HG9

172 1 0
                                    

"Ano to?!!!"

Halos magulat ako nang makita ko ang nakangiting si Sebastian na siyang may kagagawan ng lahat ng ito!

Halos di nya na nga mapigilan ang matawa dahil sa naging reaksyon ko kanina..at hindi ko rin alam kung magagalit ba ako o kikiligin sa pinag-gagagawa nya!.

"Mamatay na ako sa takot e!"
Sigaw ko sakanya habang hinahampas ko sya sa dibdib nya.

"Sorry na.."
Malambing na sabi nya at saka nya ako niyakap.

Ito ang unang pagkakataon na niyakap nya ako,at di ko na alam ang i-re-react ko kasi talagang sobrang lakas ng tibok ng puso ko at natatakot akong maramdaman yun ni Sebastian.

Natatakot akong maramdaman nya ang kaligayahan na nararamdaman ko sa mga pagkakataon na magkayakap kaming dalawa. Ayoko na lang matapos to.

.....

Dinala pala ako ni Sebastian sa likod na part ng Isla pag-ibig at masasabi kong mas maganda ang view dito ,kitang-kita kasi dito ang magandang hugis ng buwan at ang mga bituin na nagsisilbing liwanag sa dilim.

"Bakit mo ako dinala dito Sebastian?"

"Wala lang gusto ko lang kasing makita mo to,gusto ko kasing mas maging espesyal ang gabing ito para sa ating dalawa
Sagot nya habang nakatitig sa akin ang kanyang nga mata

Inaya nya akong maupo doon sa telang naka-lapag sa buhanginan at saka kami nahiga doon,pareho naming pinagmasdan ang mga bituin at saka kami nag-kwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay na di namin madalas mapag-kwentuhan.

"So ano bang pangarap mo sa buhay?"

Out of nowhere ay tanong ko sa kanya

"Ang magsilbi,"He answered while smiling at me.

Napaisip naman ako sa sagot nyang iyon..ang dami ko ng pangarap na narinig mula sa ibang tao pero ang sa kanya lang ang pinaka-kakaiba.

"Ikaw? Ano naman ang pangarap mo sa buhay?"
Balik tanong nya sa akin.

"Gusto kong manatili dito sa tabi mo"

"Oy Sofia hindi ka na nagsasalita dyan"

"Hayys sorry,hmm di ko pa alam kung anong gusto ko e,"
Sagot ko sabay labi.

"Okey lang yan soon malalaman mo rin ang talagang inaasam ng puso mo,basta isama mo lagi ang Diyos sa lahat ng mga pangarap mo at tiyak na maaabot mo yan"
Sabi nya sabay lipat ng tingin sa akin.

Habang panay na ang kwentuhan naming dalawa ay bigla nya akong inaya na tumayo para gumawa ng bonfire,syempre na-excite naman akong gawin yun so pumayag na ako.

"Galing! Nagawa rin natin"
Masayang sambit ko habang nakatingin sa bonfire na kakatapos lang naming magawa.

Ewan ko pero dream ko rin to na makapag-bonfire sa may tabing-dagat,and feeling ko ma-che-check ko na rin yung no.4 goal ko sa aking bucket list!

At dahil sa sobrang kaligayahan ay bigla kong nayakap si Sebastian ng sobrang higpit!

-.-

O.-

-.O

-.-

O.O

Awkward na napakalas ako ng yakap sa kanya pero na-shock na lang ako nang hawakan nya ako sa kamay ko...at ang kasunod noon ay ang pagkanta nya.

Kumakanta sya habang nakatitig sa akin ang kulay tsokolate nyang mga mata ,Ang mga mata na sa tuwing pinagmamasadan ko ng mas malapitan ay tila isang magnet na nagiging dahilan para gumuhit ang ngiti sa aking nga labi.

"Sofia pwede pa kitang maisayaw?"
Tanong nya sa akin habang nakalahad ang kanyang palad sa akin.

Napatingin ako sa mukha nya at sa di ko inaasahang pagkakataon ay nagawa ko palang haplusin ang kanyang pisngi ng di ko namamalayan.

"Sy-syempre naman Sebastian"
Sagot ko sabay alis ng kamay ko sa pisngi nya

"Kinis ng mukha ko no"
Pangangantyaw nya sa akin na sabay naman naming tinawanang dalawa.

Hinawakan nya ang ang mga kamay ko at nagsimula na kaming sumayaw sa kailaliman ng buwan at mga bituin na syang magsisilbing saksi sa pinaka-espesyal na moment ng buhay ko.

Sebastian started to sing para magsilbing music namin habang sinasayaw nya ako,Sinabayan ko naman sya sa pagkanta

Too good at goodbye yung kinakanta naming dalawa at ito rin ang parehong musika na una naming kinanta ng sabay noong unang araw ko bilang myembro ng choir sa parish nila.

Sobrang kaligayahan ang bumalot sa aking puso sa tuwing makikita ko ang biloy sa mukha nya kapag ngumingiti sya..sobrang ang adorable lang kasi ng ngiti nya,pakiramdam ko tuloy ayoko ng matapos pa ang gabi na ito.

Ayoko na lang umalis,pero di pwede...Hindi pwede.

Natapos ang gabi na iyon ng masaya,pero ng matapos iyon ay tila bumalik ako sa realidad,Realidad na aalis na ako at maaring di ko na ulit sya makita kaya dahil doon ay hindi ko na napigilan pa ang umiyak at yakapin sya sa kahu-hulihang pagkakataon.

This is my way of goodbye that my lips cannot utter anymore.

...

The most happiest GoodbyeWhere stories live. Discover now