30

414 49 9
                                    

All rights reserved.
Copyright © 2012 by chureitonct.

•••

20th Day of Agreement

A N D R E A

Time Check: 2:10 P.M.
Flight: 4:00 P.M.

Today is the day! Nakakaexcite pumunta sa States pero nakakalungkot din kase magkakahiwalay kaming magkakabarkada nang hindi ayos. Tapos magkakahiwalay na agad kami ni Neil eh wala pa nga kaming one month.

Nandito ako sa bahay nina Emi at iniintay na lang siya kasi maya maya dadating na ang barkada syempre wala si Alex, ihahatid kasi nila kami ni Emi sa airport.

"Emilia! Tapos ka na ba?!" Sigaw ko sa pintuan niya.

"Teka eto na! Lalabas na ako." Sigaw niya pabalik.

After a minute, lumabas na nga siya sa kwarto niya. Naaawa ako sa itsura niya kasi puro bandages pa rin siya. Hay ang bestfriend ko talaga. Napatingin naman ako sa tabi niya. Teka tatlong maleta?!

"Baka naman dinala mo na ang buong kwarto mo?" Gulat kong tanong sa kanya.

Paano ba naman kasi tatlong maleta? Seriously? Eh may box pa kaming dala! Tig isang balikbayan box pa kami!

Napakamot naman siya sa ulo niya. "Bes, diba dun na tayo magtatapos ng pag-aaral? Kaya tama lang 'tong mga dala ko."

Napairap naman ako. "I know pero parang ang dami naman niyan? May iniwan ka pa ba?" Taas kilay kong tanong sa kanya.

"Oo."

"Ano naman yun?" Di ko na siya pinasalita at pumasok agad ako sa kwarto niya.

Tama nga ako halos lahat ng laman ng kwarto niya, dinala niya pero meron akong nakitang isang malaking box na nakapatong sa kama niya at may nakasulat dun.

Yumuko ako para basahin yun. "Memories." Bulong ko.

Hmmm. Baka naman eto yung mga iiwan niya. Sa sobrang curious ko, nilapitan ko yung box at binuksan.

Napakunot naman ang noo ko. Teka bakit puro mga lanta na bulaklak, teddy bears, box ng mga chocolates at mga papel 'to?

Napaisip naman ako. Hindi kaya.. Eto yung mga bigay ni Alex slash secret admirer niya? Bakit di niya dadalhin?

"Emi, bakit di mo 'to dadalhin? Para naman may memories din kayo ni Alex." Kaibigan pa rin naman namin si Alex eh.

Ngumiti lang siya pero halatang peke ito. "Psh. Memories? More like a nightmare. Pabiyaan mo na yan diyan, tara na sabi ni Ate Tess. Nandiyan na daw ang barkada." At nauna na siyang umalis.

Sayang naman 'to pero pabiyaan na rin. Tama nga siya nightmare lang ang naidulot ni Alex sa kanya.

Sinarado ko na yung box at nilock ang pinto ni Emi tsaka sumunod sa kanya pababa.

At pagkababa, nakita ko agad ang barkada.

"Guys!" Pagtawag ko sa kanila. Napatingin naman silang lahat sa akin including Emi na nasa dulo ng hagdan.

"Oh nandiyan na pala si Amazona eh." Pangaasar sa akin ni Gelo.

"Oo nga eh, amazona. Bugbog sarado tuloy yung tao." Dagdag pa ni Irene.

Locker Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon