Deep Rest

18 0 0
                                    

Hindi ko alam kung kaya ko pa,
Basta ang alam ko ay kanina pa ako nakabulagta,
Nakatingin sa kalangitan,
Pinapanood ang mga nakasilip na tala,
At sinisikap na huhupa ang aking mga luha.

Hindi ko alam kung babangon ba ako,
O hahayaan ko nalang na lamunin na ako ng impyerno,
Titig na titig ako sa maulap na kalangitan,
Nagbabakasakaling maulanan ako ng kaunting kabutihan,
Pero ni isang patak ng ulan, wala akong maramdaman.

Sino ba ako?
Yan ang tanong gumugulo sa isip ko.
Ako'y labing pitong taong gulang na,
Pero bakit sinasabi ng iba ay tila musmos ako kung magsalita,
Malabo nga bang makilala ko ang nakahigang binata?

Ipinikit ko ang aking mga mata,
Dinadama ang hihip ng hangin mula sa hilaga,
Bawat huni ng mga kulilig at palaka ay aking pinapakinggan,
Kinakamot ko ang aking bilog na bilog na tiyan,
Kasabay ng pagpapahirap sa akin ng isang munting langgam.

Bawat buntong hininga ko ay katumbas ay katanungan,
Mga katanungan walang tiyak na kasagutan,
Mga kasagutan hindi ko makikita sa aking kaisipan,
Mga kaisipang maari ko lamang makita sa aking mga kababayan,
Pero meron nga bang pakielam sa akin ang kinagisnan kong bayan?

Ang tingin ng nakakarami sa akin ay itim na usok,
Usok na mapanganib sa darating pang henerasyon,
Bakit hindi ba ako ganoon kaimportante sa lupaing ito?
Kung kaya panay ang tanggap ko ng napakaraming regalo,
Pero naglalaman naman ay matatalim na kutsilyo.

Gulong-gulo na ang isip ko,
Pati ang buhok ko ay naidadamay ko na sa aking pagiisip ng todo,
Kaya minabuti ko nalang na hablutin ang bagay na nakaipit sa aking pantalon,
At tinitigan ito ng mabuti para malaman na tama ang aking desisyon.
At kalaunan ay linamon na ako ng matinding kadiliman dahil sa pinakamagandang regalo ng taon.

Isinulat ni PlatitoPenitente
June 14, 2017
8:54PM
Inaalay ko sa mga taong tulad ko.

Mga Tula Ni TangaWhere stories live. Discover now