HG5

220 1 0
                                    

"Oh malapit na pala ang fiesta,pupunta ba kayu sa pasayaw sa plaza?"
Excited na tanong sa akin ni ate Winona pero dahil wala naman akong interes sa mga ganyang bagay ay hindi na lang ako umimik.

"Bakit ang KJ mo Sofia sayang naman balita ko dadalo daw si Sebastian sa pasayaw"

"Talaga ba Winona? Naku! mukhang pagkakaguluhan nanaman sya ng mga babae nyan"
Sabi ni ate Jia sabay hagik-hikan nilang dalawa.

Dahil naiingayan na ako sa usapan nilang dalawa ay nagpasya na lang akong pumasok sa kwarto ko.

"Ikaw lang ang tumawag sa pangalan ko na nagpangiti sa akin ng ganito,Salamat Sofia?"

"Ikaw lang ang tumawag sa pangalan ko na nagpangiti sa akin ng ganito,Salamat Sofia"

"Ikaw lang ang tumawag sa pangalan ko na nagpangiti sa akin ng ganito,Salamat Sofia"

"Tumigil ka na please!"

Sigaw ko sabay hampas ng unan sa ulo ko hindi kasi ako tinatantanan ng mga salitang sinabi sa akin ni Sebastian noong nakaraang linggo eh.

At napaginipan ko pa talaga sya kagabi and pakiramdam ko--mababaliw na nga ako.

"Oh anong nangyari sayu Sofia?"
Tanong sa akin ni Therese,Nakalimutan ko palang isara yung pinto.

"Eh kasi yung Sebastian na yun e"

"Ha? Oh nagaway nanaman ba kayu? Diba sabi ko sayu mag-sorry ka na sakanya? Naku naman Sofia," sabi ni Therese sabay upo sa kama ko.

"Eh sino ba kasi yung lalaki na yun?"
Tanong ko Kay Therese,Ewan ko sa sarili ko pero nitong mga nakaraang araw na ito ay nagsisimula na akong ma-curious sa kanya aa lalaking nangangalang Sebastian  na sobrang cute ngumiti! mygash!

"Umamin ka nga Sofia,crush mo ba sya?"
Pangangantyaw naman ni Therese sa akin,Nagiging close na rin kaming dalawa ni Therese kaya okey lang na kantyawin nya ako kasi nasanay na ako sa halos 3 weeks kong pamamalagi dito sa probinsya.

"Di no basta sino ba kasi sya?"

"Hmm si Sebastian ay bagong altar server ng Sta Monica parish,Sa katunayan ay pamangkin sya ni father George"

Owww pamangkin pala sya ni father?

"Yun lang ba ang alam mo?"

Tumango-tango si Therese at saka nagpaalam na sa akin na aalis na daw sya para sundin yung binilin ni lola.

Kaya heto naiwan nanaman ako kasama yung paulit-ulit na boses na naririnig ko sa utak ko.


"Matutulog na lang ako"

Pero baka mapaginipan ko naman sya kaya I decided na magsulat na lang sa diary ko.

And tungkol kay Sebastain ang naging entry ko. Huhu ano na kaya itu?!!!!



.....

5 weeks later...

Sobrang tagal na rin pala ng pag-stay ko dito sa probinsya pero ang kakaiba nga lang sa akin ay nagsisimula na akong mag-enjoy sa mga activities na ginagawa ko lalo na sa simbahan,Marami na rin akong nakikilalang mga tao at nagiging kaibigan ko na rin sila--tsaka mas na-a-appreciate ko na yung talent ko kasi marami akong compliments na natatanggap na halos di ko manlang narinig sa mga kaibigan ko noon at miski na sa mga magulang ko.

Kumusta na kaya sila? Siguro divorce na silang dalawa--hindi ko lang talaga alam kasi tinatago naman talaga nila yun sa akin!

Kumusta na rin kaya yung mga kaibigan ko malamang nasa ibang bansa sila at nagpapakasarap.

Kumusta na rin kaya yung ex ko? Siguro masaya na sya sa babae nya.

Napa-buntong hininga na lamang ako dahil sa mga naiisip ko ngayun,Kasalukuyan pala akong naririto sa may simbahan,
Maaga pa kasi kaya nagkaroon pa ako ng oras na makapag-isip-isip sa mga bagay-bagay na nangyayari sa buhay ko ngayun particular na sa mga problema napapaisip tuloy ako na kung totoo ba talaga na may Diyos dahil kung totoo sya,Bakit nya hinahayaang mangyari ang lahat ng ito sa akin,Hindi nya ba ako mahal? diba sabi nila mahal tayo ng Diyos? Pero bakit di ko maramdaman!

Lahat na lang problema....Masaya ako ngayun pero kailangan ko namang umiyak sa susunod...bakit ganun no?
Hindi ba pwedeng masaya na lang palagi tapos walang problema.hayy



Ilang sandali lang ay namalayan ko na lang ang pagpatak ng luha ko,pero bago ko pa man yun magawang punasan gamit ang sleeve ng suot ko ay isang panyo ang inabot sa akin ng isang lalaki.

Si Sebastian .

"Ito ang ipunas mo,Sige na"
Sabi nya pero di ko yun tinangap.

"Bakit ang tigas ng ulo mo?," Natatawang tanong nya tapos pinunasan nya na lang bigla yung luha ko, halos mapa-nganga naman ako dahil sa ginawa nya.

"Ano ba sebastian," Saway ko sakanya.

"Cute talaga ng pangalan ko kapag ikaw ang tumatawag dun," sabi nya sabay ngiti.

"Bakit ka ba nandito? Diba dapat nag-aayos na kayu para sa mass mamaya?"

"Tapos na,kanina pa--actually si Hector ngayun ang mag-se-serve"

"Okey..sige aal-"

"Iniiwasan mo ba ako? Pwede mo namang sabihin sa akin ang mga problema mo e baka matulungan kita,"He said.

"Naniniwala ka ba sa Diyos?"
Diretsang tanong ko,Napakunot-noo naman sya dahil sa tanong ko .

"Syempre naman,bakit mo naman natanong yun?," balik tanong ko sa kanya,Naupo na rin sya sa tabi ko.

"Ako kasi parang hindi e"

Mas lalong nangunot ang noo nya dahil sa sinabi ko

"Ha? Bakit? "

"Kasi kung totoo sya,bakit may mga problema pa tayo? Diba mahal nya tayo so bakit nya hinahayaan nya pang mangyari sa atin ang lahat ng ito?"

Umayos ng pag-kakaupo si Sebastian at saka tumingin sa aking mga mata.

"Makinig ka sa akin Sofia,May isa lang akong sasabihin sayu....

Lahat ng nangyayari sa ating buhay ay may rason"

So dahil sa sinabi nya namang iyon,ay ako naman yung napangunot-noo,Ano bang ibig nyang sabihin? Ano bang rason yun?! Bakit kailangan kong magdusa ng katulad nito?!

"Malamang iniisip mo kung ano ba tong sinasabi ko sayu,Ang nais ko lang sabihin sa iyo ay sa lahat-lahat ng mga pinagdaraanan natin ngayun ay may rason na kaakibat,kung magiging matatag ba tayo at mananalig sa kanya na di nya tayo pababayaan o mawawalan tayo ng pananalig kagaya na lamang ng nangyayari sa iyo ngayun..di natin alam na sa mga problema natin ay aba! malay natin trials ito para sa faith natin magiging matatag ba tayo o hihina...pero iisa lang ang sigurado ako,Na sa lahat ng mga problema na pagdaraanan natin ay may Diyos tayong kasama hindi natin to mararanasan kung di natin to malalagpasan,Manalig ka sa kanya Sofia"
Sabi ni Sebastian na sobrang sincere na sincere talaga ang dating sa akin,and somehow ay tila isang milagro na napangiti na lang ako at nagkaroon ako ng pag-asa na kakayanin ko nga ang lahat ng ito.

"Salamat Sebastian"
Sabi ko sakanya

"Palagi lang akong nandito kung kailangan mo ako"

Napangiti ako sa sincerity sa mga mata nya nung sinabi nya ang mga salitang kahit kaylan ay di ko pa nadinig sa kahit na sino.

"Salamat Sebastian"

"Oh sige kita na lang tayo mamaya"
Sabi niya at pagkatapos ay  umalis na sya.

Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa mawala na sya sa paningin ko at sa pagkakataon na iyon ay saka ko lamang naramdaman ang pagkahanga sa isang lalaki hindi dahil sa physical na anyo kundi dahil sa
mga salitang narinig ko mula sa kanya.

Mula sa kabutihan ng puso nya.

The most happiest GoodbyeWhere stories live. Discover now