14

575 54 2
                                    

All rights reserved.
Copyright © 2012 by chureitonct.

•••

9th Day of Agreement

E M I L I A

February 9, Wednesday.

Eto kami ngayon ng barkada sa Gym nagtutulungan para sa upcoming event this coming Monday.

Nagbreak time muna kami. Yung boys nasa canteen kasi sila na lang daw ang bibili ng mineral water para sa amin. Sweet ba? Gaya din kayo lol.

Nang makaalis na ang boys. Bigla namang nagsalita si Ella. "Pansin niyo bang laging natutulala yung lima?"

Tumango naman si Blaire. "Yeah, I think there is something going on but they're not telling it to us."

"Blaire, nanonose bleed ako sayo!" Pagreklamo ni Andrea. Kaya naman natawa ako.

"So what? Is it my fault that I can't speak tagalog?" Mataray na tanong ni Blaire sa kanya.

Humarang naman sa kanila si Irene. "Tumigil na nga kayong dalawa."

Ako hindi pa rin umiimik kasi pinapanood ko sila para bang nanonood ka lang ng teleserye eh. Haha!

"Pero girls may sasabihin ako sainyo." Biglang sabi ni Andrea.

"Ano naman yun?" Tanong sa kanya ni Irene.

"Tanda niyo ba nung nagmall tayo?" Tanong pabalik ni Andrea.

Napataas naman ako ng kamay. "Okay, OP here."

"Hindi ka kasi sumama eh!" Pangaasar sa akin ni Ella.

I crossed my arms. "Diba nga sinabi ko na sainyo kung bakit?"

Umepal naman si Andrea. "Hoy! Hoy! Tumigil na nga kayo diyan! Makikinig ba kayo o hindi?"

Napairap naman si Blaire. "Don't bother them they are just KSP." Hahaha! Natatawa talaga ako kay Blaire kapag nagtataray.

"So ayun na nga, habang kumakain kami sa Ice Cream Parlor. May parang nakita si Neil pero hindi ko alam kung ano yun kasi di ko nakita.  Pero may sinabi siyang she's back. Which is weird?" Pagkwento ni Andrea.

Kita kong lumapit ng konti si Ella. "Ikaw din? Ako rin kasi eh nung nagbabayad ako sa cashier may nakita si Chris at sinabing she's back din pero hindi ko tiningnan kung ano yun." Kwento niya.

Nagsalita rin si Blaire. "Even me I heard Gelo said she's back but when I look what he's looking at, I saw a girl." Babae?

"Pareho tayo Blaire may sinabi din si Drake na she's back tapos ayun may nakita rin akong babae." Saad din ni Irene.

"Uhm guys, hindi kaya pare-parehas lang yung nakita ng mga boys?" Tanong ko sa kanila.

Napatango naman sila. "Posible pero baka coincidence lang yun." Sagot naman ni Andrea.

"Baka nga." Pagsangayon pa ni Ella.

"Eto na ang mineral water!" Nagulat kami dun kasi nandiyan na pala sila.

Locker Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon