Hindi Ako Marunong Gumawa Ng Tula

66 0 0
                                    

Hindi talaga ako marunong lumikha ng tula,
Mula sa pagkabata hanggang sa aking pagbibinata,
Pilit pinagtutugma ang mga mahahalagang salita,
Kapag sumuko bigla nalang matutulala.

Isang panibagong araw na naman,
Kakayahan ko ay muli na namang masusubukan,
Umupo ako sa isang ngumangalingit na upuan,
Sinubukan pigain ang utak na wala namang kalaman-laman.

Hinawakan ko ang papel at lapis sa taas ng mesa,
Tinitigan ang mga ito na para bang may lalabas na apoy sa aking mga mata,
Oh, mahal na lapis, sana kusa ka nalang magsulat at mag-isip ng mga kataga,
Oh,mahal na papel, nawa'y ikay makisama't makiisa.

Panay ang kamot ko sa aking ulo,
Nangangamba na baka wala akong ipasa sa aking guro,
Siguro mabuti ng magpagawa nalang sa mga mahilig sa piso,
Pero baka itanong ni teacher na wala akong respeto.

Natataranta at Mata
Mga salitang maaring magkatugma at maging panimula,
Oh,aking giliw, kapag kasama ka lagi akong natataranta,
Pero bakit nais lagi kang makita ng aking mga mata,

Nagawa ko na ang una at ikalawang linya,
Pero marami pang dapat isagawa,
Gaano ba kahaba aking magiging tula?
Pwede bang isang taludtod nalang ang aking ipasa?

Sabi ng aking kaibigan,puso at isip ang magiging panlaban,
Pero paano kung hindi sila gaya ng aking tiyan?
Na kailangan munang kumalam bago magparamdam,
Di tulad ng isip na may laman, pero bakit masakit parin kung gamiting panlaban,

Ang tema ng aking tula ay pag ibig
Pero bakit hindi ko kayang gawin ito gamit ang aking bibig?
Kailangan ba magkatugma sa huli para masabing tula?
Oh, nais lang nila na maging komportable ang kanilang mga tenga?

Meron daw na tiyak na sukat at tugma ang isang tula,
Kasing lalim ng isang karagatan na puno ng isda,
Kasing talim ng bagong hasang kutsilyo ang mga salita,
Pero ang akin ay hindi ko kayang ayusin na gaya ng abilidad ng isang tunay na makata.

Bahala na, may sarili akong istilo,
May sarili rin akong isip at puso,
At baka sa sobrang daldal ko baka mabulyawan ako bukas ni Mr.Aquino,
Tatapusin ko na ang kadaldalan ko mga kababayan kong Pilipino.

Pero bago ako magpaalam sa inyo,
Bago ako mabaliw at tulayang maging bobo,
May hihilingin lang sana ako sa inyo,
Pwede niyo ba akong gawan ng isang tula na para bang gawa ng isang estudyanteng tulad ko?

-PlatitoPenitente
June 15,2017
9:25 PM

Mga Tula Ni TangaWhere stories live. Discover now