05

573 63 19
                                    

All rights reserved.
Copyright © 2012 by chureitonct.

•••

2nd Day of Agreement

A N G E L O

Nandito na ako sa school papunta sa tambayan namin pero bakit dito pa lang sa hallway, nakatingin ang mga tao sa akin?

Dahil ba ang gwapo ko? Ang hangin ko puta.

Binara ba naman ang sarili. Haha!

Pero may naririnig akong bulungan pero rinig ko naman.



"Si Angelo pala 'yun?"

"Ang sweet nila 'dun sa picture noh?"

"Oo nga, bagay sila."

"Anong bagay? Mas bagay kaya sila ni Alexander."

"Oo nga noh?"



Hayy. Mga tsismosa talaga.

Tsaka picture? Ano kaya 'yun? Pumunta ako sa bulletin board at tiningnan ang picture na sinasabi nila.

Nang makarating ako 'dun. Agad namang nanlaki ang mga mata ko.

Kami 'to ni Emilia. Patay ako kay Alex neto. 'Di pa naman niya alam na lumabas kami.

And speaking of Alex. Nandito na pala siya sa tabi ko at nakatingin sa akin ng masama at nagwalk-out ito. 'Yung dalawa naman, sina Drake at Neil, umiling na lang at 'yung isa, si Christian, nagbabasa pa rin ng libro na parang walang pake sa paligid niya. Tsaka sila sabay sabay umalis.

Nako! Galit si Boss!

Sino ba kasi ang kumuha ng mga litrato na 'to?! Bwiset e.

Mamaya na nga lang ako mage-explain at mauuna na muna ako sa classroom.

Papalamigan ko muna ang mga ulo nila.




A N D R E A

"Bestfriend!" Napalingon naman agad siya. Nasa classroom na kasi kami e.

May importante akong ipapakita sa kanya.

"Bakit?" Tanong naman niya.

"Tingnan mo 'yung bulletin board!" Sabi ko.

Nagtaka naman siya pero 'di ko na siya pinasalita pa at hinila ko na siya. Tumakbo ako ng pagkabilis bilis habang hila hila ko siya. Pero dapat pala hindi ko na siya hinila.

"A-andrea, d-di a-ako ma-makahinga." Nahihirapan niyang sinabi 'yun.

Inaatake siya ng sakit niya! Nataranta agad ako. Nakalimutang kong bawal nga pala siyang tumakbo. Patay!

"Emi! Sandali lang! Nasaan ba 'yung gamot mo?!" Natataranta kong tanong.

"Na-nandun s-sa cla-classro—." Di na niya naituloy pa 'yung sasabihin niya at bumagsak siya buti na lang nasalo ko siya.

Lagot ka Andrea! Nandito pa naman kami sa lugar na wala masyadong taong pumupunta. 'Di ko na alam ang gagawin ko at nagsisisigaw sigaw na ako.

"Tulong! Tulungan niyo kami!" Sigaw ko.

At sakto papunta dito ang tropahan nina Neil pero nasaan si Gelo? Teka. Wag ko nga muna problemahin 'yun at etong bestfriend ko muna.

Locker Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon