Chapter 68: Kiss

1.5K 37 3
                                    

ICS P.O.V

"Medyo ibaba mo.... INA MO SUMOBRA! itaas mo ng konti! KONTI LANG!-" naputol yung sinasabi ni AJ ng magreklamo si Tim

"AYUSIN MO KASI!" reklamo ni Tim

"IKAW ANG NANDYAN AKO SINISISI MO! BUTI NGA ISA AKONG MAPAGMALASAKIT NA TAO AT TINUTULUNGAN KITANG PANTAYIN YAN!" sigaw at naka pamewang na sabi ni AJ

"Drama mo tatang! Ayusin mo nalang!" napapakamot sa batok na sabi ni Tim

"Wahahahaha ingay niyo!" tawa ng kambal

Napangiti ako ng makitang nag eenjoy sila sa pag aayos.

Saturday ngayon pero nandito sa school ang mga college students para ayusin ang gagawin nila para sa Foundation week. May mga Horror house, Movie house, at marami pang iba na siguradong mag e enjoy sila.

Naka White shirt, black pants at black rubber shoes lang ako. Naka dun ako pero maging medyo messy ito dahil sa mga baby hair ko.

Lumabas ako at pumunta sa parking lot. Kukunin ko yung Dalawang box sa kotse ko. Nandun yung iba gamit ehh tsaka yung uniform namin.

Nang makarating ako ay binuksan ko yung kotse ko at nilabas muna yung isang malaking box sunod yung maliit. Sinarado ko na ang kotse ko.

Haysst

Binuhat ko na ito. Dahil maliit naman yung isang box ay kita ko pa naman.

Nagsimula na akong maglakad. Bigat -_-

Buti nalang at wala sa taas ang SC room -_-

Napatigil ako ng maramdamang may tao sa likod ko. Binaba ko muna yung box dahil sumakit ang balikat ko.

Lumingon ako

0_0

Napatigil ako ng may naramdamang dumampi sa labi ko pero dampi lang.

"Hi Wife! Namiss kita" naka ngiting sabi niya

"H-Hubby a-anong g-ginagawa mo d-dito?" gulat pa din na tanong ko

H-He kissed me!

Alam kong namumula na ako shit!

Bigla naman siyang nag pout

"Ayaw mo ba akong makita? Tsk" naka simangot na sabi niya pero biglang natigilan.

"Are you okay Wife?" tanong niya at lumapit ulit sa akin at kinapa ang noo at leeg ko. Napaatras naman ako.

"May problema ba? May sakit ka ba? Namumula ka ehh" nag aalalang sabi niya

"I-I'm fine! I'm fine. U-Uhmm s-sge mauna na ako" sabi ko at dali daling binuhat yung dalawang box.

"Tulungan na kita-"

"No! Okay na hehe sge ah bye!" ako at nagmamadaling naglakad

Naka hinga naman ako ng maluwag ng hindi na siya sumunod agad akong pumunta sa SC room at nilapag yung box. Parang hindi ko naramdaman yung bigat ahh tsk ngayon lang

"Ics! Are you okay? You're uhmm.... red?" takang tanong ni Rex

"Are you sick?" tanong ni Kev

"No. I'm fine. Naiinitan lang" pagdadahilan ko. Tumango tango sila.

Pawisan din sila dahil sa nandito kami sa labas at inaayos ang designs. Sa loob naman ay maglilinis muna kami bago namin ito ayusin.

"Okay ba President?" nakangiting tanong ni AJ at Tim.

Napatingin naman ako sa signage na ginawa nila. I smiled then nod. Nag apis naman sila.

She Met The PlayerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora