Mata at Paa

19 0 0
                                    

Ipinikit ko ang aking mga mata.
Malalaking butil ng ulan ay aking dinadama.
Humahapyaw ang hangin sa aking mga pisngi.
Unti-unting nanginginig ang aking mga labi.

Ipinikit ko ang aking mga mata.
Biglang may imahe akong nakikita.
Isang babaeng may kasingkitan ang mga mata.
Ang kanyang mga labi ay namumula.

Ipinikit ko ang aking mga mata.
Tinatanong ko kung sino siya.
Pero hindi man lang siya nagsasalita.
Tila kasing tigas siya ng isang estatwa.

Ipinikit ko ang aking mga mata.
Sinubukan kong hawakan ang mga kamay niya.
Pero bakit tila lumalayo siya?
Ayaw niya bang lapitan ko siya at magpakilala?

Ipinikit ko ang aking mga mata.
Ramdam kong humahakbang ang aking mga paa.
Ramdam kong hinahabol ko siya.
Ramdam kong mawawaalan ako ng hininga.

Ipinikit ko ang aking mga mata.
Ulan ay tila nagmumula sa aking mga mata.
Naglalabo  ang aking mga mata.
Nagiinit ang aking mga mata.

Ipinikit ko ang aking mga mata.
Tinatanong ko sa sarili kung bakit hinahabol ko siya?
Tinatanong ko sa sarili kung ilan beses ko na bang ipinikit ang aking mga mata.
Sino ba ang babaeng ito na nagpapasakit sa aking mga paa?

Isinulat ni PlatitoPenitente (este tinype.)
June 14 , 2016
7:03 PM
Inaalay ko sa kaklase kong si Kim H.O

Mga Tula Ni TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon