HG1

740 5 0
                                    

10 years agooo

Isang malamyos na tinig ng isang lalaki ang aking narinig,Isang tinig na siyang nagpa-alala sa lahat ng mga bagay na nangyari sa "ating" dalawa,Oo sa ating dalawa--hindi ko inaasahan na makikilala pala kita,ang lalaki na nagpaniwala sa akin na 'Ang lahat ng nangyayari sa iyo ay may rason' ,at naaalala mo ba na iyan ang mga katagang sinasabi mo sa akin noon?...ewan ko ba kung bakit palagi kitang naalala? Palagi kong naiisip kung kumusta ka na ba? o kung nasaan ka na kaya? ,Siguro natupad mo na ang mga pangarap mo sa buhay,Sana nga ganun--pero ang pinapanalangin ko palagi ay ,kung nasaan ka man ngayun,Sana masaya ka.

....

Flashback.....

Summer 2017..

"Magbihis ka na Sofia dahil magsisimba tayo dalian mo na dyan at baka mahuli pa tayo sa misa,Naku!!! itong batang talaga to oo"

Naiinis na sabi sa akin ni lola,Napasimangot na lang tuloy ako,eh paano ba naman na hindi ako mapapa-simangot eh sobrang aga pa lang kaya tapos heto at ginising na nila ako kaagad?!,eh halos magfa-five palang ng umaga besh!--siguro kung nasa syudad ako ngayun? Malamang alas dose pa ako magigising,pero dahil pinadala nga ako ng mga parents ko dito sa probinsya ay wala na akong ibang choice kundi ang sundin ang lola ko dahil kung hindi ay baka makurot pa ako nito sa singit..hayss nakakainis kung pwede lang lumayas nito nakoww talaga!


"Bilis na Sofia at baka mahuli tayo makukurot pa tayo nyan ni lola haha"
Sabi naman ng pinsan kong si Therese,Si therese ay dito na rin lumaki at tumira sa probinsya kasama ang aming lola Mathilda,so ang ibig sabihin lang nun ay kilalang-kilala nya na ang ugali ng lola namin..lalo na kapag ka nagagalit! Nagta-transform daw si lola into monster kapag  nagagalit halaaa hahahaha!!!

"Oy sofia dali na dyan"

"Oo na,wait lang diba?"

Tumayo na nga ako at kahit super antok na antok pa ako ng  ay talaga namang nagawa ko pa palang makapunta ng CR

Ayun nga ano po nagsimula na nga akong mag-ayos ng aking sarili at pagkatapos ay nagbihis na nga ako--pero guess what?! Pinagalitan parin ako ni lola!

"Bakit ganyan ang suot mo? Magsisimba tayo hija at hindi tayo pupunta sa sayawan,halaa palit!"

Halos mapa-ngiwi naman ako sa sinabi ng aking lola,teka nga muna? Ano bang mali sa suot kong short at off shoulder? Ang fashionable kaya nito?

"Therese pahiramin mo nga tong pinsan mo ng bestida,"
Sigaw ni lola

Mabilis namang sumunod si Therese at pagkatapos ay inabutan nya ako ng kulay puting bestida,Napanganga na lang tuloy ako sa pagkagulat!

"Ano to?"

"Malamanh bestida iyan ang susuotin mo kaya bilisan mo na," sagot ni Therese na halatang naiinis na rin sa akin. Pake ko ba? Sige magalit na silang lahat saken!

Napairap na lang ako dahil sa pagkainis ko rin sa kanilang lahat,pumasok na lang ulit ako sa CR at saka nagpalit ng damit..sinuot ko na nga yung puting bestida na pinahiram sa akin ni Therese and guess what?! Nag-mukha akong white lady,kaloka!

Hayynaku kaylan ba ako makaka-alis sa lugar na to?! Ni cellphone or any gadgets kinuha nila sa akin!

So ano na?

I wanna go home naaaaa,pero paano?

