13

600 51 4
                                    

All rights reserved.
Copyright © 2012 by chureitonct.

•••

8th Day of Agreement (Part 3)

E M I L I A

Nandito pa kami sa school pero dismissal na, kasi magpapaalam muna kami sa barkada na hindi muna kami makakasama sa kanilang magmall kasi diba nga magiisip pa kami ng design para sa event?

Kasabay ko ngayon si Alex papunta sa hang-out place namin.

"Uhm.. Emi, saan tayo gagawa sa amin o sainyo?" Tanong niya sa akin. Napaiwas ako ng tingin dahil bakit ganon ang tanong niya?

"Sainyo na lang diba meron kayong study room." Sagot ko.

"Sige, sa amin na lang. Pero teka, paano mo nalaman na meron kaming study room eh di ka pa naman nakakapunta dun?" Takang tanong ni Alex sa akin.

Shit. Nadulas ako. Alam ko kasi lahat ng detalye tungkol sa kanya. Hoy, di ako stalker kasi maganda ako kaya admirer. Hahaha!

"A-ah kasi si Neil oo tama si Neil na i-kwento niya sa amin nung wala ka." Kinakabahan kong sagot.

Sana kumagat ka sa sinabi ko please! Mahirap na mabuking. Huhu. "Ah okay." Whew! Buti naman naniwala.

Nakarating na kami sa hang-out place namin at nagpaalam. Buti na lang pumayag sila.

Tinext ko yung driver ko na wag na ako sunduin kasi makikisabay na lang ako kay Alex.

Nang makarating kami sa kanila. WOW! Ang ganda ng bahay nila wait scratch it ang ganda ng mansion nila.

"Wow naman, Alex! Ang ganda ng bahay niyo." Manghang mangha talaga ako.

"Ah. Hehe di rin. Tara pasok na tayo." Pumasok na kami at WOW na naman. Ba't ba ang ganda?

May nagsalita na babae siguro na sa mga 30's. "Oh anak, sino yang kasama mo?"

Anak? So it means nanay niya 'to? Hmm. Okay.

"Ah Ma, si Emi po kaibigan ko po." Pagpapakilala sa akin ni Alex.

"Teka? Emi? Diba anak siya yung cru—." Ha? Cru? Ano yun?

Hindi natuloy ng mama ni Alex kasi tinakpan agad ni Alex ang bibig ng nanay niya. Eto talagang lalaking 'to! Di ginagalang ang ina!

"Ah. Hehehe. Oo na. Oh hija, bakit ka napadalaw dito?"

"Ah kasi po gagawa po kami ng design para po sa upcoming event sa school namin. Kami po kasi ang napiling magorganize." Magalang kong sagot.

"Ah okay. Nga pala just call me Tita Kelly ha." Tumango naman ako.

"Ah Ma, gagamitin po namin yung study room." Singit ni Alex.

"Ah sige. Dadalhan ko na lang kayo ng snacks mamaya." Sabi naman ni Tita.

"Salamat po." Pagsasalamat ko.

At umalis na yung nanay—I mean si Tita Kelly. Hehehe.

Umakyat na kami sa hagdan at pumunta sa study room.




A N D R E A

Ano ba yan! Di na naman kompleto ang barkada, wala sina Alex at Emi.

Locker Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon