TGG Round 2 - Entry No. 6

113 10 6
                                    

Late Entry.

 Answer: Skin

(FHAYE'S POV)

"Waaaahhhhh! What are you doing?" Sigaw ko nang maramdaman ang lamig ng tubig na bumuhos sa precious face ko na dahilan nang pagkagising ko.

"Hahahaha! Basang sisiw! Ay hindi pala basang sisiw dapat basang chix," sabi nya na may mapang-asar na ngiti. Dahil sa inis ko kinuha ko ang wand ko sa bulsa ng robe ko at saka nag-spell ng alam kong ikakatakot nya.

"Accio thousands snake!" Sigaw ko sabay takbo sa banyo para maligo. By the way, 'yung kaninang baliw na babaeng sumira ng tulog ko at tumawag sakin ng basang chix ay si Ley, ka-dorm ko siya rito sa academy.

Fastforward. Pagkalabas ng banyo.

Napangiti ako ng napakalapad, bakit? Puro dugo at bangkay ng ahas. Hahaha! Sigurado akong halos himatayin 'yun sa sobrang takot at taranta para lang mapatay yung mga ahas. Agad akong nag-cast nang spell para malinis ang aking kwarto bago bumaba sa unang palapag. Pumunta ako sa sala kung nasaan ang iba ko pang ka-dormmate, tatlo sila: si Ley ang pinakamaloko at maraming alam na kalokohan sa amin—isa na 'yung ginawa niya sa akin kanina; Si Bryan na magaling magluto at lagi rin 'yang nakangiti kaya daming babaeng naghahabol sa kanya; at si Jason na napaka-cold at seryoso na madalas magbasa ng spell book niya.

"Buti lumabas ka pa," naiinis na sabi ni Ley.

"Bakit ano bang gusto mong lumabas sa kwarto ko, ahas?" Tanong ko na naka-smirk at talagang in-empasize ang ahas na kinatatakutan nya. Siya naman, tinignan lang ako ng matalim na parang pinapatay niya na ko sa kanyang isipan, but I managed to smile.

Nagulat na lang ako nang nag-cast siya ng spell dahilan nang pagkakaroon ko ng parang bulutong sa buong katawan at naging magaspang din ang makinis kong balat.

"Oh, my God! Anong ginawa mo sa balat ko?" nataranta kong sabi. OA na kung OA. "My precious skin! Waaaahhhhh!" Lalo akong nataranta nang may lumabas na parang uod sa balat ko pero mas malaki sa ordinaryong uod.

"Hahahaha! Yuck! Ang pangit mo na Fhaye!" sabi ni Bryan na kakalabas lang galing kusina. Gaya ng sabi ko, magaling siyang magluto kaya siya ang madalas namin paglutuin.

Anyway, Fhaye (pronounce as fey) ang tawag nila sakin mula ng mga bata pa kami.

"Hahahaha! Oo nga! Pero bagay sa iyo Fhaye!" pang-aasar na gatong ni Ley. Si Jason naman nakahawak sa bibig nya, waring pinipigilan ang pagtawa. Madalas kasi siyang seryoso at madalang mo lang din 'yang makitang tumawa.

"Ibalik mo na ang precious skin ko sa dati," seryoso kong utos kay Ley.

"Sure! But . . . in one condition," aabi nya na may nakakalokong ngiti saka pasimpleng tumingin kay Jason. Bakit naman kaya?

RTsians Team PresentationsWhere stories live. Discover now