TGG Round 2 - Entry No. 1

194 17 14
                                    

Answer: Skin

Baryo Masanting, ito ang lugar kung saan lahat ng tao dito ay magaganda at gwapo subalit nabubukod tanging si Esme lang ang naiiba. Tampulan ng pangungutya ang kanyang itsura maputi naman ang kanyang balat pero punong-puno ito ng malalaking balat (birthmark) sa buong katawan. Kung titignan mo nga siya ay para siyang isang malaking balat na tinubuan ng mukha. May pula at itim na birthmark sa buong katawan niya at iba’t ibang laki pa ito. Pero mas kapansin-pansin ang isang malaking itim na birthmark sa balat niya sa pisngi napakalaki nito na halos masakop na ang buong kaliwang pisngi niya dagdagan pa na tinubuan din ito ng iilang buhok.

“Esme anong petsa na hindi ka pa kumukuha ng mga kahoy pang-gatong natin para sa pagluluto ko ng tinapay.” Sigaw sa kanya ng stepmother niya na si Connie.

Kasama niya sa bahay nila ang pangalawang pamilya ng kanyang Ama, buhat pa lang sa pagsilang sa kanya ay wala na siyang ina namatay ito sa panganganak sa kanya. Meron siyang dalawang half-sisters na ubod ng ganda. Siya lang talaga ang naiiba sa lugar nila.

“Opo ito na tinapos ko lang po ang pag-iigib ng tubig panligo niyo.” Aniya.

Inilapag niya lang ang balde ng tubig sa banyo at agad na kinuha ang kanyang balabal para ipantakip sa kanyang ulo hanggang mukha. Nagsimula na siyang maglakad papunta sa kakahuyan para kumuha ng kahoy na gagamitin sa pagluluto.

Ganito ang gawain niya sa araw-araw ang pagsilbihan ang mga kapatid at stepmother niya, siya lahat ang gumagawa ng gawaing bahay, samantalang ang dalawang kapatid nito ay walang ginawa kundi ang lalong magpaganda at makipaghuntahan sa mga kaibigan nito at kapitbahay. Bakasyon kasi ngayon kaya madami ang taong nasa labas. Wala man lang siyang panahon na makipag-kaibigan dahil sa dami ng gawain at wala rin naman gustong maging kaibigan siya. Lahat ng tao sa lugar nila ay tingin sa kanya ay isang halimaw dahil sa itsura ng balat niya.

“Ayan na si Esmeng halimaw, nakakadiri ang itsura niya.” Pang-aasar ng grupo ng mga bata, nginitian niya lang ito at pinagpatuloy ang paglalakad papasok ng kakahuyan. Nasanay na siya sa pangungutya sa kanya, she just always smile everytime na maririnig niya ang mga ganitong salita sa mga tao sa paligid. Ikaw ba naman sa buong benteng taon ng buhay mo hindi ka pa masanay.

Pasipol-sipol siya habang nasa loob na ng kakahuyan, ang sarap kasing sabayan ng mga humuhuning ibon parang ito lang ang nakaka-appreciate ng kagandahan niya. May dumapong isang makulay na ibon sa may balikat niya.

“Hello andito na naman ako kamusta kayo?” bati niya sa ibon, sunod-sunod na ang mga dumadapong ibon sa kanya lahat sila ay matitingkad ang kulay at para bang nakangiti sa kanya habang humuhuni, ang laki ng ngiti niya ng sabay-sabay ito humuhuni parang isang magandang musika sa kanyang pandinig.

Palundag-lundag na siyang naglalakad sa kakahuyan habang pinapalibutan pa din ng mga makukulay na ibon. Nagulat siya ng may marinig siyang mahinang ungol sa may bandang bangin, agad niyang binitawan ang dala niyang supot at dahan-dahang bumaba para tignan kung anong meron doon.

“Hala ano nangyari sayo jusmeyo teka lang tutulungan kita.” Sigaw niya ng makita ang isang lalaking nangingiwi sa sakit, nadaganan ito sa binti nito ng isang malaking bato, kita sa itsura nito ang sakit sa nangyari. Buong lakas niya itinulak ang bato na nakadagan dito.

RTsians Team PresentationsWhere stories live. Discover now