Chapter 42: L.A

2.1K 62 8
                                    

ICS P.O.V

Dalawang araw na ang nakalipas simula nung makauwi kami galing camping.

May tatlong araw kaming pahinga. Bukas na yung last day at kinabukasan ay may pasok na ulit kami.

Wala naman akong ginawa nung mga nakaraang araw. Ka text ko na araw araw si Gray. Ewan ko ba dun hindi nauubusan ng kwento.

I have to admit that I really like him -_-

Parang laging nadadagdagan araw araw psh-_-

Ang inaalala ko lang ay si Rex. These past few days ay hindi na kami nakakapagkita. Pag dumadalaw naman ako sa SC room ay wala siya kaya hindi ko masabi. Sinubukan ko ding tawagan kaso hindi nasagot. Ayaw ko naman idaan sa text lang ang gusto kong sabihin.

Kinuha ko yung twalya ko at naligo na. Nang matapos ako maligo ay inuot ko yung bathrobe ko. Nasa loob na kasi ng CR yung bathrobe ko. Sinuot ko ito at nilagay yung twalya sa buhok ko at pinilipit para hindi malaglag.

Dumiretso ako sa walk in closet ko. Kumuha ako ng underwear. Nag suot ako ng white V neck shirt at black short.

Sinampay ko na ang basa kong twalya at bathrobe. Lumabas na ako at nakatayong nagsuklay.

Malamig dahil bukas ang aircon. Kinuha ko yung phone ko at sinagot yung reply ni Gray. Hanggang ngayon ay nag te text kami.

Bumaba na ako para makakaun ng tanghalian. Dumiretso ako sa dining area dahil nakahanda na ang kakainin ko.

Lumapit sa akin si Bea.

"Young lady! Mamayang 8:00 p.m po ang dating ng Dad niyo galing Switzerland." Sabi niya sa akin.

"Okay. Join me." Sabi ko sa kanya.

Tumango naman siya at tumabi sa akin. Kumain kami habang nag kwe kwentuhan. Nang matapos ako kumain ay niligpit na ni Ate Mel yung pinagkainan namin.

Dumiretso ako sa Living room para manood.
.
.
.
.
Napatingin kami sa entrance ng living room ng may pumasok na mga bodyguards. Napatayo ako dahil bodyguards iyon ni Dad.

Nang nakangiti siyang pumasok ay naglakad ako papalapit sa kanya at niyakap siya.

"Hi Princess hehe Na miss kita" sabi niya habang nakayakap sa akin

"Namiss din kita Dad" sabi ko din kay Dad.

Naka hawak ako sa braso niya at dumiretso kami sa Dining area. Kumain kami ng sabay ni Dad kasama ang mga maids and guards sa bahay.

Nang matapos kami kumain ay umakyat na ako at naligo na. Nagbihis na din ako ng pantulog. Naka sandong puti ako at pajama na dark blue.

Nag shower lang ako. Naka messy bun an buhok ko. Bukas ang ilaw dahil nagbabasa pa ako ng libro. Kinuha ko sa library at dito dinala.

'Tok tok'

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok. Bumukas iyon at sumilip si Dad.

"Pwede ba akong pumasok?" Nakangiting tanong ni Dad. Nakangiting tumango naman ako.

Pumasok siya. Nilibot niya ang paningin niya. Naglakad siya at umupo sa tabi ko.

"Kamusta ang school?" Tanong niya

"Maayos naman yung school Dad. Hindi mo na kailangan problemahin yon" nakangiting sabi ko.

"That's good. Thank you haha Ikaw? Kamusta ka dito? Pasensya ka na ah? Marami kasi talaga akong inaasikaso ehh lalo na yung mga business natin." Sabi ni Dad.

"I understand" tatango tangong sabi ko

"Hmm by the way yung company ng lola mo sa L.A ay nangangailangan ng model para sa ilalabas nilang bagong designs. Your grandmother want you to be her model." Sabi ni Dad.

"Hmm Hindi ba pwedeng iba nalang?" Tanong ko

"Your grandmother wants you Irish. Ikaw ang gusto niya kaya wala tayong magagawa. Kilala mo naman ang lola mo." Napapabuntong hininga na sabi ni Dad. "Nasabi ko na sa tita mo ang tungkol dito kaya hindi mo na kailangan pa magalala sa school and teachers mo. Besides, alam ko naman na makakahabol ka sa assignments and seatworks mo. Sa lessons naman ay alam ko naman na ituturo pa lang ng teacher mo ay alam mo na haha matalino kaya yung anak ko." Nakangiting sabi ni Dad.

"Psh Binobola mo lang ako Dad noh? Para sumama ako." Natatawa kong sabi.

"Hindi noh" nanlalaking matang sabi ni Dad. Natawa naman kami.

Bandang huli ay pumayag na ako dahil HINDI ko matitiis si Dad. I love my Dad. Nagkwentuhan pa kami ng konti. Binigay ko sa kanya yung mug na binili ko. Nagustuhan niya yun kahit simple lang.

Hindi talaga nagkulang si Dad sa akin. Kahit maagang nawala si Mom ay pinaramdam niya na siya ang tumayo na nanay at tatay ko. Simula nung mamatay si Mom ay hindi na naghanap ng iba si Dad. Ako lang daw ay sapat na.

Aaminin kong NAPAKA swerte ko kay dad. Umalis na siya dahil inaantok na daw siya. Nag goodnight na ako sa kanya at ganun din siya. Hinalikan niya muna ako sa noo bago umalis.

Naisip ko yung sinabi sa akin ni Dad. Dalawang linggo daw ako dun. Sa araw ng pasok namin ay kinabukasan na ang alis namin ni Dad.

Kasama siya dahil pinapapunta din siya ni Lola dun. Ang lola ko ay si Hellia Franciminida Natividad. Weird ng name niya noh? -_-

Humiga na ako para matulog.

...KINABUKASAN...

Nang matapos ako magbihis ay bumaba na ako. Naabutan kong nag bre breakfast si Dad. Humalik ako sa kanya sa pisngi at umalis na.

May kausap din kasi siya sa phone. Sumakay na ako sa sasakyan ko at nag drive na papunta sa school.

Nang makarating ako sa school ay nag park na ako at bumaba na. Naglakad na ako papuntang classroom. Binabati at kinakamusta ako ng ibang istudyante sa school.

Nang makarating ako sa classroom ay nandun na sila. Umupo na ako sa upuan ko.

"Good Morning Ics!" Bati nila Gray

"Morning" sabi ko

Nag kwentuhan kami. Hanggang sa sinabi ko na yung alis ko bukas.

"WHAT?!" gulat na sabi ni Gray

"Huhu huwaaayyy?" Mangiyak ngiyak na sabi ni Chloe

"Iiwan mo na ba ako Couz?" Drama ni Dave

Natatawa pang si Pat at Seav.

"Ewan ko sa inyo ang drama niyo." Nakasimangot na sabi ko.

"Pfft teka kelan ang alis mo?" Tanong ni Pat

"Bukas ng umaga" sabi ko

"Mamimiss kita Ics" naka pout na sabi ni Gray

"Mamimiss ko din kayo" sabi ko

"Grabe ahh ako lang naman nagsabi nun ehh" lalon humaba ang nguso ni Gray

"Mamimiss din kita" sabi ko habang nakatitig sa mata niya.

"Yiiieeeeehhhhhh" tili nila Pat at Chloe. Napa smirk lang ako dahil namula si Gray.

"Sge na tama na ang drama. Babalik naman ako ehh dalawang linggo lang naman." Sabi ko

"Mag iingat ka dun ah? Wag mo kaming kalimutan pag sumikat ka na." Biro ni Seav

"Psh" ako

Pumasok na si Ma'am kaya tumahimik na kami.

She Met The PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon