Mart

16 0 0
                                    

Oo na, abala ako.
Hindi abala dahil sa trabaho ko,
Hindi dahil panay ang pag gimik ko,
Kung hindi abala ako dahil sa kakaisip sa iyo.

Lagi mo nalang iniisip na may iba ako bukod sa iyo.
Kahit ang totoo ay lagi akong nasa tabi mo at minanahal ka ng todo,
Lagi nalang akong napupuyat tuwing hinihintay kong ipikit mo ang mga mata mo.
Kahit hanggang bukang liwayway ay lagi akong nakaantabay sa pagtulog mo.

Lagi mo nalang dinadampi ng marahas ang palad mo sa aking pisngi.
Hindi dahil may nagawa akong kasalanan o pagkakamali,
Kung hindi dahil sa mga akala mong hindi mapakli-pakli,
Mga akalang ikaw lang ang naniniwala ng matindi.

Iniisip ko sa aking sarili kung kaya ko pa hanggang sa susunod na araw, linggo , buwan o taon,
Kung kaya ko pa bang ipagpatuloy ang nabuo nating relasyon,
Kung kaya ko pang makipagsabayan sa isip mo,
Kung kaya ko pang hawakan ang puso mo.

Alam mo, nag iba na ang pakikitungo mo,
Nag  iba na ang tono ng pag uugali at paniniwala mo,
Nag iba na ang taong minahal ko ng buong-buo,
Pero umaasa akong masasanay din ako sa iyo hanggang sa maging puti na ang mga buhok ko.

Minamahal kita ng higit pa sa sarili ko,
Kahit masakit, ibibigay ko ang lahat-lahat pati ang puso ko,
Minamahal kita na tulad ng pagmamahal ko sa mga magulang ko,
Sinusunod, rineregaluhan, pinapakinggan at higit sa lahat, rinerespeto.

Kahit ano pang mga paratang mo sa akin, hindi ako magiging mahina sa'yo,
Kahit panay ang pananakit mo sa akin, titiisin ko hanggang sa mamatay ako,
Kahit lagi mo nalang akong pinipigilan na halikan ka at yakapin ka, tatanggapin ko bilang paggalang ko sa'yo
Kahit panay ang pambubulaslas mo sa akin, pakikinggan ko parin hanggang sa ikaw na mismo ang sumuko.

Pauwi na ako mula sa aking trabaho,
Pumapasok na naman sa isip ko ang mga sasabihin mo,
Iniisip ko, bakit lagi nalang ang ating sitwasyon?
Bakit panay ang bintang mo kahit hindi naman totoo.

Babaero at hindi kayang makuntento,
Yan ang lagi ang mga kataga mo na sa akin ay iyong ibinabato,
Ni minsan hindi ko kayang lumingon sa ibang babae na masasabing maganda at perpekto,
Kilala mo ako, ikaw lang ang nagpapaikot ng mundo ko at nagpapagalaw ng tali ng katawan ko.

Nasa harap na ako ng ating sarling tahanan,
Maaga akong umuwi gaya ng iyong kagustuhan,
Pagpihit ko sa pinto biglag may kung anong pwersang tumutulak sa akin.
Tinutulak ako para huwag ipagpatuloy ang aking gagawin.

Pumasok ako hanggang sa makita kita.
Mukhang masaya ka.
Mukhang hindi mo ko magagawang sigawan ,
Mukhang magiging maganda ang oras na walang bangayan.

Lumabas nalang ulit ako ng bahay at nakangiting tinitigan ang kalangitan.
Hinihiling ko sa mga bituin na sana ang ngiti mo ay hindi na mapalitan,
Titiisin ko kahit may kung sinong lalaki ang iyong kayakap at hinahagkan,
Basta maging masaya ka lang at masaya na rin ang puso ko na kasalukuyan ko ngayong pinapatahan.

Mga Tula Ni TangaWhere stories live. Discover now