ko ay si Arkin lang ang nakatagal sa akin, hindi ko rin alam kung bakit. Hindi na rin ako nakipag-kaibigan sa iba, kasi ang rason ko, may kaibigan pa naman ako na gaya ni Arkin. Pinagtatanggol nya ako sa mga umaapi sa akin, at higit sa lahat, mabait at generous siyang kaibigan. Sa sobrang close namin ay madalas na mapagkamalan kaming kambal, parang sa conjoined twins, kulang na lang pagdikitin na ang BALAT naming dalawa.

Isang beses, habang recess namin noon, umupo kami ni Arkin sa madalas naming tinatambayan sa school, sa may soccer field ng college department.

“Fern, after 10 years, ano na kaya tayo?” tanong nya sa akin at nahiga sa hita ko, tumingin naman ako sa kanya at inisip ang sagot sa tanong nya.

“Hmm, eh di, 26 years old na tayo nun. Siguro meron na tayong stable na trabaho, o kaya baka may asawa na tayo nun.” Naka-ngiting sabi ko sa kanya, hinawakan nya naman ang kamay ko at tinapik-tapik iyon. Sanay na ako sa SKINSHIP naming dalawa, kaya di na ako naiilang kapag yayakapin nya man ako o maglalambing ito gaya ng ganun, ewan ko ba, basta komportable ako sa lahat ng ginagawa nya.

“In 10 years, magkaibigan pa rin kaya tayo?” tanong uli sa akin ni Arkin habang nakatingin sa kamay naming nilalaro-laro nito.

“Oo naman, di ako papayagna mawala ka sa akin no. Baka nga tayo pa ang magkatuluyan eh!” natatawang sabi ko sa kanya, nilamukos nya naman ang mukha ko bilang sagot. Palagi kasi kaming inaasar ng mga classmate namin na baka kami daw ang magkatuluyan, nasanay na kami kaya naging joke na lang din naming dalawa yun.

Tumayo si Arkin sa pagkakahiga nya sa hita ko at umupo patabi sa akin, naka-ngising inakbayan nya ako at mahinang pinitk ang ilong ko.

“In 10 years, kung pareho pa tayong single at walang asawa, pakasalan mo ako.” Sabi nya sa akin habang nakatitig sa mga mata ko. Babatukan ko sana siya, pero merong pinahihiwatig ang mga mata nya na hindi ko kayang pag-hindian. Sa halip ay ngumiti ako at tumango sa kanya.

Ganun na lang ang tuwa ni Arkin at ngiting-ngiti na humiwalay sa pagkaka-akbay sa akin. Nagtatakang sinundan ko siya ng tingin habang may kinukuha ito ng kung ano sa bag niya. Nang makuha niya iyon ay inabot nya sa akin ang hawak nitong itim na ballpen.

“Sign me. Selyuhan natin yang pagpayag mong magpakasal sa akin.” Sabi sa akin ni Arkin at hinubad ang uniform na suot niya.

“Sign you…where? Saka ano ka ba? Bakit ka naghuhubad?” sabi ko at tumayo para lumayo ng kaunti sa kanya, hinawakan nya naman ang kamay ko at masuyong hinila pabalik sa kanya.

RTsians Team PresentationsWhere stories live. Discover now