HG ending

269 5 0
                                    

Pagkatapos ng misa ay mabilis na akong lumabas at umalis para pumunta sa banyo upang mailabas ko naman kahit papa-ano ang lahat ng emsyon na kanina ko pa tinatago at pinipigilan.

Bakit ba ako nagkakaganito? Hindi ba dapat maging masaya na ako dahil natupad nya na ang kanyang mga pangarap?

Grabe sobrang tagal ko rin inisip kung ano bang ibig sabihin ng pangarap nya,kung anong klaseng pangarap ba ang magsilbi na sinasabi nya nung mga bata pa kaming dalawa....

Pero ngayun ay naging maliwanag na nga sa akin ang lahat.

Pangarap nya palang mag-pari.

Bakit ba ako umasa na magkakatuluyan kaming dalawa? Bakit ba ako umasa na kapag muli kaming magkikita ay maipagpapatuloy namin ang naputol naming pagtitinginan sa isa't-isa?

Pinunasan ko ang mga luha ko at ng masiguro ko na wala ng bakas ng pag-iyak ko kanina ay nagpasya na akong lumabas doon,Naglakad na ako para puntahan sina ate winona nang bigla na lamang may tumawag sa pangalan ko.

"Sofia"

Isang pamilyar na boses na matagal ko ng gustong madinig.

Lumingon ako at nakita ko si Sebastian na nakatayo habang nakangiti ng  matamis  na syang dahilan upang lumabas ang biloy sa kanyang mga pisngi.

"Sebastian"
Naisambit ko

"Sofia sampung taon na pala,kumusta ka na?"

Habang nakatingin ako sa kanya ay tila bumalik ako sa nakaraan,Dahil yung unang beses kaming pagkikita ay dito rin mismo sa lugar na ito.

At di ko na nga ulit napigilan ang sarili ko--Umiyak na ako,nahihiya ako sa kanya.

Nakikita ko sa mga mata nya yung sakit na ginawa ko,Mukhang masakit parin ang loob nya sa ginawa ko 10 years ago.....at kahit ako ay galit na galit din sa sarili ko!!!

"Hindi ka manlang nagpa-alam," sabi nya sa akin,dahilan para mapayuko na lamang ako habang humihikbi...Hindi ko na sya kayang tignan dahil nako-konsensya ako sa ginawa ko!!!

"Sofia alam mo bang hindi kita sinukuan? Hinabol kita sa pier,Hinanap kita sa Maynila,pero di kita naabutan at nakita,"

Hindi ako naka-imik.....di ko na talaga alam ang sasabihin ko.

Nagpatuloy sya kanyang pagsasalita.

"Tama nga pala ang sinabi ni tito George sa akin noon,Ang sabi nya kasi sa akin na may mga bagay daw talaga na kailangan sukuan,kaya Sofia patawarin mo ako kung tumigil ako sa paghahanap sa iyo,pero sana malaman mo na hindi kita sinukuan........

Talagang may ibang bagay lang na kahit hindi mo inaasahan ay nakatakdang mangyayari ,mga bagay na tanging Diyos lang ang may hawak at may alam....

Mga bagay na kahit ako mismong  ay hindi ko nagawang kontrahin at pigilan,at yun ay ang pagsisilbi ko bilang pari."

sabi nya habang nakayuko na rin habang nagpupunas ng panyo sa mga mata nya.

Para akong sinasaksak ng paulit-ulit dahil nakikita ko sya ngayun na lumuluha!

"Patawad Sebastian," iyan lang ang tanging lumabas sa bibig ko habang umiiyak pa rin.

Lumapit sya sa akin at ngayun ay magkaharap na kaming dalawa,gusto ko syang yakapin pero nag-aalangan ako....Napatawad nya na kaya ako?

Inangat ko ang ulo ko dahilan para magtama ang mga mata naming dalawa...Ang mga matang iyon na sampung taon ko rin na-miss na makita.

"Kumusta na Sofia?,"
Tila sa isang iglap ay nagbago ang atmospera,gumaan dahil ngumiti na ulit sya.



The most happiest GoodbyeWhere stories live. Discover now