.....

Pagkatapos ng pag-aayos naming magpipinsan sa aming mga sarili ay tinawag na kami ni lola para sumakay sa karuwahe,djk haha--naka-motor boat naman kami kasi yun daw talaga ang pinaka-main transportation dito,  kasi tatawid muna kami ng dagat para makapunta doon sa kabilang isla kung saan nakatayo ang  simbahan ng Sta.Monica.

Island by island kasi ang sistema dito mga ateng kaya nakaka-haggard!!

Ahhh gets ko na rin...kaya pala dapat maaga kaming gigising kasi halos kalahating oras din pala ang byahe magmula sa bahay nila lola papunta sa simbahan ng Sta.Monica.

KALOKA!!!

.......

Habang nasa byahe kami ay naririnig ko ang ilang usapan ng mga pinsan ko na meron daw bagong server sa simbahan,Ano ba yung server? Hayys,bakit sobrang excited silang lahat sa server na yun? Pagkain ba yun? baka nga kasi malapit na rin ang fiesta dito e..hayss nagutom tuloy ako.

Pagkatapos ng kalahating oras ng byahe ay nakarating na nga kami sa simbahan at dahil linggo ngayun ay marami nga ang taong dadalo sa misa,karamihan ay mga bakasyonista rin katulad ko at ng ilang pinsan ko na taga-maynila rin.... habang yung iba naman ay mga taga-dito lang rin sa Isla.

"Pumasok na kayo sa simbahan dahil may pupuntahan lang ako saglit"
Utos ni lola sa amin,Actually lima kaming kasama nya ngayun,apat kaming babae at isang lalaki na si Kuya Hector,Si kuya hector nga pala ay kuya ni Therese pero ang ipinagtataka ko nga lang ngayun ay kung bakit ganyan ang suot nya? Nakaputing bestida rin sya tapos may color red sa baba? Ano yun? Ewan ko pero gusto kong tumawa hahahaha

"Oh Therese ikaw na bahala sa mga pinsan mo ah may pupuntahan lang kami ng kuya mo"
Sabi ni lola kay Therese.

"Sige po lola"
Sagot naman ni therese at pagkatapos ay umalis na si lola kasama si Kuya Hector.

"Oh hali na kayu pasok na tayo sa loob dahil  baka maubusan pa tayo ng upuan "
Utos sa amin ni Therese and sinunod naman namin sya kaagad,Masunurin kami eh lol!

Pagkapasok pa lamang namin sa simbahan ay halos mamangha naman ako sa structure at design ng simbahan sobrang ganda kasi eh classic yung datingan at ma-fe-feel mo talaga ang peace..Ewan basta ganun yung dating sa akin.

Pagkaupo namin ay natigil sa paguusap-usap yung dalawa ko pang pinsan na sina ate Jia at ate Winona,bawal ata maingay dito e so shut up na rin ako.

Pero dahil medyo napa-aga ang pagpunta namin sa simbahan ay nagpaalam muna ako kay Therese na mamamasyal sa labas sasamahan nya pa nga sana ako eh kaso di na ako pumayag--gusto ko namang mapag-isa no.

"Basta,wag kang lalayo Sofia at tsaka wag kang pahu-huli sa misa"
Pa-alala sa akin ni Therese for the sixth times--grabe mukha ba akong bata na maliligaw na lang bigla? E ang liit lang naman ng lugar na to e,No worries I can manage myself duhh!

"Oo na okey? Oh sya na ba-bye!"
Sabi ko baka kasi magpalit pa sya ng isip e tapos di pa ako payagan.

Ayun lumabas na nga ako ng simbahan at saka nagsimulamg maglakad-lakad alangan namang gumapang ako diba? Hayys ang corny ko talaga kaya ako hiniwalayan ng boyfriend ko e,Ang tanga-tanga ko!

me konting drama mamsh :(

The most happiest GoodbyeWhere stories live. Discover now