15

501 48 3
                                    

All rights reserved.
Copyright © 2012 by chureitonct.

•••

10th Day of Agreement


A N D R E A

February 10, Thursday

Spell awkward. K-A-M-I.

Bakit kami awkward? Hindi rin namin alam eh. Basta ang tahimik ng buong gym.

Pero si Irene at Drake lang ang sweet ngayon sa amin pero kaming walo. Nagkakahiyaan sa isa't isa.

Siguro yung sa amin ni Neil yung pagkiss ko sa kanya sa cheeks.

Oh eh anong problema dun? Cheeks lang naman ah. Big deal?

"Uhm.. Guys, alis muna kami nina Andrea, Neil at Alex ha." Pagbasag ni Emi sa katahimikan.

"Saan punta niyo?" Tanong ni Gelo.

Napalingon naman si Emi sa kanya. "Magtatanong kami kung ano ba ang gusto nilang menu."

Bigla namang napatayo si Gelo, nakaupo kasi siya kanina. "Sama ako!!"

Sumabat naman si Neil. "Pare, dito ka na lang. Walang kasama si Blaire oh. MaO-OP lang siya dito."

Napairap na lang si Gelo. "Hayst. Sige na nga."

Puro na lang pagkain 'to eh. Hayst.

Umalis na kami sa gym at eto kami ngayon papunta sa canteen, buti na nga lang break time nila ngayon.

"Guys, dun kami sa kabila tapos dun naman kayo sa kabilang side." Sabi ni Alex.

Tumango naman kami ni Emi. "Sige."

Naghiwalay na kami nina Neil at Alex. Kaya ayun nagtititili yung mga babae dun. Tsk.

Napatingin naman ako kay Emi na binagga ang balikat ko. "Ikaw nga magtapat ka nga sa akin. Ba't kayo hindi nagpapansinan ni Neil?"

Nagkibit balikat naman ako. "Malay ko dun basta kagabi kasi kiniss ko lang siya sa cheeks tapos kinabukasan, pagdating ko dito waley na." Napatigil naman si Emi at yumuko.

Kaya naman napatigil din ako at kunot noo ko siyang tiningnan. "Oh anyare sayo, teh?"

Nung tinaas niya ang ulo niya. HAHAHA! Namumula ang ate niyo.

"Oh ba't ka namumula? May nangyare din sa inyo nung gabi noh?!" Pangaasar ko sa kanya.

Umiling naman ito agad. "Hoy! Ano ka ba. Parang yung ginawa mo lang kay Neil ganun lang din ang ginawa ko."

Woah! "Apir tayo, teh! Kambal nga tayo!" Nag-apir naman kami. Natawa na lang din kami pagkatapos.

Pagkatapos ng ang minuto, natapos na din namin tanungin ang mga gusto nila kaya iniintay na lang namin sina Neil at Alex.




N E I L

Alam niyo? Di pa rin ako makaget-over sa nangyari kagabi.

Di ko nga alam kung bakit di kami nagpapansinan eh. Basta yun na yun eh. Hahaha!

"Pare." Napalingon naman ako kay Alex. "Alam mo ba kagabi.. hinalikan ako ni Emi sa pisngi." Nakangiti nitong saad.

Locker Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon