Chapter 53: AKO

1.8K 41 1
                                    

ICS P.O.V

Nagising ako at napatingin sa katabi ko na natutulog pa -_-

Hindi naman yan malikot matulog ehh kaya ayos lang sa akin na katabi ko yan.

Tumayo na ako at naghilamos. Bumaba na ako ay nag luto ng breakfast namin ni Blaire. Nang matapos ako ay nilagay ko na ito sa mesa.

Nag luto ako nang Eggs, Bacon, Tuyo at sinangag. Favorite niyang almusal ang sinangag at tuyo. Kaya for sure na miss na niya yan.

Nag titimpla ako ng kape ng may narinig akong bumababa. Nang nakababa siya ay tinignan niya ako at nginitian.

"Good Morning Ics" bati niya habang naglalakad papunta sa akin

"Morning" nakangiting sabi ko at inabot sa kanya yung kape

"Thanks" sabi niya

"Kain na tayo" sabi ko

Dumiretso na kami sa dining table at natawa ako sa mulha niya. Kumikinang kinang kasi yung mata niya ehh

"Wow!! That's my favorite!" Sabi niya at dali daling umupo.

Umupo na din ako at nagdasal kami. Nang matapos kami magdasal ay kumain na kami.

Siya halos nakaubos ng sinangag. Ang takaw pero hindi naman nataba -_-

Nang matapos kami kumain ay nag prisinta naman siya na siya na daw ang mag aayos kaya hinayaan ko na.

Hindi naman yan bisita ehh -_-

Nauna na akong maligo. Nang matapos ako maligo ay pinatuyo ko na yung buhok ko at nagbihis na.

Nang matapos ako magbihis ay siya namang paglabas ni Blaire sa CR.

Bumaba na ako at inayos yung bag ko.

'Ting'

Kinuha ko yung phone ko na naka charge at tinignan yung nag text.

From: Gray
     Good Morning!!! ^_^

Tsk 

I reply back.

To: Gray
      Good Morning den

Binunot ko na yung phone ko dahil 100% na naman siya. Nilagay ko na sa bulsa yung phone ko at sa bag yung charger ko.

"Tara na?" Tanong ni Blaire na ikinatango ko

P.E kami ngayon ehh

Naka white shirt kami na may logo ng school sa may right ng dibdib, naka black short, socks na dapat white at black rubber shoes.

For girls lang yan. For boys ay katulad lang ng shirt namin, jogging pants na black, white na socks at black na rubber shoes.

Kinuha ko na yung bag ko at tumango. Lumabas na kami at bumaba na. Pag sinara ko naman yung pinto ay matik na na malala lock yun. Kaya dapat hawak ko lagi yung card ng condo ko.

Sumakay na ako sa motor ko. Nagulat ako ng may sinakyan na motor si Blaire. Napatingin naman siya sa akin.

"Pinadala ko dito hehe" sabi niya na ikinatango ko.

(Blaire's Motorbike)

(Blaire's Motorbike)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
She Met The PlayerWhere stories live. Discover now