HG11

187 1 0
                                    


Malalakas na pag-katok sa pinto ang gumising sa akin,Mabilis akong tumungo doon at saka binuksan ang pinto..Sa katunayan ay napuyat ako dahil di ako nakatulog kagabi dahil sa sobrang kilig,Oo inaamin ko na kinikilig ako kay Sebastian ,kinikilig ako sa ngiti nya,kinikilig ako sa boses nya,kinikilig ako sa mukha nya,kinikilig ako sa lahat ng bahagi ng Alatar Server na nangangalang Sebastian.


Hanggang sa hindi ko namalayan na may kumakatok na pala sa pinto ng kwarto ko, hindi ko masyadong nadinig kaagad kasi nakatalukbong ako ng kunot habang pinipigilan ang impit na pagtili ko.








Toktok!!!!







"Sofi anak,please open the door hija"

Para akong lumulutang sa hangin habang naglalakad ako papalapit sa may pinto,at nang nabuksan ko yun ay laking gulat ko nang makita si mama at papa na nakatayo doon habang nakangiti sa akin..Akala ko umawi na si Papa?


"Ma,Pa?"

Umiiyak na lumapit sa akin si mama at saka ako niyakap...Mas na-shock ako mamsh! Pero mas nadagdagan ang saya ko nang maramdaman ko ang yakap ni mama.

"Patawarin mo kami ng papa mo anak,Mahal na mahal ka namin anak,We realize na tama ka nga na mahal pa nga namin ang isa't-isa kaua heto kami ngayun at sinasabi sa iyo na aatras na namin ang balak naming paghihiwalay gusto naming ayusin ang pamilya natin,"

Para akong nananaginip,mahina ko munang tinampal ang aking pisngi para siguraduhin na di ako nananaginip,pero tama nga totoo ngang nangyayari ito!

"Anak,aayusin natin ang pamilya natin,Hindi pa naman huli ang lahat diba?," Sabi naman ni Papa sa akin habang nakangiti at lumuluha.

Niyakap nila akong dalawa kaya tuluyan na akong naiyak.

Sinong mag-aakalang nangyayari to ngayun? Salamat Panginoon the best ka talaga.

Ilang sandali lang ay kumalas na kami sa pagkakayakap,humarap sa akin sina mama at papa at saka masiglang nagsalita.

"Sige na anak magimpake ka na dahil uuwi na tayo balak din namin ng papa mo na sa US na tayo titira para makapag-simulang muli"

Natigilan ako sandali....

Aalis na ba ako ngayun?  

Paano na lang si Sebastian kung aalis na ako? Pero paano naman ang pamilya ko?

Sinong pipiliin ko?

End of flashback

........

Present day after 10 years...

"Sofiaaaaa!"
Isang malakas na pagsigaw ang aking narinig mula sa kung saan.

Nang makita ko kung sino yun ay halos mapasigaw na rin ako sa sobrang saya.

"Therese!!"

Nang makita ko si Therese ay mabilis kaming nagyakapan dahil sa sobrang pagkamiss namin sa isat-isa .

Marami na ang nagbago kay Therese,mas lalo syang gumanda at nag-mature na rin haha... at ang talagang napansin ko kaagad kay therese ay ang karga nyang isang cute na cute na batang lalaki.

"Oys ang pamangkin ko"
Masayang sabi ko sabay halik sa noo ng bata na parating naka-smile sa akin.

"Tara na! Punta na tayo sa bahay,naku!Nakaka-excite naman ngayung pista! Kompleto na tayo ulit sayang nga lang at di na to naabutan pa ni lola Mathilda."
sabi ni Therese,Oo matagal ng pumanaw si lola at na-gi-guilty ako na di manlang ako naka-uwi mula sa amerika nung libing nya

The most happiest GoodbyeWhere stories live. Discover now