TGG Round 4 - Entry No. 4

72 6 4
                                    

Mapaglarong Kandila

Answer: Kandila

Tanging mga yabag ko lang at ng sa kasama ko ang aking naririnig sa isang tahimik na pasilyo. Ilaw galing sa flourescent lamp lang ang nagbibigay liwanag dito, ang isa pa'y pundido na't nagpapatay sindi. Iyon ang naging dahilan para mapakapit sa braso ko ang babaeng kasama ko. Hindi rin namang maitatangging hating gabi na at mas lalo pa iyon nagbigay gimbal sa kasama ko.

"Ian, natatakot ako," bulong niya sa akin na nanglalaki pa ang mga mata. Ay teka, malaki pala talaga.

"Ano ka ba, Martha. Wala namang-" naputol ang sasabihin ko at tumingin sa kabilang dulo ng pasilyo, sa isang paliko. "Na-nakita mo ba iyon?"

"A-ang alin?" nanginginig niyang tanong at ramdam kong mas humigpit ang kapit niya.

Huminto ako sa aking pagalalakad na kinahinto rin ng kasama ko. Lumunok ako't alam kong napansin iyon ni Martha. Dahan-dahan kaming naglakad sa may paliko, ramdam ko ang tensyon na nagmumula sa kasama ko. Rinig ko rin ang malalalim niyang hininga na pawang takot na takot na sa pangyayari. Hanggang sa, "MARTHA!"

"Ahhh!" hindi niya na napigilan ay tumili na siya na ikinahagalpak ko ng tawa. 'Yung mukha ni Martha, epic! Sa laki ng mga mata niya, may ikinalaki pa pala iyon. Kala ko tatalbog na papalabas eh. Wala naman akong ginawa, sumigaw lang ako. "Ian naman eh! Hindi nakakatuwa!"

"Biro lang naman!" depensa ko sa aking sarili na kumakawala pa rin ang mga tawa ko. "Takot na takot ka naman!"

"Bahala ka diyan," inis niyang tugon at inirapan ako. Padabog siyang naglakad papalayo at natunghayan ko na lang ang pagpasok niya sa bakanteng elevator. Pumindot siya ng kung ano doon dahilan para magsara na iyon. Hindi man lang niya ako hinintay, badtrip. Mukhang nainis nga ata. 'Di bale na, suyuin ko na lang bukas.

Habang naghihintay ng muling pagbukas ng elevator ay sinilip ko ang relo ko. Ilang minuto na lang ay papatak na ito ng alas dose, hirap talaga mag-OT. Pagod ka na, late pa uuwi. Nasaan ang hustisya? May dagdag nga sa suweldo, sakit naman aabutin mo. Kung hindi lang dahil sa pagpupumilit ni boss, hindi ko 'to gagawin eh.

Tumunog na ang elevator bilang senyales na magbubukas na ito. Sa pagbukas ng pinto ay nakita kong lumabas ang isang grupo ng mga lalake na marahas na kinakaladkad ang isang lalake. 'Yung isa sa mga kumakaladkad, bakit ganoon ang bunbunan? Ang umbok at lawak. Pero teka, parang may mali, ano kaya 'yon? May nirape kaya within 2 minutes? Hindi naman 'to condo. Bahala na nga. Dali-dali akong pumasok doon at pinindot ang 'G'. Muli itong nagsara at naramdaman ko ang mabilis nitong pagbaba. Oooh weeeh! Parang rides, hehehe. 

Laking gulat ko na lang nang huminto ito sa isang palapag at kasabay nito ay ang pagbukas ng elevator at pagpasok ng isang grupo sa loob. Pumuwesto ako sa kanang parte upang bigyan sila ng sapat na space. Hindi ko inaasahan ay nawalan ako ng balanse dahilan para mapahawak ako't maitulak ang babaeng kakapasok lang na kamukha ni Fiona. Pasara na ang pinto ngunit bigla siyang naipit at lumagutok ang pinto nito. Hala! "Aray!"

Umawang naman muli ang pinto at agad siyang naka-recover. Pinukulan niya ako ng masamang tingin. Ano gagawin ko? Wahhh! "Oh, b-bakit ako?" maang-maangan ko at tumingin ako sa doon sa baklang kakapasok lang. "Siya, siya tumulak sa'yo! May galit ata sa'yo!"

RTsians Team PresentationsWhere stories live. Discover now