Chapter 72: You're mine and I'm yours

1.5K 42 9
                                    

ICS P.O.V

"Ano daw ginagawa niya dito?" takang tanong ni Blaire na naka dapa sa kama ko at kumakain ng Chips.

"Tsk I don't know" naka cross arms na sabi ko

Nandito kami ngayon ni Blaire sa kwarto ko. Naikwento ko sa kanya yung tungkol kay Finch.

Isa si Finch sa kaibigan namin ni Blaire.

Mahal ko siya NOON pero hindi na NGAYON dahil iisa lang naman ang mahal ko -_-

"Anong balak mo?" tanong ni Blaire at sumubo ng chips.

"Wala. Wala naman na akong paki sa kanya ehh" seryosong sabi ko. Tinitigan naman niya ako.

"Hmm halata naman" tatango tangong sabi niya. "At isa pa may Gray ka na hahah ano pa bang hahanapin mo dun diba?" tatawa tawang sabi niya

"I agree" nakangiting pag sangayon ko

"Naks haha ngumingiti dahil naiisip si Gray hahahaha inlababo ka na talaga wahahah" tawa niya

"Tsk tingin mo hindi ko nahahalata? Ikaw din naman ehh" naka smrik na sabi ko na nagpatigil sa kanya.

"A-Ano?! S-Seryoso ka? Wahahaha HINDI KO MAHAL SI REX NOHH!" pagtanggi niya

"Tsk wala naman kasi akong sinabing si Rex. Defensive?" mapang asar na sabi ko

"A-Akala ko- CHEE!!" inis na sabi niya at binato ako ng unan na agad ko namang sinalo.

"Uhm Blaire? Sigurado ka na ba dyan sa nararamdaman mo? I mean-"

"Yes. Mahal ko na siya Ics." seryosong sabi niya na nagpatigil sa akin. "Mahal ko na siya kahit feeling ko ikaw pa din ang mahal niya. I fell in love with the man who doesn't love me back." malungkot na sabi niya

Tahimik ko naman siyang tinitigan. She's hurt... and I can see it in her eyes.

"Sorry-"

"Don't be. It's not your fault." mapait na ngiting sabi niya.

"Uhm... i'm not saying this para utuin ka pero hindi ka maghirap mahalin Blaire. Maganda, Matalino, Talented, Mabait... marami pang iba. Sinabi mo na ba?" tanong ko. Umiling naman siya. "Kelan mo balak sabihin?" tanong ko

"I don't know... Natatakot ako ehh baka pag nalaman niya.. palayuin niya na ako" malungkot na sabi niya

"Bahala ka. Desisyon mo yan. Pero sana sabihin mo na agad hanggat maaga pa... baka mamaya kung kelan meron ka nang lakas ng loob na sabihin yang nararamdaman mo... yun yung oras na nakahanap na siya ng iba. Ang takot mo kasi ang nagiging sagabal sa nararamdaman mo. If you really love him... fight for him." seryosong sabi ko at nakikinig naman siya. "Pero wag naman sa puntong magmumukha kang tanga" dagdag ko na kina tawa niya ng mahina.

Hindi ako nag jo joke -_-

"Pano kung hindi niya naman ako gusto? Edi napahiya ako" naka pout na sabi niya

"Oh eh ano? At least na sabi mo yung nararamdaman mo-"

"Okay haha I get it" tatawa tawang sabi niya

"Happy ka noh?" naka simangot na sabi ko dahil tawa siya ng tawa eh wala namang nakakatawa -_-

"Psh ewan" iiling iling na sabi niya. "Thanks" dugtong niya na ikinatango ko.

REX'S P.O.V

Nung time na natitigan ko si Ics...parang may umiba.

May nagbago...

She Met The PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon