Chapter 9: Kind Hearted Ics part 2

3.6K 77 1
                                    

PATRICIA P.O.V

"Saan ka galing?" Tanong ko

"Sa labas. Nagpahangin." Ics

"Okeh ayan na pala order natin" ako

Nilapag na ni kuya yung order namin at ilalapag na sana ni Kuya yung bucket of chicken ng napatingin ito Kay Ics.

"Uhh kuya? Ayaw mo bang ilapag yan?" Chloe

"Kuya" tawag ko

Napatingin naman sa kanya si Ics na kanina ay walang pakielam.

"KUYA!" sigaw ni Chloe

Mukhang nabalik naman sa realidad si kuya.

"A-ayy m-mam pasensya na po hehe" sabi ni kuya at muling inilapag ang order namin.

Si Ics naman binalik na ang attention niya sa phone niya at naka smirk pa ito.

Anyare dyan? Nahuli ko naman si Kuya na pasulyap sulyap Kay Ics.

Naks si kuya wahahah

"Kuya baka matunaw kaibigan ko" nakangiting sabi ni Chloe

"Pffftt" pagpipigil tawa ko

"A-ahh s-sge po mam enjoy your meal hehe" sabi ni kuya habang nagkakamot sa batok at unalis na.

Binaba na ni Ics yung phone niya at

"Let's eat?" Tanong niya sa amin

"Yes!" Kami ni Chloe

Tumango naman si Manong. Nag dasal kami at kumain na.

Nang matapos kami kumain. Tumayo na kami at pumunta ng ukay-ukay. Si Manong naman bumalik na sa sasakyan.

"Wwwwooowww! Hihi" sabi ni chloe habang kumikinang kinang pa ang mata.

Minsan talaga si Chloe ang halos makabili ng buong ukay-ukay ehh tsk
Kahit kaya naming bumili sa mamahaling store minsan mas prefer namin sa ukay-ukay dahil mura at makakatipid ka pa.

Namili na kami. Nang matapos kami bumili. Bumili ako ng Dalawang short, isang T-shirt at isang sando.

Si Chloe naman bumili ng tatlong short, apat na shirt, limang sando at may teddy bear pa. Ehh?

Si Ics naman bumili ng isang plain white shirt at black short. Yun lang.

Naglakad na kami papuntang kotse at sumakay na. Nagbiyahe na kami papunta ulit sa pupuntahan namin.

Ngayon hindi na ako natulog. Si Chloe naman nasa kandungan niya si chow at nag lalaro siya sa phone niya ng Piano Tiles.

Si Ics? TULOG! NANAMAN tsk tsk

Tumngin nalang ako sa labas habang umaandar ang sasakyan.

1 hour later

"Young lady! Mam! Nandito na po tayo" nakangiting sabi sa amin ni manong

First time naming sumama kay Ics. Tuwing Saturday and Sunday nandito siya kaya pag gagala kami ni Chloe hindi siya kasama.

Napatingin ako kay Ics at gising na pala ito. Nag park na si Manong. Napatingin ako sa labas at andaming nakaabang. Lalo na mga bata.

LAHAT SILA NAKANGITI wweeewww

Bumaba na kami. Nagtaka sila ng ako at si Chloe ang nakita nila pero ng bumaba si Ics.

"AAAATTTEEE IIIICCCSSSSS!!!!!" sigaw ng mga bata

Tumakbo sila kay Ics. Lumuhod naman si Ics ng naka open arm. Niyakap siya ng mga bata at kini kiss siya sa pisnge.

Napangiti kami dahil sa malapit talaga si Ics sa mga bata. Mabait talaga ito. HINDI NGA LANG HALATA PFFTT

"NAMISS KA NAMIN ATE ICS!" Sigaw nila

ICS P.O.V

"hahahah na miss ko din kayo." sabi ko

"Ate Ics sino po sila?" Tanong nung bata. Napatingin naman yung mga bata kela Chloe at Pat.

"Uhm mga bata sila ang mga kaibigan ko. Siya si Ate Chloe at siya naman si Ate Patricia." Sabi ko

"Hello po" nakangiting sabi nila.

"Nako Nako Ics! Kamusta ka na?" Sabi nung madreng kakarating lang

"Hi po sister Alma. Maayos naman po ako. Kayo po?"Nakangiting sabi ni ko

"Nako salamat naman sa Diyos at ginagabayan ka. Maayos naman kami rito." Nakangiting sabi ni Sister.

"Ahh sister mga kaibigan ko po. Sila Chloe at Patricia" nakangiting sabi ko.

"Ayy welcome sa Mother Mary Orphanage Chloe at Patricia. Welcome kayo lagi dito." Sabi niya

"Salamat po" nakangiting sabi Nila Chloe at Pat.

"Ayy Tara at pumasok tayo" nakangiting sabi ni Sister Alma.

"Sge po sister Una na po kayo. Ipapasok lang po namin yung mga dalang box namin" nakangiting sabi ko

"O siya sige magtatawag ako ng makakatulong sa inyo"sabi ni sister

"Salamat po" kami

Nang mapasok na namin sa loob yung mga box. Pumasok na din kami. Inayos ni Ics yung mga nasa kusina. Akala namin ayy mga pagkain lang ang dala niya ayy hindi pala.

May mga sapin sa Kama. Mga shampoo at sabon. Maraming damit at sapatos at tsinelas. May 4 na Sakong bigas. Binigyan niya din ang mga bata ng mga laruan.

Habang pinamimigay niya ang mga bata nakatayo kami ni Chloe sa gilid dahil kami ang naatasan kanina ni Ics na ayusin yung mga laruan at mga damit nila.

Nakatingin kami Kay Ics na nagbibigay ng laruan at damit. Pag nabigay niya na ikikiss siya ng bata sa pisnge at susuklian naman niya iyon ng isang malaking ngiti.

"Napakabait niya ano?" Nakangiting sabi sa amin ni Sister

"Opo hahaha" kami ni chloe

Ics is really a kind hearted. Kahit cold haha

"Masaya ang mga bata pag nandyan ang ate ics nila. Hindi dahil sa mga laruan o gamit na ibinibigay niya kundi sa ang Turing nila Kay ics ay tunay na ate." Nakangiting sabi ni Sister alma

"Talaga po? Maswerte din po kami dahil nagging kaibigan po namin si Ics." nakangiting sabi ni Chloe

"Sana wag niyo siyang Iiwan dahil masakit para sa kanya ang maiwan ulit. Namimiss na nito ang nanay niya." Malungkot na sabi ni sister alma. Sabay kaming napatingin Kay sister alma.

"A-Ano pong nangyari?" gulat na tanong ko

"Hindi niyo Alam?" Sister alma

"H-hindi po ehh wala po siyang na kwe kwento" sabi ko

"Ahm pasensya na pero hindi ko pwedeng sabihin ito dahil hindi ako ang tamang tao na magsasabi sa inyo niyan. Sge ako'y maghahanda na ng hapunan" sabi ni sister at umalis na.

Napatingin kami ni Chloe kay Ics na nakangiting pinapanood ang mga batang  naglalaro.

Makalipas ang isang oras ay pumasok na kami sa loob dahil kakain na. Kumain na kami at pumunta na sa tutulugan namin.

"Dito na kayo matulog sa kwarto ko. Sama sama nalang tayo" sabi ni Ics

Tumango naman kami ng nakangiti. Akala ko kilala na namin si Ics but I think half palang ng pagkatao no ang alam namin.

"Dito ka natutulog ics?" Tanong ni chole

"Yes" ics

Naligo na kami isa-isa. Nauna si Chloe, ako, at sumunod si Ics. Nagbihis na kami at humiga na. Tabi tabi kami. Malaki naman kasi tong Kama.

"Goodnight guys" sabi ni chloe

"Night" ako at Ics

She Met The PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon