HG7

177 1 0
                                    


Fiesta!!!!

Madami ng tao sa labas,Marami na rin ang mga bisitang dumarating sa bahay ni lola pero kahit may nangyari sa pagitan namin ng mga magulang ko kahapon ay nagawa ko paring lumabas ng kwarto para kalimutan yung nangyari sa pamamagitan ng paglilibang, pero yun nga lang ay hindi kami nagpapansinan.

Siguro desidido na talaga silang maghiwalay at wala na nga akong magagawa sa desisyon nila na yun,Nananalangin na lang ako na sana maliwanagan pa ang mga puso't isipan nila na sana may natitira pa silang pagmamahal sa isa't-isa.

"Oy okey ka na ba Sofia?" Tanong sa akin ni Therese nang makita nya akong lumabas ng kwarto ko..Nagulat rin ata sya e.

"Okey na ko"
Sagot ko sakanya.

"Sayang di ka sumama sa sayawan kagabi pero okey lang kasi mamaya meron pa ulit--Sumama ka na pleasee,diba uuwi ka na rin naman bukas sa maynila? Sige na pagbigyan mo na tong invitation ko oh"
Pangungulit ni Therese sa akin.

"Therese halika may sasabihin ako sa yo daliiii"
Sabi ko sabay hila sa kanya papunta doon sa garden.

"Oh ano ba yun? Bigla-bigla ka namang naghahatak dyan "

"Diba uuwi na nga ako bukas? Please sana di muna malaman ni Sebastian na aalis na ako."

"Ha? Bakit ayaw mong malaman nya? Tsaka,wait lang umamin ka nga muna sa aking babae ka--kayu na ba ng altar server na yun?!"

Mabilis ko namang tinakpan ang bibig ni Therese kasi baka may makarinig sa amin e lalong-lalo na si lola.

Ilang sandali lang rin ay inalis ko na rin yung kamay ko doon..babaho e, djk!

"Hindi kami! basta ayoko lang na malaman nya kasi ayokong masaktan..."

"Ha? Sinong masasaktan? Ikaw o Sya? At tsaka bakit ka naman masasaktan? At tsaka bakit naman sya masasaktan kung hindi naman pala kayung dalawa? Ang gulo mo Sofia ah"

Opo madaldal po talaga si Therese,nagulat nga rin ako sa attitude nya na yan eh akala ko kasi hindi haha

"Hayys hindi naman kasi sigurado kung makakauwi na ako bukas kasi balak ko sana na dito na ipagpatulogy ang pag-aaral ko,kaya nga lang ang problema ay kailangan ko munang kausapin sina mama at papa tungkol sa desisyon ko"

"Ahh gets okey walang problema"

Buti naman at nagets nya,sana lang talaga ay di madulas ang dila nya.

"Salamat"

Pagkatapos ay bumalik na kami sa loob para tumulong sa pag-se-serve sa mga bisita pero laking gulat ko naman ng makita ko sina father na siya palang bisita namin ngayung araw-actually kasama pa nila yung ibang mga altar server ng parish at oo kasama rin nila si Sebastian.

"Sofia dalhin mo nga itong salad doon sa mesa nina father George"
Utos sa akin ni tita Helen.

"Ahh o-okey po"

Kinuha ko na yung salad at saka naglakad papunta sa mesa na kinaroroonan nina father George at nina Sebastian.

"Father salad ho"
Sabi ko at saka ko inilapag ang Salad sa mesa.

"Ayy naku Salamat hija mukhang napaka-sarap niyan,Salamat sa pagimbita ninyo sa amin and happy fiesta sa inyo"
Magiliw na sabi ni father George na sinagot ko lang ng isang matamis na ngiti.

Aalis na sana ako ng tawagin ako ni Sebastian.

"Sofia"

Lumingon naman ako at saka ko sya nakitang nakangiti.

"Salamat"
Sabi nya sa akin at sinagot ko nanaman yun ng isa ring ngiti.

Tipid na rin kasi akong magsalita ngayun kasi namo-mroblema parin ako tungkol sa paghihiwalay ng mga magulang ko,hangang ngayun kasi ay nabo-bothered parin ako sa mga nangyayari.

The most happiest GoodbyeWhere stories live. Discover now